Andrew Noah Graylash
Tapos na ang klase namin at nandito na kami sa dorm namin at gising na si Bella. Nagpapasalamat sya kay Rei Xiu at Brent at pati na rin sa amin dahil sa pag tulong na ginawa namin.
Habang nag uusap sila ay may sinabi sa akin si Marie. Ang pinsan ko na kasama ni Brent at Stacy sa grupo na iyon.
---
Flashback
Ang sabi ni Marie ay magkita kami dito sa may roof top ng Building namin at pumayag naman ako doon.
Tanungin mo ang kaibigan mong si Nathan. Marami syang nalalaman, couz! Sabi nya sa akin at napakunot naman ang noo ko.
Putcha? Anong alam nya? At alam saan? Tanong ko sa kanya at tiningnan nya ako ng masama kaya itinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere at iwinagayway iyon.
Hindi ko rin alam, pero ang sabi ni Violet, maraming nalalaman si Nathan. Naging miyembro na sya ng tatlong grupo dati bago kayo dumating. Sagot nya sa akin at napatango tango naman ako.
Ang Banavie na iyon ay may kailangan daw kay Bella. You should ask her about it later. Tanungin mo sya kung may itinanong sila Stacy sa kanila. Dugtong pa nya at hindi ako makapaniwala na itong si Banavie na ubod ng hiya at mahinhin ay isa pala sa mga pumapatay! Putcha!
End of The Flashback
---
Pagtapos na ang ginagawa kong assignment ay tatanungin ko si Bella. Konti na lang naman ito at patapos na ako.
Ilang minuto pa ay natapos na ako at iniligpit ko na iyon. Dito ay lumapit ako kay Brent dahil sya ang pinakamalapit kay Bella.
Bells dude! Kanina nung kinidnap ka nila Stacy. Wala ba silang itinanong sa iyo? Tanong ko sa kanya at napatingin naman silang lahat sa akin.
Me...meron. Utal na sagot nya at napatango naman ako.
Ano iyon? Maaari mo bang sabihin, bells dude? Tanong ko pa sa kanya at marahan syang tumango.
Tinanong nila ako kung nasaan ang Bracelet at Singsing ni Clara at Kevin, pero wala kaming nakitang ganun sa katawan nila, maliban na lang sa papel na may nakasulat na Find me if you can, 03972. Sagot nito sa akin at napatingin naman kami sa isa't isa.
May nakuha kaming ganun sa katawan nila. Tugon ko dito at napa isip naman ako.
Kasama ba nila si Banavie nung tinanong ka nila? Tanong ko pa sa kanya dahil nagtataka lang ako. Bakit nila tatanungin si Bella tungkol doon? Ipinakita namin kila Banavie at Cole ang Bracelet at Singsing na nahanap namin sa katawan nila Clara.
Nakalimutan ba nila? Bakit ganun? Putcha naman!
Oo. Sagot nya sa akin at naupo naman ako sa tabi ni Kristine.
Ano bang meron? Eh? Bulong na tanong ni Kristine sa akin.
Just wait, honeybee. Sagot ko sa kanya at hinalikan sya sa noo.
Ang sabi mo ay may nakuha kayong ganun sa katawan nila. Nasaan iyon? Tanong ni Bella sa amin at tumango tango ako.

BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasyCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...