Prolouge

101 1 0
                                    

SUMMER

Naglalakad ako sa kalagitnaan ng traffic papunta sa apartment ng boyfriend kong si John. First Anniversary namin ngayon kaya naman gusto ko siyang sorpresahin. Dala ko ang regalo ko sa kaniya na pinag ipunan ko mula sa natira kong pera. Bumili rin ako ng maliit na cake para may mapagsaluhan kami.

35 pesos nalang ang natitira kong pera at pagkakasyahin ko nalang ito para may maipang agahan ako bukas. Kailangan ko ulit makilabada para lang may maipangkain.

Nang makarating ako sa harap ng apartment niya ay agad akong pumasok dahil naiwan nya yata na nakabukas ito. Nilapag ko ang lumang bag ko sa upuan na nasa sala at umakyat sa hagdan.

Dahan dahan ang hakbang ko para di niya ako marinig. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ay hindi nakatakas sa pandinig ko ang impit na ungol ng isang babae. Hindi ako tanga para hindi malaman kung saan nagmumula ang ungol na iyon. Nanginginig man sa paghakbang ang aking mga paa ay nagpatuloy ako sa pag akyat, pakiramdam ko ay napakatarik ng hagdan na inaakyat ko. Sa iilang hakbang na baitang ng hagdan ay umubos ako ng ilang minuto para marating ang huling baitang. Pagtapat ko sa kwarto niya ay nakaawang ang pinto ng kaniyang silid. Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang kahayupang ginagawa nila ng babaeng matagal ko nang pinagdududahan na aahas sa kaniya at tama nga ako.

Kitang kita ko kung gaano sila sarap na sarap lalo na at sinisigaw pa nila ang pangalan ng isa't - isa.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para makatagal na panoorin sila sa kababuyang ginagawa nila. Halos mabitawan ko ang hawak kong cake dahil sa panghihina. Hindi na ako nakatiis at sinipa ko ang pinto para bumukas ito kaya naman nakuha nila ang atensyon ko.

Bukas ang ilaw ng kaniyang silid kaya kitang kita ko ang kahubaran nila.

"S-Summer." hindi makapaniwalang sabi ni John.

"Isu-surprise sana kita kaya lang ako ang nasorpresa sa naabutan ko. Happy first anniversary John. Akala ko kaya hindi ka bumabati dahil sosorpresahin mo rin ako." natatawang sabi ko habang nag iinit ang sulok ng mga mata.

Nagtapis ng tuwalya si John saka lumapit sa akin pero humakbang ako paatras para hindi niya ako malapitan. Nandidiri ako sa kaniya. Nandidiri ako sa kanilang dalawa!

Kitang kita ko ang pagtaas ng kilay ng babae na lumapit sa tabi ni John. Confident itong hubad barong ibinalandra ang katawan sa harapan ko. Sexy siya pero isa siyang uri ng hipon.

"Naiinggit ka ba sa katawan ko?" natatawang tanong ng babae saka tumawa.

Nilingon ko si John habang tumatawa ang babae. Wala siyang balak sawayin manlang ito.

Hindi ako nakapagpigil at isinalpak ko sa pagmumuka ng babae ang cake na hawak ko. Dinig ko ang pagmumura nito.

"Fuck!" mura ng babae.

"Nakakadiri kayo!" sigaw ko kay John.

"Anong karapatan mong saktan si Fercel?!" sigaw niya sa akin at dinaluhan ang babaeng tinatanggal ang cake sa muka.

"Ano rin ang karapatan mong saktan ako?!" tanong ko sa kaniya.

Tumayo sya at gigil na hinarap ako. Kung gigil siya, mas gigil ako.

PAK!

Isang malutong na sampal ang ibinigay ko sa kaniya.

"Iniwan ko ang pamilya ko para sa'yong hayup ka dahil halos itinakwil nila ako nang makipagkasintahan ako sayo, tama ang Daddy ko. Pera lang ang habol mo sa akin. Sana pala nakinig ako sa kaniya para hindi ako nasasaktan ng ganito. Wala kang utang na loob!" umiiyak na sabi ko sa kaniya.

I LOVE YOU SUMMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon