Part 1: The First Day

124 2 0
                                    

Ilang taon na ang makalipas noong nangyari ang aksidente, Fourth year High school na ako. Napasok ako sa S.H.I.T. (South Harvey Institute of Technology), sa totoo lang ito ay isang school na para sa mga elite, hindi para sa mga tao na tulad ko.

Pero dahil tinanggap dito ang scholar ko kaya ako nakapasok dito, laking pasalamat sa utak ko. HAHAHA. Kinakabahan nga ako eh kasi first day ko dito, AS IN FIRST TIME ko makapasok dito. Hindi ko nga alam kung paano tatanggapin ng mga magiging kaklase ko. Pagpasok ko ng school napaWOW talaga ako, dahil parang isang malaking hotel ang hallway nila. Tapos biglang may nagsalita:

"May I help you?"

Pagtalikod ko may isang lalaking nakasuot ng itim na itim na tuxedo. Tapos sobrang ayos ng itsura niya kapag tiningnan niyo mula ulo hanggang paa.

"Ahm....Can you help me?....."

Kinakabahan talaga ako, pinagpapawisan na nga ako ng malamig eh, pero kahit ganun nilakasan ko talaga ang loob ko at itinuloy ang dapat kong sinasabi sa kanya,

"Uhh.....Can you help me..Ahhh, find the way to the principal's office? Ahm, I'm kind of lost..."

kinakabahan ako, kasi baka dedmahin niya ako o baka mapagtawanan pero buti na lang sumagot siya.

"Ah, you must be Ms. de Guzman? The new student, right? Well, the principal has been waiting for you."

hindi na ako makasagot sa sobrang kaba, tumango na lang ako at napalunok ng sobra, tapos sumunod na lang ako sa kanya.

Medyo nahihilo na ako, kaso nawawala na din ito dahil sa mga kagandahan ng paligid na nakikita ko. Mukhang papalapit na kami sa opisina, nung makalapit na kami kumatok siya tapos binuksan niya ng dahan-dahan ang pinto pinasalamatan ko siya bago niya masara ang pinto.

Nung maiara na niya lumaki talaga ang mga mata ko sa mga nakikita ko, dahil para akong isang pulubi na nakapasok sa isang palasyo, para nga akong nasa isang study room ng hari dahil sa mga puro libro na makikita mo.

Nang biglang umikot ang upuan, may isang babaeng na kulay brown ang buhok ang biglang nagsalita.

"Welcome Ms. de Guzman to S.H.I.T."

biglang tumayo ito at unti-unting lumapit sakin para makita ako ng mas mabuti.

"I'm Diana Condes your new principal for this semester. So I hope you'll enjoy your last year here with us. Your uniform, books, bags, and other school things are over by that table. You can also start your first day already if you are willing. Here's your schedule for the whole semester. Gerard, your president will answer all of your other questions."

biglang may isang lalaking matangkad, mukhang mayaman talaga, matalino, nakasalamin siya, payat, black ang buhok, at gwapo pa!

"Excuse me Ms., but shall we?"

Hala, ano sasagot ko? @-@

"Ahm, de Guzman, Annie. B-b-b-b-b-but you can call me A-A-A-A-A-Annie."

Pagkasabi ko ay kinuha ko na ang mga gamit ko sa table at  sumunod na kay Gerard.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now