PROLOGUE:
Naulan, mahimbing na sana tulog ko ngunit bigla akong tinawag ni yaya. Sabi niya aalis daw kami ni mommy kaya sunod-sunod na lang ako kay mommy na walang imik.
Nung nasa sasakyan kami nakikita ko si mommy na tahimik na naiyak, kaya tumingin na lang ako sa bintana. Palakas na ng palakas ang ulan, sobrang dami ng ilaw ang makikita mo sa daan, ang trapik, pero tumigil kami sa harap ng ospital.
Nagtataka ako kung bakit andun kami sa ganung oras na iyon. Gusto ko sana tanungin si mommy kaso nagmamadali siya, nakita ko na papalapit na kami sa isang kwarto. At doon dumiretso si mommy, pagpasok namin biglang nararamdaman kong nalalaglag ang puso ko sa aking mga nakikita.
Hayyy, pero si mommy parang wala lang sa kanya ang mga taong nakahiga sa mga kani-kanilang higaan sa paligid. Nang papalapit kami ng papalapit sa isang higaan, palakas ng palakas ang kutob ng dibdib ko sa sobrang takot, baka kung ano ang makita ko doon sa taong nakahiga.
Nang makalapit ako dun sa higaan bigla akong nakaramdam ng luha na unti-unting lumalabas sa aking dalawang mga mata dahil dun sa nakita ko.
Si daddy!
Bakit andun si daddy?
Kailan pa siya naandun?
Ilang oras na siya dun?
Hindi ko namalayan na humahagulgol na pala ako ng iyak. Bigla-bigla na lang ako niyakap ni mommy ng mahigpit. Hindi ko alam kung ilang oras kami nakaganon, pero pinipilit ko na talagang malimutan ang mga nangyari.
Ako nga pala si Annie, 7 years old nang mangyari ang pangyayaring ito.
YOU ARE READING
It's Complicated
Teen FictionIto ay isang komplikadong story ng isang babae na nagngangalang Annie, na nasa kanya na lahat ng mga gusto at kailangan niya. Pero unti-unti itong nawala sa kanya. Maibabalik pa kaya ito sa kanya? Magkakaroon pa kaya siya ng isang magandang ending? ...