Poetry (uno)

24 4 0
                                    

Sa aking pag-lisan inyong mararanasan
Ang lungkot nang walang kaibigan
Ni minsan hindi ninyo pinahalagahan
Puso'y puno nang pag-mamahalan
Nauwi sa kalungkutan
Mundong nakalimot sa karunungan ng bawat Isa

Puno nang husga tila ba'y isang husgado kung makapaghusga sa bawat Isa
Pito't libong rason ni isa'y di pinanigan
Sa bawat ilusyon nang mundong may delusyon! Bawat isa'y may masamang intensyon, at para sayo ang dedikasyon

Sa bawat eksperimento ikaw ang elemento, gagawin kang insenso sa sarili mong monumento

Sa bawat salita puno nang poo't
Indikasyon sa bawat ilusyon
Nang mga bagay na wlang emosyon

Unti - unti kang papatayin
Sa bawat diskriminansyon
Sa mundong puso ng delusyon

Makukulong ka sa dilim
Nang iyong sariling utak
Babaguhin ang bawat emosyon

Hindi sila ang iyong matinding kaaway
Ikaw! Ang sarili ang siyang kusang papatay sayo!

Lumaban! Huwag sukuan
Matutong! Kontrolin ang bawat emosyon
Iligtas ang sarili sa depresyon!

My escapeWhere stories live. Discover now