Prologue

13 0 0
                                    

NOON…

Laging magkasama sa kahit ano mang gawin. Maligo, matulog, maglaro, kahit sa kalokohan ay partners in crime sila. Kung anong trip ng isa, trip nilang lahat.

Kapag may gusto siyang panoorin, kahit Sailormoon o Princess Sarah, sinasabayan nilang manood. At kung ang mga boys naman ang gustong manood ng ibang palabas sasabayan niya rin.

Kahit sabihin man nilang one of the boys siya, prinsesa parin ang turing sa kanya. Di nila hinahayaang may manakit sa kanya. Bale, Siya ang Prinsesa, Sila naman ang Knight niya.

Pero NGAYON…

Kapag nagkakasalubong, deadma. Wala man lang ‘Hi’ o ‘Hello’. Kapag online naman, hanggang ‘Seen’ lang. Pag may birthday na nga lang magkikita, wala pang imikan. Parang wala silang pinagsamahan noon. Kapag nagiging Damsel in Distress siya, wala na ang Knights na inaasahan niya.

Naisip niya “Ganyan siguro pag binata na…”

 

Patuloy na bang mag-iiba ang samahan nila?

A/N: Hi po! Kung meron mang nagbabasa neto, sana po mugustuhan niyo ^^ ngayon lang po kasi ako nagsulat ng story... yun... ^^

Boy FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon