Chapter 2

52 7 4
                                    

The Girl Behind the Black Shirt

Chapter 2

"Osya, hijo. Ikaw na muna bahala sa unica hija namin. Ingatan mo yan ha?" Sabi ni Mama. Wala na talaga ako takas! Eto na ba ang katapusan ko? Magiging babae na ba talaga ako?  .・゜゜・(/。\)・゜゜・.

"Opo, Tita." Sabi nya. Maka-tita? Ka-ano ano ba ni Mama to? Kainis! Wala ako kaalam-alam.

"Ano ba, hijo. Mama na ang itawag mo sakin. Wag na Tita okay?" Sabi ni Mama. Bigti na ako. Na-oop na ako sakanila. 눈_눈

"Sige po, Ma. Mag-ingat po kayo. Ako nalang po maghahatid sakanya mamaya." Sabi nya kay Mama na nakangiti ng wagas. Pinagplanuhan talaga nila to. -_-

"Pa! Kinikilig ako! Parang tayo lang nung kabataan natin. Hinahatid mo pa ako sa bahay namin." Sabi ni Mama. Yan na naman ang Nanay ko, nagflaflashback ng nakaraan nila ni Papa. (-‸ლ)

"Ma! Wag na kayo magflashback sa harapan ni Black. Mahiya naman po kayo." Sabi ko.

"Pa! Achievement ata natin to! Nahiya din ang anak natin sa ibang tao. Osya aalis na talaga kami! Hija, wag ka masyado kiligin ha? Pakipot muna bago bumigay. Okay? Babye, sweetheart!" Sabi ni Mama. Kanina pa ako napapahilamos sa kamay ko. (-‸ლ) Grabe kakahiyan ang naabot ko ngayon.

"Nakakatuwa Mama mo." Biglang sambit ni Black kaya napatingin ako sakanya. Pero, wrong move pala ginawa ko. Kasi ng tumingin ako sakanya ay nagtama na naman ang mga mata namin. Kaya ang nangyari di ko na naman matanggal tanggal tingin ko sakanya. 

Ngayon ko lang napansin na Gray pala kulay ng mga mata nya. Ang ganda! Kaya pala naaakit akong tignan yung mga mata nya. Bumagay din sakanya yung mga mapupungay nyang mata at yung mahahaba nyang mga eyelashes. Grabe, dinaig nya pa mata ko.

"What's the matter?" Biglang sabi nya.

"H-ha? N-nothing!" Sabi ko at nag-iwas agad ng tingin.

"Weh?" Sabi nya. Ang kyut ng accent nya sa pagsabi ng 'weh'. Mayaman ata to.

"Paki-ulit nga?" Sabi ko.

"What?" Sabi nya. Di nya ata ako naintindihan. -_-

"Di ka ba nakakaintindi ng Tagalog?" Tanong ko. Pero imbis na sagutin nya ako ay pinagtawanan nya lang ako. Anong nakakatuwa don? (;¬_¬)

"Hey. What's funny?" Sabi ko. Nag-english na ako mahirap na baka pagtawanan ulit ako eh.

"W-wala. Hahaha." Sabi nya. Nagtatagalog naman sya eh. Bakit di nya naintindihan tanong ko kanina? -_-

"Pinagloloko mo ba ako?" Sabi ko sakanya. Kaya napatigil sya sa pagtawa nya.

"Sorry. Ano kasi.. naiintindihan naman kita pero bigla mong tinanong kung nakakaintindi ba ako ng Tagalog. Bakit muka ba akong foreigner?" Sabi nya. Kainis. Nakakaintindi naman pala.

"Hindi! Kapal mo ha!" Sabi ko.

"Hahaha. I'm just stating the truth." Sabi nya.

"Tsss! Hambog!" Sabi ko.

"Huh? Anong hambog?" Tanong nya.

"Gwapo ibigsabihin nun." Sabi ko.

"Ah. So, hambog ako?" Tanong nya.

"Oo." Sabi ko. Uto-uto din pala sya. (ノ>▽<。)ノ

The Girl Behind the Black ShirtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon