Hindi ako tamad. Kung ang ibang estudyante ay tuwang tuwa kapag walang pasok, pwes ako, hindi!
Eh paano naman kasi, pag walang pasok, eh di walang allowance kasi walang baon, at higit sa lahat, eh di hindi ko makikita ang aking ultimate crush na si Khalil.
*O*
Kaya tuwang tuwa ako kasi Monday ngayon at mas ikinatutuwa ko na ngayong araw, makikisit-in daw siya sa klase namin. Sana sa akin siya tumabi.
*u*
At kapag sinswerte ka nga naman. Absent yung katabi ko, so ayun sa tabi ko nga siya naupo.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Mukha kasi siyang worried.
"Yun kasing notes ko, kulang nga pala. Tsk," sagot niya.
"Naku, mahirap talaga kapag kulang. Parang bahay na walang ilaw, at parang AKO na walang IKAW," sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.
"Ah, I mean, huwag kang mag-alala, ano bang subject yan, papahiramin kita."
"Physics."
"Physics lang pala. Here," ata iniabot ko ang notebook ko.
"Thanks." He smiled.
"Teka, nakalunok ka ba ng kwitis?" tanong ko sa kanya.
"Ha? Bakit?"
"Eh kasi kapag ngumingiti ka, may sparks!"
*O*
Mas lalo siyang napangiti. Ang gwapo niya talaga.
Kapag ganito everyday, mas gaganahan akong pumasok. Imagine, katabi mo palagi si crush. Hay, sana nga lang maintindihan ko ang mga lectures. Hahaha. Okay lang matalino naman ako, kaya nga bagay na bagay kami ni Khalil eh.
*Krrriiinnngggg!!*
Ang bilis naman. Uwian na?! Kapag pala nageenjoy ka talaga, hindi mo mamamalayan ang oras noh? Hay.
"Bye Kiara, yung notebook mo soli ko na lang kapag.." paalam saken ni Khalil. Nginitian ko siya. Nakatitig lang siya sa akin.
"Kalma lang. Makikita mo pa naman ako bukas eh. Bye," at mas lumapad ang ngiti ko. Tinalikuran ko na siya.
Kung alam nyo lang kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko ngayon! Sa susunod na Monday kaya magkatabi ulit kami?
^_^
Magiging close din kami. Tiwala lang.
-----------------------------------------------
VOTE if you liked it and please leave a COMMENT. Thanks.
-frutyfruth
BINABASA MO ANG
Mamahalin niya din ako. Tiwala lang.
General FictionWalang permanente sa mundo, kaya sinisigurado ko na pagdating ng araw surname na niya ang gamit ko. :">