Third Person's POV
Papunta si Gabriel at Gabriella ngayon sa sementeryo para dalawin ang puntod ng ina ni Gabriella.Sobrang kinakabahan si Gabriella at hindi nya alam kung paano papakalmahin ang sarili nya. Tila habang papalapit sila ng papalapit sa sementeryo ay pabigat naman ng pabigat ang pakiramdam ni Gabriella
Kaba, takot, lungkot at pangungulila... Halo-halong emosyon na kumakain sa kanya
"Relax, La. Magiging ok ang lahat" sabi ni Gabriel at nginitian sya bago ibalik uli ang atensyon sa pagmamaneho
"We're here" maya-maya pa'y sabi ni Gabriel
'Lalabas ba ako ng kotse? E kung wag na lang kaya? Uuwi na lang ako!' Nasa isip ni Gabriella
Pero bago pa sya makapag-react ay bumukas na ang pinto sa gilid nya at inilahad ni El ang kamay nya para maalalayan sya pababa
"Let's go?" Nakangiting sabi nya
Sa simpleng ngiting yun ni Gabriel ay gumaan ng kahit papaano ni Gabriella. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ni Gabriel. Sa ganoong paraan, ramdam ni Gabriella na hindi sya nag-iisa... na may isang 'El' na handang samahan sya at mag-comfort sa kanya kapag hindi na nya kaya pa ang sakit
Na may taong aalalay at bubuo sa kanya kahit mawasak pa sya
Magkahawak sila ng kamay na pumasok sa loob ng isang maliit na museleyo. Ramdam ni Gabriel ang panginginig ni Gabriella pero wala syang ibang maisip para mapakalma ang dalaga kundi ang tanging paghawak sa kamay nito para iparamdam na nandito sya at handa syang maging sandalan ni Gabriella... na hindi nya ito papabayaan
Malinis ang museleyo ng ina ni Gabriella, walang kalat dahil sa janitor na regular na naglilinis pero halatang walang bumibisita... sabagay 2 months nang nasa Korea si kuya Kyuh nya kaya walang ibang maglalagay ng bulaklak o kandila
Park So Yung... ang pangalang nakalagay sa marmol na lapida... ang pangalang ng ina ni Gabriella na buong pusong nagmahal sa kanya sa kabila ng lahat ng kasaman ng pakikitungo nya dito
Binitawan nya ang kamay ni Gabriel at nanginginig syang na lumapit sa puntod ng kanyang ina. After 14 long years, ngayon lang ulit sya napunta dito matapos ng libing ng kanyang ina.
She closed her eyes and reminisce her heart-warming memories with her mom"Mommy! I want ice cream!"
"Sure Gabby! A Chocolate ice cream coming up!""Mommy! I got wounded!"
"Come Gabby! Mommy will cure it""Mommy I can't sleep"
"Ok. Mommy will sing a song for you"But along with it was those painful memories when her dad told her that mom is ruining their family
"Gabby look, I have a bucket of chocolate ice cream for you"
"I don't want ice cream! I don't want you!""Oh God! Gabby are you hurt?!"
"Don't touch me! I don't need you!""Gabby? Sweety are you asleep?"
"Get out of my room! I hate you! I hate you!""M-mom..." she whisphered
Nanatiling namang nakatayo si Gabriel sa likod ni Gabriella. Then, he was shocked when Gabriella suddenly kneel in front of her mother's tomb.
Back then, he never thought that the cruel and mighty stone-hearted girl Gabriella Kaye Albuendia, would fall down to her knees. That she would rather have her legs be cut off than to swallow her pride and kneel
BINABASA MO ANG
The Lovely Demon
RomanceMs. Lovely Demon falling inlove with Mr. Nice-Guy Mr. Childish Drummer falling in love to Ms. Lovely Demon Ms. Goody-Two-Shoes who would do anything for Mr. Nice Guy And the Mr. Nice Guy who can't move on What would be the love story between these...