MAMAHALIN NIYA DIN AKO. TIWALA LANG.
Sabi nila mababaliw ka daw kapag madami kang iniisip. Eh bakit ako, siya lang naman ang nasa isip ko, nababaliw na ako?
"Yara, tulala ka na naman dyan!" sita sa akin ni Cleo, ang best friend ko. Tumingin siya sa tinitingnan ko. "Kuh, kaya naman pala. Dumaan si Khalil. Lilipas din yan", dagdag pa niya.
"Cleo, alam ko walang permanente sa mundo, pero itong nararamdaman ko kay Khalil ay never na magbabago. Isa lang ang sigurado ako. Pagdating ng panahon, apelyido na niya ang gamit ko", sabi ko with a wide smile habang iniisip pa din si Khalil Villacruz.
Kiara Adriente-Villacruz. Someday, yan na ang pangalan ko.
Mabait si Khalil. Hindi siya yung tipo ng lalaki na suplado. Kaya minsan naiinis ako, kasi naman lahat ng babae, binabati niya. Minsan nga iniisip ko sana naging suplado na lang siya. Palibhasa kasi siya ang presidente ng Student Council. Lalo na ngayon malapit na naman ang eleksyon.
"Hi Khalil!" ako yan. Gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang atensyon niya lalong lalo na ang puso niya.
At dahil hindi nga siya suplado, pinansin niya ako.
"Hi Kiara."
^_____^
Ansaveh? Dapat ba akong matuwa kasi real name ko ang sinabi niya. Oh! Whatever! Ang mahalaga kausap ko na siya.
"Good luck sa eleksyon ha, I know naman ikaw pa rin ang mananalo. You know what balak ko ngang tumakbo eh", sabi ko.
"Good to hear that--"
"Tumakbo dyan sa isip mo", sabi ko. I saw him smile.
Kitam?! Banat banat din. Kung ang pagbanat ang isa sa mga paraan para lagi ko siyang mapangiti, gagawin ko. Araw-araw ko siyang babanatan.
Ewan ko nga ba, sa tuwing nakikita ko siya, nawawalan ako ng gana.
Ng ganang magmahal ng iba.
Kaya itaga nyo sa bato. MAMAHALIN NIYA DIN AKO. TIWALA LANG.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
What can you say about my new story? Dapat ko na bang simulan? Pag madami ang VOTES at COMMENT, sisimulan ko na to!
-frutyfruth
BINABASA MO ANG
Mamahalin niya din ako. Tiwala lang.
General FictionWalang permanente sa mundo, kaya sinisigurado ko na pagdating ng araw surname na niya ang gamit ko. :">