Bucket list #2: Magkaboyfriend Bago Magdebut si BFF Jenna

152 12 4
                                    

     Bucket list #1:  Lose 15 pounds.

     Ang good news, 123 pounds na lang ako kahapon.  Ang ibig sabihin nuon, 12 pounds to go.  Woohoo!  Ang bad news,  I only have 2 months, 6 days, and uhhhmm, around 10 hours left para makasungkit ako ng boyfriend.  Mabuti pa sina Jackie at Karen, solved na sa dare ng barkada.  Parehong "in a relationship" na ang status nila sa fb.

     Okay, magre-rewind lang muna ako ng kaunti.  So, hindi nag-work yung blind date na sinet-up sa akin ng pinsan ko.  Nuong nakausap ko si blind date sa phone, juma-John Lloyd Cruz ang boses niya.  Syempre na-excite ako.  Pero nang nagkita na kami, naka-flats na nga lang ako, mas matangkad pa rin ako sa kanya.  Hindi naman ako masyadong choosy.  Slight lang (slight to the 3rd power pa 'yan).  5'1 na nga lang ang height ko, alangan naman na mag-flats ako para lang hindi siya magmukhang younger brother ko kapag siya ang ka-date ko sa debut. 

     Anyway, pagkatapos kong dedmahin ang lahat ng text messages niya, mga pm sa fb na puro "hello" lang with smiley, at walang humpay na pagla-like sa bawat posts at comments ko, he finally unfriended me. 

     Hanggang isang maaliwalas na araw, napanood ko sa TV 'yung kwento ng dalawang estudyante ng UPLB.  Nagkakilala sila  sa pagsusulatan sa armchair na pareho nilang inuupuan pero magkaiba sila ng klase.  Pagkatapos nilang magpalitan ng ilang messages sa armchair, nagdesisyon silang dalawa na magkita.  Eventually, naging couple na rin sila.  Very romantic ang kwento nila di ba?  Kaya naman iyon ang naging inspirasyon ko para sa susunod kong plano.  Dahil ayoko namang paratangan ako ng mga teh at kuya na copy cut lang ako ng love story nila.  Pinili ko 'yung concrete bench sa ilalim ng punong mangga na nasa likod ng main library namin.

     Nakatiyempo ako ng araw at oras na may dalawang pares ng mag-jowa na nagmo-moment ng wagas sa damuhan na malapit sa punong mangga.  Inilabas ko ang Sharpie ko at mabilis na nagsulat.

Ako:                                                                               Ako yata ang isa sa pinakaswerteng babae sa mundo.  Feeling ko may mangyayaring life changing moment sa akin.  :-)

     Syempre, kailangang ma-establish kaagad na girlet ako di ba?  After 3 days, may kumagat din sa drama ko.  Nagti-twinkle ang mga mata ko at nagva-vibrate ang puso ko habang binabasa ko ang message.

Siya:                                                                        Hhmmm, good for you.

Ako:                                                                          Thanks! :-) I think destiny ang tawag nila dito.

Siya:                                                                       Hhmmm, naniniwala rin ako sa destiny.  Now we have something in common.

Ako:                                                                    Interesting :-)

Siya:                                                                               You seem interesting.

Ako:                                                                           Maybe.

Siya:                                                                            Balak kong magbilang ng mangga sa puno sa friday.  2:30-ish.  Baka gusto mong dumaan dito.

Ako:                                                                          Maybe.

     Isang linggo din kaming nagbolahan, este nagsulatan sa concrete bench.  Pero bago kayo kiligin, magfa-fast forward na lang ako.  Finally, nagkita rin kaming dalawa.  Naging saksi ang punong mangga sa bawat nakakalokang segundo ng pag-uusap namin. 

     Sam daw ang pangalan niya.  Biology ang course niya,  (impressive, right?)  Medyo borderline hipster ang style ng pananamit niya, (which isn't bad at all).  Nabanggit din niya na dean's lister siya, (na hindi ko naman itinanong sa kanya).  Marunong din daw siyang tumugtog ng gitara at member siya ng glee club, (like na like!  kaliwa at kanang thumbs up!)

     Okay, lahat ng qualities na meron siya ay wagi sa libro ko.  But I have to remind myself na malapit na ang deadline ko.  Hindi na dapat ako magpatumpik-tumpik pa.  Kailangang deretsahin ko na siya.  Kaya go na!  Sabi ko sa kaniya:

     "Alam mo, ito ang first impression ko sa 'yo.  I think you have a well rounded personality.  At tsaka mukha kang mabait." 

     Pero, pinutol niya kaagad ang susunod kong sasabihin.  Argh!

     "Ang first impression ko naman sa 'yo, mukha kang anghel.  Bagay sa 'yo ang pangalan mo, true to its meaning.   At ang ganda-ganda pala ng kulay ng eyes mo, kitang-kita ko 'yung patterns sa loob ng iris mo."

     (Wait lang, pwedeng paki-check ang mga paa ninyo.  Baka kasi naaapakan na ninyo ang hair ko,  sobrang haba na, e.)  

     Ok, going back, ang deadliiiine!  Sumagot ako sa kanya ng:

     "Uhhmm, thank you."  At biglang naging demure ang boses ko.  "Ano kase, e..."  Pero humirit na naman siya.  Aaaargh!

     "Hindi 'yun bola, ha.  Totoo rin 'yung sinabi ko na naniniwala ako sa destiny,"  sabay turo sa isinulat niyang message na may salitang "destiny".

     "Meron akong nabasa nung isang araw,"  sabi ko habang tine-trace ng mga mata ko ang mga isinulat namin magmula sa umpisa hanggang sa huli.  "Sabi duon, we make our own destiny.  Sa tingin ko, totoo 'yon,e.  Sa mga kamay natin nakasalalay ang magiging buhay natin di ba?"  In fairness, tumatango naman si Sam habang nakikinig siya.  "Kaya nga may free will tayo.  May kanya-kanya tayong mga gusto sa buhay natin.  At kung ipine-pursue natin ang mga gusto natin, then we're making our own destiny.  Katulad ko, alam ko kung ano ang mga gusto ko."  Sa puntong iyon, medyo gumagaralgal na ang boses ko sa nerbiyos.  "One example, I'm into boys.  I like boys.   Sigurado ako na paggising ko bukas, o next week, o next year, or in my next life, I will still like boys."

     Okaaaaaay!  At d'yan po nagtatapos ang maikling kuwento namin ni Sam.  Medyo blurred na yung mga sumunod na pangyayari.  Basta ang natatandaan ko lang, nagpaalam na ako sa kanya dahil may klase ako ng 4:30.  Hindi naman kasi madaling mag-reject ng tao. 

 Itutuloy....

Bucket list #2:  Magkaboyfriend Bago Magdebut si BFF JennaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon