Chapter 10.3: Power Unleashed

101 7 0
                                    

3rd Person's POV

Blake: "TAKBO !!!!!!!!!" .

sigaw ni blake ng unti-unti na lumalapit sa kanila ang cerberus . hinila ni blake si sophie pabalik nh kotse upang takasan ang mabangis na halimaw .

nakarating na sila sa kotse at pinaandar agad ito ni blake .

Blake: "sophie humawak ka ng mabuti , matatakasan natin ang halimaw na yan" .

napakabilis ng pagpapatakbo ni blake pero parang hindi sila nakakalayo sa cerberus dahil sa bilis rin nitong tumakbo at malapit na silang maabutan nito .

nakipag habulan sila sa halimaw at marami ng mga sibilyan ang nadamay sa pag atake ng cerberus . nagkabungguan na mga sasakyan ., mga sugatang sibilyan . lahat yan ay dulot ng halimaw .

maging sila sophie ay nawalan na ng control sa pagdadrive dhl sa mga nakaharang na pinsaladong mga kotse , hanggang sa mabunggo sila sa isa sa mga ito .

Sophie: "blake ang sakit ng ulo ko" . dahil sa lakas ng impact kaya nabagok si sophie sa harapan .

Blake: "huminahon ka lang . wag kang gagalaw dyan sa kinauupuan mu at baka lalo kang mapinsala" .

kahit hirap na hirap ng kumilos si blake ay pinilit niya pa rin na makalapit kay sophie at ng makalapit na siya ay niyakap niya ito .

Blake: "pumikit ka sophie" . nakatingin si blake sa paparatibg na halimaw dahil alam niya na ang mangyayari . hindi na sila makakaligtas dahil malabo na silang makalabas ng kotse .

pumikit na lang rin si blake at hinintay ang mga mangyayari sa kanila .

.........

.........

.........

Blake: "bakit parang walang nangyari" . idinilat ni blake ang kanyang mata at may nakita siyang parang maliwanag na dilaw na bumabalot palibot sa sasakyan nila . isang force field . Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niya ang cerberus na winawasak ang force field na nagpoprotekta sa kanila .

Blake: "papaanong ? . . ." hindi natuloy ang kanyang sasabihin ng biglang may sumabog sa likuran ng cerberus .

tumalikod ang halimaw dahil sa pagsabog na iyon .

Blake: "may umaatake sa kanya ? pero sino ?" .

sumugod ang cerberus kung saan nanggaling ang pag atake . hindi niya muna inintindi iyon bagkos ay binaling niya ang sarili sa niyayakap niyang babae .

hindi niya namalayan na nawalan na pala ng malay si sophie .

Blake: "sophie ! sophie ! gumising ka ! indi ka pwedeng mamatay !" tumulo ang luha niya at pilit na ginigising si sophie . hindi niya alam ang kanyang gagawin . natataranta na siya sa nangyayari .

inalis niya ang seatbelt ni sophie at binaba ang sandalan ng upuan . dahan-dahan niyang hinwakan ang paa ni sophie at inangat ito upang alisin sa pagkakaipit ngunit hindi niya ito maalis dahil ipit na ipit ang paa ni sophie . buong hita niya ang naipit kaya mahirap tanggalin .

kahit hirap na hirap na si blake ay gumagawa pa rin aiya ng paraan kung paano niya maiaalis si sophie sa kotse upang madala ito sa ospital .

.........

Nexus POV

kaasar , sinasabi ko na nga ba na hindi ko gusto ang araw na ito . ito siguro ang tuta na kinupkop ng princess at ang kumagat sa akin . kaya pala ako nasaktan nun dahil isa itong halimaw . kailangan kong tapusin ang isang ito dahil kailangan ko pang ialis sila princess sa kotse .

umatake ang cerberus papunta sa direksyon ko at nagbuga ito ng apoy . sinangga ko naman agad ito gamit ang aking golden shield . nakakapaso aag init nito kaya gumamit ako ng magic para mabalutan ng yelo ang aking shield .

Me: "ice shield !" nabalutan na ng yelo ang aking shield at nabawasan ang init na pumapaso sa akin . hindi ko maitatanggi na malakas ang isang ito . mahihirapan ako sa laban na ito .

itinaas ko ang aking sword habang umaatake ang halimaw sa akin . nagdilim ang kalangitan at nagsimula ng kumidlat .

Me: "lightning tornado !" . lumabas mula sa kalangitan ang isang kidlat na umiikot at patungo ito sa direksyon ng kalaban ko . huli ka ngayon *evil smile* .

direktang natamaan ng aking atake ang cerberus kaya naman nangisay ito dahil sa kuryente na tumatama sa kanya .

Me: "pagkakataon ko na" . itunulak ko ang aking shield kaya naman napatalsik ko ang halimaw at nagpagulong gulong ito sa kalsada at napunta siya sa isang open area kaya walang madadamay na ibang tao .

sumugod na agad ako at inatake siya . pinuntirya ko ang kanyang isang ulo para putulin ito . nagtagumpay ako sa pag atake ko . naputol ko ang ulo ng cerberus kaya napasigaw ito ng malakas .

hindi ko inaasahan ang atake niya . pagkalingon ko sa gilid ko ay paparating na ang buntot niyang may patusok tusok . hindi ko na maiilagan ang atake niya kaya natamaan ako at tumilapon ng malayo .

Me: "nakaisa ka sa akin ha . oras na para tapusin ka" . bumangon ako at nagpalabas ako ng kuryente sa aking sword at mabilis na umatake sa direksyon ng halimaw . mabilis akong kumilos hiniwa ko ang mga nerves ng cerberus upang maparalisa siya .

tagumpay ako sa naging atake kko at oras na para putulin ko ang kanyang isa pang ulo . Nagpalabas ako ng isa pang sword sa aking kamay at katulad ng sa kabila ay may kuryente din ito . bumwelo ako at pinakawalan ang naipon kong bilis at sumugod na ulit sa kalaban .

Me: "Cross Lightning !" . inatake ko siya ng pa X ang direksyon ng sword ko patungo sa kanyang ulo . at nahati ko na ito .

nanghihina na ang cerberus dahil sa isa nalang ang ulo niya . isang atake nalang at tapos na ang halimaw na ito .

aatake na sana ako ng biglang may nagliwanag sa . . . . . . sa direksyon ng princess ?

Me: "ano yung liwanag na iyon ?" . nakita ko na lamang na may lumulutang na isang tao . at nagulat ako kung sino ang taong iyon . . . . . . ..

b-bakit lumulutang si . . . . . .

. . . . . . .

si blake ! (O.O)

Blake: "pagbabayaran mo ang ginawa mo kay sophie halimaw" . . rinig ko ang boses niya mula sa kinatatayuan ko . para bang nag eeco ang boses niya .

itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at kasabay nun ay nagdilim ang langit kasabay ng pagkulog at pagkidlat . Lumutang ang cerberus kaya napaatras ako .

Blake: "mamamatay ka halimaw !!!!!!!!!" . ngasilutangan ang mga kotse at bigla niyang pinagdikit ang kanyang kamay at napunta ang mga kotse sa cerberus at direkta itong natamaan at dahil doon ay lumikha ito ng malakas na pagsabog . siguradong walang ligtas ang halimaw .

nawala ang usok na nilikha ng pagsabog kaya nakita ko na ang halimaw . wala na itong buhay ..

Me: "sa wakas tapos na ang la-----" . hindi pa pala dahil unti-unting umaangat ang halimaw at mabilis na itong tumilapon papunta sa kalawakan . hindi talga yun makakaligtas .

pumunta ako sa direksyon ni blake at nawalan ito ng malay . kaya naman mabilis ako tumakbo para saluhin siya .

Me: "hindi ako makapaniwalang may kapangyarihan pala itong si blake . pero alam kaya niya ? na may kapangyarihan siya ?" . hiniga ko muna si blake at pinuntahan ko si princess . pinawala ko ang kotse upang makuha ko si princess . binuhat ko na si princess at pagkatapos ay si blake naman at lumipad na ako pabalik ng bahay . pero bago ko makalimutan . binalik ko ang oras upang mabalik rin ang buhay ng mga sibilyang namatay pati narin ang mga ari-arian na nasira dahil sa halimaw . except sa halimaw hindi ko siya ibabalik nuh haha .

tuluyan na akong lumipad pabalik sa bahay . akala siguro ni blake patay na si princess . tama nga siya hah pero she's the princess of resurrection .

.........................

done ang last part of chapter 10 ^__^ comments nalang kayo kung may comment kayo sa update ko ngayon . see you next chapter babye !

chan.chan.

Princess of ResurrectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon