#4

20 1 0
                                    

Rebelasyon ng Kabiyak

Ilang milya na ang layo kahit magkadikit
Malamig na ang mga mata; matayog na pader
No'ng ako'y kumatok, ika'y nag-iwas tingin
Tunay ngang puso mo'y kasing tigas na ng yelo na pader.

Sapantaha ang nanguna
Pagdududa't paninibugho'y namutawi
Agam-agam ay nakompirma
Isa kang taksil at peke!

Pumapatak, rumaragasa
Nalulunod sa dagat ng luha
Nanginginig, humihikbi
Nabibiyak ang puso sa pagdadalamhati

Sa malayong tanglaw, ikaw ay natanaw
Yapos na ng makisig na bisig
Dating nobyo ay 'di na makita
Ito'y isa nang marikit na binibining
Nakapulang bistida.

Ngunit ako ba ay may magagawa pa?
Kung ang minsang aking Hari'y, Reyna na sa piling ng iba. #

08-15-19

The Beauty Behind Every WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon