#5

6 1 0
                                    

Hangad ko'y Balang Araw


Mapapapikit ka nalang sa sakit
Puso'y tila'y dinudurog ng paulitulit
Sa bawat padsulpot ng ating mga ala-ala sa'king isip
Sa katotohanang may mga bagay na hindi na kalainma'y maibabalik

Sana'y balang araw...
Huhupa din ang sakit
Lilipas din ang lungkot
'di na rin mahinang iiyak sa sulok
At 'di na pilit lulunokin ang bara sa lalamunan
Mapigilan lang ang nagbabadyang pagpiyok

Balang araw, sisilay din ang ngiti sa mga labi
Ngiting hindi na peke at may nagkukubling pighati
Tuluyan na ring matatanggap lahat nga pagkakamali
At ang kapatawaran na tila imposible'y makakamit

Darating ang araw kapwa tayong lalaya
Makakalimutan ang isa't isa, makakahanap ng iba
Tatanggapin na lahat ng bagay ay may hangganan
Na ang storya natin'y 'di na madudugtungan

Kaya't aking pusong humihikbi,
Pakiusap, tahan na...



(A poem for my ex.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Beauty Behind Every WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon