7: Visitor

16 1 0
                                    

Gian

Oh God please help me. Save me from all disaster that will come upon me. Lord gusto ko pa pong mabuhay please give me the strength.

Taimtim na nagdadasal ako habang nakaupo sa upuan ng isang silid na pinagsisisihan kong pinasok kopa.

Tahimik ang paligid at hininga ko lang ang naririnig ko.

I'm being careful not to create any disturbing sound because one wrong move and I'm close to my demise.

Bawat segundong pumapatak ay siya ring pagpatak ng pawis sa muka ko.

WHAT THE MOTHERFUCKINGASSHOLE OF THE UNIVERSE! I can't take this anymore.

*Tik

*Tok

*Tik

*Tok

Napatingin ako sa wall clock na nasa tapat ng upuan ko.

I sighed.

40 minutes already have passed but I'm still staring at the same number by the time I received this fucking Testpaper!

OA na kung OA pero tangene naman ang hirap talagang ng Physics! Kung kelan ba naman last exam of the day na e. Plus the fucking old man here is very strict!

May marinig lang siyang kaluskos ng papel na binubuklat, ZERO! Eh kaya hirap na hirap kaming maglipat ng page dito. Well di ako nahirapan kasi PAGE 1 palang ako.

May marinig siyang tunog galing sa lumagitik na ballpen, ZERO!

Mag 'ahem' lang or throat clear, ZERO!

Pati simpleng pag tap ng paa sa sahig, ZERO!

Like WTF? Ang hilig niyang mang zero. Kaya hindi nako nagtataka kung bakit siya panot e, pati buhok niya nag form ng ZERO!

Natawa ako sa isiping yun pero hindi nakakatuwa ang sitwasyon ko ngayon.

Kung tutuusin pwede ko namang hula hulaan at mag mini mini miney mo dito kasi multiple choices naman lahat kaso wala talaga e.

Sa sobrang tuwa ko kahapon nakalimutan kong may exam pala kami.

Anak ng tinolang itlog na may burnik naman oh! Bahala na si Tito Boy.

Dali dali kong sinulat ang magkakasunod na a,b,c,d sa numbers 1-16, d,b,c,a sa numbers 17-32, a,d,b,c sa numbers 33-48 at naglagay nalang ako ng dalawang c sa last two numbers.

Shit. I'm doomed but I have no choice. Doctor Richie says I must not stress myself too much.

So there, stress no more also grades no more!

Kunot noong pinagmasdan ko ang answer sheet ko na akala mo ay isang puzzle na nabuo. The pattern is very visible. I think I must change the other answers para hindi halata.

"Anong problema Mr. De Leon? Do you find it difficult to answer?" nang aasar na tanong nitong panot na to.

"How bout you sir, do you find it difficult to grow your hair?" pabulong na tanong ko na narinig ng katabi ko.

Trial & ErrorWhere stories live. Discover now