Salamat nandito na rin sa third floor. Halos wala na ding tao sa hallway dahil siguro pumasok na sila sa classroom nila habang ako ngayon pa lang papasok hahaha. Makapasok na nga sa classroom.
"Nagchecheck na ata attendance"
"Okay wala na atang hahabol"
"Ma'am sorry po ngayon lang"
"Anong pangalan mo?"
"Edric de Castro po"
"Walang Edric de Castro dito sa list of students ko, sa ibang classroom ka magpunta"
"Wahahaha naligaw si kuya kawawa naman!" Singit ng mga umepal na estudyante
Ayun mali ako ng classroom na pinasok. Sa tabing room pala sa kanan dapat ako pumasok -_- . Sumilip ako sa pintuan at nakita ko si Ricka na nakaupo dun sa first row. Dahil dito, ito na nga yung classroom ko.
"Ma'am sorry po nalate"
"Dumating ka din sa wakas Mr. de Castro! Ikaw na lang hinihintay namin!"
"Sorry po talaga Ma'am"
"Sige maupo ka na kung saan mo gusto."
"Sige po."
Syempre tumabi ako kay Ricka dahil siya lang naman kakilala ko dun. Kakaupo ko pa lang bigla akong binatukan ni Ricka. Alam ko naman kung bakit niya ginawa yun hahaha.
Ang teacher namin ay si Ma'am Bianca Reyes. Medyo mabait din naman si ma'am kasi di naman siya masyadong nanermon sa akin hahaha. Tinuro sa amin ni ma'am ang rules and regulations ng school at ang mga facilities dito. Habang nagtuturo si ma'am ay inantok ako hanggang sa makatulog na nga.
"Zzzzzzz Zzzzzzz"
MysteriousGirl's P.O.V
Aba mga walang hiya yun ah di man lang ako tinulungan. Basta dapat maayos pa din mukha ko. Habang kinukuha ko yung mga libro kong nahulog, may lumapit sa akin.
"Ate tulungan na kita"
(Aba isa pa to mukha na ba akong matanda? Hayaan mo na mukhang mabait naman.)
"Sige salamat ah"
"Ate eto na po"
"Ano nga pala pangalan m-"
Aba tumakbo agad tatanungin ko pa naman kung anong pangalan -_- Ako nga pala si Fiona Anne Gonzales. Simple lang naman ako pero nagmamadali na ako kaya una na ako hahaha!
Habang nagmamadali ako, nakita ko ulit yung tumulong sa akin kanina. Naunahan ko pa nga siya wahaha. At pagkatapos nga ng nakakapagod na paglalakad sa hagdanan, nandito na ako sa classroom ko. Wala ng upuan sa harap kaya sa likod na ako umupo. Ako na lang pala ang hinihintay kaya nagcheck na agad si ma'am ng attendance.
"Okay wala na atang hahabol"
Pagkasabi ni ma'am nun ay may biglang nagbukas ng pinto...
"Ma'am sorry po ngayon lang."
Aba parang kilala ko to ah bulong ko
"Anong pangalan mo?"
"Edric de Castro po"
"Walang Edric de Castro dito sa list of students ko, sa ibang classroom ka magpunta"
Natawa ako dun kasi epic fail siya hahaha pero naawa ako sa kanya nang sabihin into ng mga kaklase ko:
"Wahahaha naligaw si kuya kawawa naman!"
Napahiya na nga yung tao sasabihan pa nila ng ganun.
EndofFiona'sP.O.V
BINABASA MO ANG
The Stalwart Star
AcakGaano nga ba kahirap mabuhay sa buhay na puro problema? Mabuti na lang nandyan ang iyong mga kaibigan. Kahit na puro alipusta ang naririnig mo, nandyan ang mga kaibigan mong tatawanan ka hahaha mali pala tutulungan ka. Tara na at basahin ang istory...