Bucket list #2: Magkaboyfriend bago Magdebut si BFF Jenna

17 2 0
                                    

                                       Part 2

      Sam is a lesbian.  Naisip ko na kung magiging mag-jowa kami, sa tuwing mag-eembrace kami, makakapa ko 'yung bra niya na magpapaalala sa akin na pareho kaming girlet!  At syempre, palagi na rin kaming magkakasama kung saan-saan.   And there's such a thing as osmosis.  Malamang, magkakasabay kami ng monthly period, magkakasabay kaming magpi-PMS at magsusungit.  Hindi ko carry 'yon!

     Nuong inakala ko na magiging abala ako sa susunod kong plano sa paghahanap ng boyfriend,  nagkamali pala ako.   Nakita ko ang pangalan ko sa bulletin board at pinapupunta ako sa registrar's office.Pinagmulta ako ng P500 para sa kasong vandalism.  Kailangan ko ring magtrabaho bilang assistant sa library ng 8 hours.  Nakalimutan ko na istrikto ang eskwelahan namin pagdating sa vandalism.  Hindi na ako nakapag-deny dahil may ibinigay pang video ang taga-sumbong na ako nga ang nag-vandalize.  Akalain mo, may p.s.-I-hate-you souvenir pang iniwan ang lukaret na Sam.  Siya lang ang pwedeng gumawa ng krimen na iyon dahil wala akong sinabihan tungkol sa pagsusulat ko sa concrete bench.  Sa palagay ko, nag-isip na talaga siya ng pangresbak just in case ma-reject siya.  Hindi ko na sinabi sa office kung sino ang kasama ko na nag-vandalize dahil wala naman akong ebidensya.  Kaya nag-move on na lang ako.

                                      * * * * *

     Si Jenna lang ang sinabihan ko tungkol sa bagong gimik na niluluto ko.

     "Hoy girl, hindi mo pa shini-share 'yung fb post ko, ha!  Alam mo namang last resort ko na 'yon, e.," pangungulit ko habang nakatambay kami sa cafeteria.

     "Oo na.  Mamaya pag-uwi ko, magbubukas agad ako ng fb.  Nakakainis!  nasasabaw na 'ko sa pag-solve ko dito sa assignment ko sa algebra."

     Parang bigla akong napahiya.  Habang algebra ang pinoproblema ng best friend ko, paghahanap ng boyfriend ang pinoproblema ko.  O, e ano ngayon?  Ang deadliiiine.

     "O, ano? nakapag-save ka na ba ng panglibre mo sa amin sa unli-lugaw ni Aling Iska?  Malapit na ang debut ko," ngingisi-ngising sabi ni Jenna.

     "Aba, parang sure na sure ka na matatalo ako sa dare ng barkada, a."  Alam kong iniinis na naman niya ako dahil ako si Miss Competitive ng barkada.

     "Yup.  Kasi nai-imagine ko na sasablay 'yang gimik mo na kunwari, nakapulot ka ng mamahaling cellphone sa MRT at hinahanap mo sa fb kung sino 'yung guy na nakaiwan n'on."

     "Losing is not an option.  'Yan ang favorite mantra ko ngayon.  At tsaka hinaan mo nga 'yang boses mo, Jenna.  Nag-promise ka sa 'kin na sikreto lang natin 'yung gimik ko, ha.  Huwag mong sasabihin kahit kina Jackie at Karen."

     "Oo naman.  Sus, pa-mantra-mantra ka pa ngayon."

     "Alam mo, shunga ka,e!  Pinag-isipan kong mabuti 'yung plano ko.  Kaya nga may detalye  yung nakalagay sa fb post ko.  Ang nakita kong nakaiwan nung brand new cellphone e mukhang college student, lalaki, matangkad, pero hindi ko nakita 'yung mukha niya.   Tsaka alam mo naman sa fb, nilalantad ng mga tao 'yung buong buhay at kaluluwa nila, di ba?   Kaya madali kong mai-screen 'yung mga guys na  papatol sa gimik ko. "

     "Mas shunga ka!  Biro mo, magbibigay ka ng Samsung cellphone sa isang stranger?  At tsaka hindi ka naman talaga nakapulot ng  cellphone di ba?  Kaya lahat ng magke-claim na sila ang may-ari no'n, puro mga sinungaling.  Isa pa, paano kung puro may girlfriend o asawa na sila?"

     "Pinaka-shunga ka!  Hindi ako mamimigay ng Samsung dahil sasabihin ko sa kanila na may kasamang receipt na may pangalan 'yung cellphone.   Sana nga maging viral 'yung fb post ko para mas marami akong choices.  'Pag nakapili na 'ko ng boyfriend material, alam ko na ang gagawin ko."

Bucket list #2:  Magkaboyfriend Bago Magdebut si BFF JennaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon