Chapter 7

66 2 0
                                    

Narito na ako sa resto na sinasabi nila Bryle. Para akong tanga na lumilinga linga at hinahanap kung nasaan sila.

Nagulat nalang ako ng may humawak sa ulo ko at inilingon ito sa gawing kanan. Doon ko nakitang halos mamatay matay sa katatawa si Bryle at Dos kasama ang iba pa sa isang mahabang lamesa sa gilid ng malaking salamin ng resto. Nagsisimula ng kumain ang iba.

"Tch. What the hell are you waiting for? Lakad." sabi niya saka ako hinawakan sa magkabilang balikat at itinulak papunta sa gawi ng nga kasama namin.

Napahinto ako ng makitang tumayo ang may edad na babae.

"It's so nice to finally see you iha." sabi nito saka lumapit at bineso ako.

"G-Good evening po."

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang mariin na pagpisil ng amo ko sa magkabilang balikat ko na hawak niya.

"Come here iha. Take a seat and eat." sabi naman ng sa tingin ko ay tatay niya dahil iisa ang kulay ng mga mata nila.

"Tch." nagulat ako ng tabigin ako at lagpasan ako ng amo ko.

Sa hiya ay napayuko nalang ako at sumunod sa kaniya.

Naupo ako sa tabi ni Bryle na nasa dulo ng mesa na walang nagawa kundi ang umusog, habang ang amo ko naman ay nasa tapat ko.

"Here iha, kumain kang mabuti." abot sa akin ng tatay niya ng pasta.

"Heto ang sea food. Masarap ito, best seller nila rito." sabi naman ng nanay niya habang ipinaghahain ako.

"N-Nako sir, mam. Ako na ho ang bahala. Kumain na rin ho kayo."

"Tito at tita nalang ang itawag mo sa amin." Nanlaki ang mata ko sa dalawang matanda na nakangiti sa akin saka dahan dahang nilingon ang amo ko na nakataas ang kilay.

"So, gaano na kayo katagal nagsasama ng kapatid kong Pabebe?"

"Po?" tanong ko sa ate niya.

"What the.. Ate!" amo ko.

"N-Naku hindi po. Mali po kayo ng iniisip."

"She's just my maid. Tsk." asar na sabi nitong kolokoy na katapat ko.

"Weh?" napalingon ako sa batang sa tingin ko ay nasa sampung taon ang edad.

"Stop it Dark." palatak na naman ng tigre sa tapat ko.

Abala akong kumukuha ng pasta ng mapansing hindi pa rin tumitinag ang tigre sa harap ko.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya at kitang kita ko kung gaano kasama ng tingin niya sa akin.

"Oh, anak bakit hindi ka pa kumakain? Ayaw mo ba ng mga pagkain? Anong gusto mo? Gusto mo bilin ko yung chef dito?"

Narinig kong nagtawanan sila Evian at Bryle. Makikitawa na rin sana ako ng magsalita ang hinayupak sa tapat ko.

"Hoy babae."

Ako ba kausap neto?

"Uunahin mo pa ang sarili mo kaysa sa amo mo?"

Napapahiya akong tumingin sa nga kasama namin.

Ano ba ang sinasabi niya? Talagang hindi pa siya gumalaw para kumain ng sarili niya, gusto pa kaya niyang subuan ko siya?

Inis akong nag ikot ng pasta na nasa plato ko hanggang sa bumuo iyon ng malaking tumpok sa plato ko.

"Tch. I said.. " hindi ko na siya pinatapos dahil dumukwang ako sa table para isungalngal sa bibig niya ang pasta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE YOU SUMMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon