Una,

28 2 0
                                    

1992:

may dalawang magkaibigan simula pagkabata, si Pidel at Amor.

lagi silang nagdadamayan kung mayroon mang problema. Lahat ng sikreto nila ay sinasabi nila sa isa't-isa. Ngunit hindi pala lahat. Matagal nang may gusto si Amor kay Pidel ngunit hindi niya ito masabi-sabi. Hanggang sa sila'y magbinata at magdalaga na.

Inamin naman ito ni Amor kay Pidel ngunit nakahanap na si Pidel ng kanyang mamahalin sa pang habang buhay. Maayos ang naging ugnayan nila, sila'y nag-ibigang dalawa at nang sasabihin na sana ni Pidel ang balitang ito sa kanyang matalik na kaibigan na si Amor. Imbis na matuwa ang kaibigan ay nagalit ito at sinabing traydor at loko daw si Pidel.

Simula noong araw na yun ay hindi na nagusap ang dalawang magkaibigan. Habang si Pidel ay masaya sa kanyang buhay, si Amor naman ay nagtanim ng galit at inis.

Isang araw, masayang naglakakad si Pidel kasama ang kanyang nobya. Habang sila'y masaya na naguusap ay biglang sumingit si Amor.

Iba ang kanyang mukha at parang hindi ito tao. Napaatras ang dalawa sa takot.

"Ang tanga ko!" sigaw ni Amor "Nakakainis, nakakagalit! bat ako nagpaloko at nagpauto sayo! manloloko ka"

hindi maintindihan ng dalawa ang nangyayare, habang nasigaw si Amor ay nagi-iba ang anyo neto.

"isinusumpa ko, ang anim na taong malapit sayo sa ilang susunod na henerasyon ay magkakaroon ng singsing kung saan yun ang magiging buhay nila. kapag nawala ito ay maari silang mamatay. bWahaHAHaaHa" pagkasambit ng babae na yon na si Amor ay agad naman etong nawala.

Nung una, hindi pa naniwala si Pidel rito. Ngunit nang siya'y makauwi na ay may nakita siyang anim na itim na singsing na walang kahit na anong disenyo. Teorya niya na para ito sa anim na tao nabinanggit ng kanyang kaibigan kanina lamang, dahil rito siya ay naniwala na.

2004:

Kung sino sino nang malalapit na tao sa sarili na ang sinuotan ni Pidel ng singsing, ngunit lahat sila ay humapdi lamang ang daliri. Hanggang sa dumating ang kanyang tatlong anak na sina Cairome Maximus de Luna, Cairoul Macxine de Luna, Cairaj Macximius de Luna. Noong mag li-limang taon ang mga ito ay sinuotan niya ito ng tig-iisang singsing, at ang mga singsing na ito ay biglang kuminang.

"Ang panget naman ng singsing na toh, papa. Black lang lahat." saad ni Cairoul

"Hindi ah! tingnan mo ate nag-shishine siya. Ang ganda kaya." sabi naman ni Cairaj

"hayaan mo yan si macx, raj. Gusto kase niyan kulay pink. hahaha" sabi ni Cairome at naghagikgikan silang dalawa.

"Mga anak, wag na wag niyo yan tatanggalin ha. Kahit san kayo magpunta at anong mangyare ay hinding hindi niyo yan tatanggalin. Promise?" si Pidel

"Eh ayoko nga po neto eh" pagaayaw ni macx

"opo papa. pangako po." sabay na sabi ni raj at rome

"sige na nak, macx, wag mo iyang tatanggalin."

"bakit po ba kasi bawal, papa?" takang tanong ni macx

"magagalit ako at hindi ko na kayo love." kunwareng galit na sabi ni pidel

"sige na nga po"

Kasabay ng pagkapanganak ng tatlo ay nabuhay rin sa mundo ang anak ng bunsong kapatid ni Pidel. Pinangalanan nila ito bilang Sabrina Elle de Luna. Mahal na mahal ni Pidel ang kanyang kapatid kaya napamahal na rin siya kay Sabrina. Siya nga rin ang nag nagbigay ng palayaw nito na 'Sachi'. Sobrang malapit sa isa't isa ang mag-tiyo, kaya nga sinubukang bigyan ni Pidel si Sachi ng isang singsing noong ito'y mag limang taon, at ito'y kuminang rin.

"Itim? eh purple po ang paborito kong kulay, tito." reklamo ni sach

"makinig ka sachi ha. wag na wag mo iyan tatanggalin sa daliri mo. Kase pag tinanggal mo yan, mapuputol pati ang daliri mo, gusto mo ba yon?" pang bibiro ni Pidel sa kanyang pamangkin.

Mabilis namang umiling si sachi at hinimas ang kumikinang na singsing.

"ayaw ko po tito.."

ibinigyan nya din ang mga taong malalapit sakanya, sa iba ay nahapdi ito tapos sa iba naman ay nakinang. natuklasan ni Pidel na kapag kuminang ito ay eto ang tamang tao at dapat na isuot ang singsing.

2015:

Nagkaroon ng salo salo sa bahay ng mga De Luna, Kaarawan na ng kanilang tatay na si Pidel.

"Pa, pasok lang ako sa kwarto" tugon ni Cairoul sabay lakad papunta sa kanyang kwarto. Nagkatinginan ang mag-asawa sa inasra ni Cairoul.

"ano nanaman kaya problema non?" tanong ni Pidel habang naghahanda ng pagkain.

"sus pa! di ka pa ba nasanay? palagi namang ganoon yun" si Cairome. Kumuha ito ng shanghai sa lamesa sabay tumawa.

Hindi mahilig makipag halubilo si Cairoul sa mga tao, hindi sya palakaibigan at madali syang magalit. Si Cairome naman, ang panganay, napakaingay at kulit naman neto. Pero seryoso ito sa pagaaral at sobrang laki ng respeto nito sakanyang magulang at kapatid. Ang bunso naman nilang kapatid na si Cairaj ay ganoon din, katulad sa kuya nya maingay at makulet ito,, at madaming babae.

"anak... tawagin mo na ate mo, mamaya kana magcellphone" malambing na sabi ni Susan sa kanyang anak, agad namang sumunod si Raj at pumunta sa kwarto ng ate. "atee.. andito na daw po mga bisita"

"uy pidel! happy birthday!"

"hi tito, happy birthday"

madami pang dumating, madami pang bumati. Habang lahat ay nagkakatuwanan at si Roul naman ay nanatiling kalmado at parang walang pakealam sa mundo.

"omg! nakakainis talaga sya!" umirap si Ciann habang kausap ni Sachi. kanina pa sila magkasama at nagkkwentuhan.

napagtanto ni Roul na sya ang pinaguusapan nilang dalawa, kaya naman nayamot ito at tumayo. "Kuya, sa kwarto lang ako. Nayayamot ako sa mga tao dito."

Tulad noong mga bata pa si Ciann at Roul, magkaaway na sila. Wala silang pinagkasunduan sa isang bagay. Lahat pinagaawayan, Lahat ginagawan ng gulo.

Si Ciannelle Shay De Guzman ay nabigyan din ni Pidel ng singsing, at kuminang ito sakanya. Si Ciann ay anak ng barkada ni Pidel, kung baga inaanak nya si Ciann. May kapatid si Ciann, si Ciannley Shaunt, ngunit di tulad ng ate, ang sing sing ay hindi umubra sakanya, nakuryente lamang eto.

Ang isa namang nabiyayaan ng singsing ay ang matalik na kaibigan ni Rome, Si Axcelle Hance De Vera o mas kilala bilang Axce. Ngunit hindi neto alam kung anong silbi ng sing sing kaya bale wala sakanya kung matanggal eto.

Isang masayang gabi ang natamo nila noong hulyo 4. Nang natutulog na ang lahat ay biglang may kumatok sa bahay ng pintuan ng mga De Luna.

"Titooo!"

"Tito Pidel!!!"

unang nagising si Roul, nakabusangot na punta ito sa kwarto ng tatay at ginising. "may bisita po ata kayo. gabing gabi!"

Nagising ang lahat ng mga De Luna, napagtanto nilang namumutla ang balat ni Axcelle. Lumapit si Cairome sa kaibigan at hinimas kung ayos lang.

"Tito Pidel, nahihirapan a-akong huminga-a" agad na tinignan ni Pidel kung suot suot nito ang sing sing.

"asan ang sing sing?" tanong nito kay Axcelle, nagulat si Axce ng malamang hindi nya ito suot suot kaya naman nagkamot ulo sya.

"baka po nahulog.. hindi ko po alam"

"tutulungan ka naming maghanap. Rome, Roul at Raj.. sumama kayo saakin, at wag na wag nyong tatanggalin ang singsing nyo." kinuha neto ang jacket at lumapit sa asawa "Susan, mahal, dito ka lang at bantayan mo si Moonbyul at Sunbyul" sabay turo nito sa dalawang aso.

Binuksan na ni Pidel ang Kotsye at sinimulan na nilang hanapin ang nawawalang sing sing ni Axcelle.

Unibersidad De Eunoia: The Chamber of RingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon