Chapter 7

49 1 0
                                    

Chapter 7

Two weeks na din simula ng magpasukan. Madaming nangyari sa mga araw na yun. Nakasama na namin sa barkada si Patrick at si Jerick naman at sumali na din sa amin. Kaming 6 ang laging magkakasama sa klase pati na din sabay sa pagkain. Madalas pa rin ako inaaway ni Patrick at sinasadyang bungguin kahit san man kami magkasalubong. Ewan ko ba dun. Trip na trip talaga ako. >.<

“Louisse, may bisita ka. Pinapasok ko na sa sala, bumangon kana diyan at puntahan mo na sa baba.”

“Sige po Ate Marie, bababa na po ako. Maghihilamos lang po ako saglit.” Malakas na sagot ko kay ate Marie, dahil nasa labas siya ng kwarto ko sa tapat ng pintuan. Weekend ngayon, kaya ayos lang kahit anong oras ako magising. :>

Pumasok naman ako agad sa banyo at naghilamos ng mukha. Naka pajama pa rin akong lumabas ng kwarto ko, baka sina Gelai lang yung dumating, sila lang naman ang madalas na magpunta dito sa bahay namin.  Agad akong bumaba para makita kung sino yung bisita ko daw.

Pababa na ako sa hagdan, mula dito sa hagdan ay makikita mo kaagad sa right side ang sala namin. May nakita akong lalaki na  nakaupo sa sofa namin pero nakatalikod. Hindi naman si Gelai o Jerick ito. Mas lalong hindi sina Jessica at Shiela.

Naglakad na ako papalapit dun sa lalaking bisita ko. Kinakabahan tuloy ako, bukod kasi kina Shiela wala na akong ibang pinapapunta dito sa bahay namin.

“BOOOO!” biglang humarap yung lalaki at ginulat ako. Tae. >.<

“Ay! Kabayo!” Nagulat naman ako, sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa ginawa nung lalaking yun? Magugulatin pa naman ako.

“Hahahahahahaha! Good morning lunch box!” ^___^ sino pa nga ba? Edi si patrick. Ugh.

“Ikaw?! Anong ginagawa mo dito sa bahay ko ha?”

”Dalaw lang. Boring sa bahay namin.” Kailan pa nga ba hindi na bored tong isang to? Psh.

“Pano mo nalaman tong bahay ko?” nakakapagtaka naman kasi dahil wala akong pinagsasabihan na ibang tao kung saan ako nakatira. Ayaw na ayaw ko kasing may ibang bumibisita sa akin lalo na tuwing Sabado o Linggo dahil ito lang ang araw na nakakapagpahinga ako maliban nalang sa mga kaibigan ko.

“Secret.”

“Bat ka nandito?!” pagdating sa lalaking ‘to, napakadali kong maasar. Makita ko lang pagmumukha niya, alam ko ng masisira ang araw ko.

“Gusto ko lang.” matipid na sagot nito. Sumandal siya sa upuan. Feel na feel at home ang dating. Di naman siya welcome dito, dahil isa at nangunguna siya sa listahan ng mga kinaiinisan ko.

“Alis. Shoo!” lumapit ako sakanya at pinaghahampas dun sa unan nang dahil sa sobrang inis ko sakanya.

“Oh mga bata, tama na yang paglalambingan niyo at kumain muna kayo.” Sabi ni ate Marie na nasa kusina ngayon. Bata pa lang naman si ate, 36 siguro. Dalaga pa kasi, kaya ayaw ko naman tawaging yaya dahil parang pamilya na rin ang turing ko sakanya. Siya na ang nag-alaga sa akin mula ng ipanganak ako ni Mommy. 20 pa lang siya ng magsimula siyang magtrabaho sa amin. Busy kasi masyado ang mga parents ko sa pagtatrabaho kaya di na nila ako naalagaan man lang. T3T

”Hehe. Namiss ko lang po kasi tong si Aisha e.” ginulo niya ang buhok ko at naglakad na papunta sa kusina para kumain.

“Mahiya ka nga sa pinagsasabi mo! Miss your face, yuck!” sumunod na ako sakanya sa kusina. Gutom na din naman ako, hindi pa ako nagbbreakfast dahil saktong kagigising ko lang nung dumating tong si Patrick. 9am na siguro yun.

That stupid thing called destinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon