10: Whispers

6 1 0
                                    

Cyrene

Ughh ansakit ng ulo ko shett nasan nga ba ako kanina?

I woke up feeling like I have a hangover

Matagal bago ko narealize na nasa ibang bahay na pala ako. Teka nasa harap lang ako kanina ng Piggy Bloat ah!

That stupid Giannn! how dare he come late sabi ko ay hihintayin ko siya sa labas ng PB eh hmpk.

Pinanindigan ko talaga na hintayin siya sa labas kahit umuulan. I didn't mind even if I have a slight fever that evening.

Mamatay siya sa guilt! hahahaha

Teka nasan na pala yung kupal na yon?

Ngayon ko lang napansin na may maliit na digital alarm clock pala na nasa side table.

It's six in the morning and I still don't know whose house is this.

Waaaaa! baka nakidnap na ako!? Hindi ko maalala kung pano ako napunta dito pero may nakita akong lalaki na sumalo sakin but it's blurry.

Tumayo na ako at hinanap ang banyo.

Kumpleto ang mga gamit at bago pa ang toothbrush. Masyado naman atang accomodating ang kidnapper pag ganon. Napanatag naman ako.

Pagharap ko sa salamin ay inumpisahan konang gawin ang morning rituals ko.

Ngunit habang pinagmamasdan kong mabuti ang sariling reflection ay may napansin akong kakaiba.

Wait bat

...

...

Shittywittykittycat!! Hindi ito yung damit ko kagabi bakit damit panlalaki!

"Waaaaaaaa!!" my scream filled the house and I heard a sound of someone running towards the room I am currently in.

"Cy!? Cy what happened!?" Gian worriedly asked as he checked what part of me was hurt.

Then I got back to my senses.

"You ditching pervert mannn! Bakit iba na yung damit ko! Bat moko pinalitan!" aligagang tanong ko habang sunod sunod siyang pinaghahampas ng towel na nandun sa banyo.

"H-ha?" takang tanong nito na nagpipigil ng tawa.

"Wala na hindi nako pwedeng mag asawa! Waaaa manyak ka talaga!" naiiyak na talaga ako! :<

"HAHAHAHAHAHAHA" at ayun na nga bumunghalit na siya ng tawa.

"Bad ka Giaaann! Anong nakita mo! M-malaki b-ba!?" hiyang hiya na tanong ko sakaniya. Shit panindigan niya yon!

"Y-you're unbelievable Cy! HAHAHAHAHAHA" hirap na hirap pa siyang mag salita dahil sa sobrang pagtawa. Nakahawak pa siya sa tiyan niya.

"Si mommy ang nagpalit sayo wag kang assuming diyan hahahahaha as if naman pagnanasahan kita" dagdag niya pa saka tumawa ulit na parang walang bukas.

"Che manahimik ka diyan may kasalanan ka pa sakin!" Waaa mas nakakahiya pa ito! Bat ba diko naisip yun as if naman siya talaga magpapalit sakin.

"Saka ko lang sisilipin yang perlas pag tapos na kitang iharap sa altar" mahinang bulong niya.

Teka tama ba yung narinig ko?

Iharap sa altar lang yung nadinig ko ng maayos e. Sino? Ako!?

Urgh dream on Cy!

"Bilisan mo diyan at nakahanda na ang breakfast sa baba" ngayon ko lang napansin na naka apron pala siya.

"Ikaw ang nagluto?" takang tanong ko. Teka kala ko nandito si tita.

Trial & ErrorWhere stories live. Discover now