Chapter 3

33 2 0
                                    

GRAY'S POV

Fuck! Siya pa ang galit?  Ako na nga ang binato niya ng lata ng beer. Masakit din iyon?!

Sinundan ko lang siya ng tingin papuntang hagdan nang nilagpasan niya ako. Dinig ko ang kalabog ng pinto.

Bigla akong inatake ng konsensya dahil sa nasabi ko. Kasalanan rin naman niya iyon, bakit siya naka pout?! Hindi ba niya alam na... Oh fuck! What the hell happened to me?!

Hindi ako ganito. Naawa lang ako sa kaniya kaya ko siya binilan ng tsinelas at nainis lang naman ako sa kaniya kasi lagi silang nag uusap ni Bryle! Katulong lang siya dito! She even pouted her lips earlier and I got irritated easily. I don't know why! Is it because hindi bagay sa kaniya?! Damn.

Ako pa ngayon ang maglilinis ng mga kalat dito? Hell! Ayoko nga. Bahala na siya dito bukas, matutulog na ako.

Umakyat na ako sa hagdan saka pumunta na sana sa kwarto ko nang mapadaan ako sa kwarto niya at rinig ko mula rito ang mga hikbi niya kaya idinikit ko ang tenga sa pinto para marinig pa siyang mabuti.

"Akala mo kung sino! Dahil katulong lang ako?! Huhuhuhu! Pakshet ka!
Isusumbong kita sa kuya ko! Waaaaaahh. Kuyaaaaaaaaa!" para siyang batang umiiyak.

Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa kaniya.

Nagi guilty ako dahil sa mga nasabi ko.

"Akala mo kung sinong gwapo! Nakaspongebob naman ng boxer! Baklaaaaaaaa!" sigaw niya mula sa loob na nagpalaki ng mga mata ko.

Bago ko pa siya patulan ay pumasok na ako sa kwarto ko saka naligo. Pagkatapos kong maligo ay natulog na ako, tiyak na may hangover ako nito bukas.

....

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Nag a-alarm.

Bumangon ako at tama nga ang hinala ko. Masakit ang ulo ko!

Mamaya na ako maliligo, kailangan ko ng kape. Tsk.

Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan kong nagtutupi ng mga damit sa sala si Summer. Hindi niya ako tinitignan at tuloy lang siya sa ginagawa.

Nilagpasan ko siya at nagdiretso sa kusina pero alam kong kasunod ko siya ngayon.

Nakahanda na ang pagkain sa lamesa, maging ang mga gagamitin ko sa pagkain ay narito na kaya naupo na ako at sumandok na ng kanin para mag agahan. Kinatok katok ko pa ang ulo ko dahil masakit talaga. Tsk.

Nagulat pa ako ng maglapag siya sa tabi ko ng black coffee saka pitsel na may lamang tubig at isang baso.

Akala ko ay mauupo na siya sa harap ko pero lumabas siya sa kusina at mukang itinuloy na niya ang ginagawa niya.

Tss. Ayan na naman ang konsensya ko.

Hinayaan ko na siya at nagtuloy nang kumain, hindi ko na inabala ang sarili kong tawagin siya para kumain.

Nang lumabas ako galing sa kusina ay wala na siya. Malamang naroon na siya sa kwarto niya.

Pagpasok ko sa kwarto ay nagdiretso na ako sa banyo at naligo. Nagshave ako saka dito na inayos ang buhok ko. Palabas na ako sa banyo ng maalala kong hindi nga pala ako nakapagdala ng tuwalya kaya lumabas ako ng banyo at nagdiretso sa closet ng hubad.

"Oh my! Holy shit! Cobra! Waaaaaaaaaah" sigaw ni Summer at saka nabitawan niya ang dalang tray na may laman na mga damit na natupi.

"Fuck! Shit!" Halos hindi ako magkandaugaga kung papano tatakpan ang pagkalalaki ko. Nakita na niya! "Bakit bigla ka nalang pumasok?!" sigaw ko sa kaniya saka ako kumubli sa pinto ng closet.

I LOVE YOU SUMMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon