Necklace

21 3 0
                                    

Ricka'sP.O.V

12:53 pm

Kakarating ko palang sa room namin... Heto nanaman ang mga kaklase kong akala mo nasa palengke sa sobrang ingay lalo naman yung isang grupo ng mga babae dito. Powerpuff Girls yata. Sanay na ko dito. 

Judgmental ako. Medyo lang naman eh. Sinasabi ko lang naman kasi yung opinyon ko.

Hinagis ko nalang yung gamit ni Edric dun sa upuan niya. Aba, bahala siya. Siya mag-ayos niyan. Nakakapagod rin yun 'no. Lalo na't pag sa 3rd floor pa yung classroom niyo. Tss.

Umupo nalang ako dun sa upuan ko. Inayos yung gamit ko. Dami-dami ko naman kasing dala. Di ko naman alam na wala naman palang gagawin ngayon.

Nabasa ko rin yung nakasulat sa board. Nah. Introduce yourself. 

Dinaldal ko nalang yung katabi kong nagbabasa ng isang libro. Nerd yata.. Di naman sa ayaw ko sa mga nerds. Oo, weird sila pero gusto ko kasi yung tipo na matalino ka pero hindi laging libro ang katapat mo. Okay, opinyon ko lang yan. Wag niyong masyadong seryosohin.

"Hi, ano pangalan mo?"

"Uhhhh, Fatima..." Nahihiya pa yata siya sakin. Di naman ako nangangain ng tao, diba? Mukha ba kong predator masyado? Tell me... T^T

"Tungkol saan yang binabasa mo?" 

"Uhhh. Wala wala." Tell me, mukha ba talaga kong flesh-eater? Mukhang hindi tumalab ang daldal powers ko dito ah.

Bye ate. Boring mo po kausap. 

Bigla namang dumating si Edric na mukhang pawis na pawis.. Ano kayang ginawa nito? Nakipagice-water? Nakipagtaguan? Siguro akala niya nandito na yung teacher. 

Di ko na muna siya masyadong in-interrogate. Bahala siya sa buhay niya.

Dumating na rin ang aming teacher after 10 years... Okay, ang OA ko. mga 10 minutes lang talaga.

Nagpakilala na kami. Ako pa nga yung nauna. Matic na. Pasikat mode is on. Joke lang, be humble. Prinactice ko rin yan kagabi ng 2 minutes, hahaha. Para prepared, oha.

Ayun, natapos rin. Ngayon ko lang masyadong narealize mga mukha ng kaklase ko. 

Okay, uwian na. Sabay kami ni Edric umuwi. Nagpalibre pa ng pamasahe, kapal ng mukha. Niyaya ko siya sa bahay namin pero ayaw niya. Edi wag. Wag pilitin ang ayaw. 

Wala naman akong ginawa buong magdamag sa bahay. Kumain na lang ako ng kumain. 

The next day....

Wala. Boring parin ang buhay. Walang thrill. 

Akala ko pa naman pagtapos ng 1st day of classes, may susunod pang mga activity na gagawin. Lesson na pala agad. Nagsimula kami sa simula, alangan naman sa huli diba. 

Unang subject, boring. MATH. Yung nerve cells ko, nagkawatak-watak. Talagang Math pa ang first subject. Nakakaiyak rin kaya.

Second subject, feeling sleepy. Huhu, nakakaiyaq. Di pa ko nakakamove on sa madugong Math lesson namin. 

Third Subject, geek mode is on. Trip ko e, bakit ba? 

LUNCH. Happy? happy. Sabay kami ni Edric, as usual. Gusto niya sumabay sakin e. Di naman nagpapalibre MASYADO. Dami niyang alam. 

4th subject? Boring, of course. Ano pa ba? 

Next subject? Vacant. Saya saya. Sana gan'to nalang lagi. 

Boring talaga ang vacant time pag wala kang pera. Gusto ko pa naman sana kumain uli. 

Dahil medyo friendly naman ako, nakisali nalang ako sa Truth or Dare nila with a twist... Gan'to ang dapat gawin.. May isang papel ang nakatiklop, gamit ang iyong bibig ay ipasa ito sa iyong katabi.. Kung sino mang nakahulog ng papel ay siyang mabibigyan ng Truth or Dare.

The Stalwart StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon