CHAPTER 1

15 0 0
                                    

JAIRUS REUEL'S POV

"Nasan ka na ba Jairus? Mag start na yung shoot wala ka pa din dito. Ikaw pa naman bida, lagi ka nalang late." sermon sa akin ng aking manager na si ate Kath.

"Traffic talaga sobra, sorry. Pero malapit naman na" sagot ko naman.

"Alam mo na palang traffic edi sana inagahan mo yung alis mo. " sagot naman sa akin ni ate Kath. "sige na, mag iingat ka."

Konti nalang naman malapit na ako sa location kung saan kami mag shoshoot. Sa sobrang kamamadali ko, di ko napansin yung babaeng patawid. Bilis bilis akong nagpreno, baka makapatay ako ng wala sa oras.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil malapit na malapit na yung babae. Jusko! Buti nalang nakapag preno pa ako.

Dali dali naman akong bumaba ng sasakyan ko at chineck ko yung babae.

"Miss ayos ka lang ba? Halika dalhin na kita sa hospital." pagaalala ko naman sa babae.
Paglingon sa akin ng babae, tila'y mala anghel ang mukha nito.

"ayos lang ako, wala 'to. Sige una na ko malalate na ko. Pasensya na" sabi naman nung babae, sabay tumayo at naglakad na papalayo sa akin.

Habang ako ito tulala parin, di ko alam kung bakit.nagsisibusinahan na mga sasakyan sa likod ko.

After 30 minutes

"ayan pala yung sinasabi mong malapit na." salubong naman sa akin ni ate Kath.

"May muntikan akong masagasaan kanina, kakamadali. Bigla kasing tumawid." pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

"delay na tuloy yung shoot. Sige na pumasok kana dun sa tent andun na si sharlene at para maayusan ka na." sabi naman sa akin ni ate Kath. "By the way, napractice mo na ba mga lines mo?" dagdag na sabi naman nito.

"yes ate Kath, you know me. Laging late, pero alam ang lines." sagot ko naman habang nakangiti kay ate Kath.

Mga ilang minuto lang akong inayusan at nagsimula na yung taping namin.

Thankful kasi sunod sunod blessing sa amin ni Sharlene. Nagkaroon na kami ng movie na kami ang bidang dalawa.

Habang papunta ako sa tent, iniisip ko yung babaeng muntikan ko ng mabangga kanina.

Ano kaya pangalan nun?

Ayos lang kaya siya?

Saang school siya nag aaral?

Hays ano ba yan Reuel. Ano bang nangyayari sayo? Bat nasa isip mo yung babae kanina?!

"huy!"

"ay palaka!"

"bat nakatulala ka nanaman jan?" sabi naman sakin ni sherlene.

"Iniisip ko lang yung bab..."

"HOY ANONG BABAE?! NG BABAE KA?! ANO?! MAY NANGYARI SA INYO?" Taranta namang sabi ni sherlene. hahahaha, ganto talaga to ka concern samin.

Akala ng nararami may something sa amin, di nila alam na bestfriend lang kami nito. May iba talagang gusto 'tong bestfriend ko.

" WoW ang OA mo ngayon ha, hindi ako nangbabae no gusto mo pinatay ako ni ate Kath." pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

"Eh ano ba kasi yung sinasabi mo?" tanong naman niya.

"ayan hindi mo kasi ako pinapatapos. Iniisip ko yung babaeng muntikan ko ng maaagasaan kanina. Bigla kasi siyang umalis di ko alam kung ayos lang ba siya." pagpapaliwanag ko ulit sa kanya.

Love near the Sun; Love Over the MoonWhere stories live. Discover now