Kabanata I

45 10 0
                                    


Vein pov's

"Veinara Suarez, 'yong crush mo." napalingon naman ako sa aking yagit na kaibigan. Banggitin ba naman ang buo kung pangalan walanghiya talaga.

"Ay?" kunot noo ko na lang na tanong.

"May crush nang iba." agad ko naman s'yang hinampas.

"Walang magawa sa buhay ano bang pakialam mo?"inis na tanong ko sa kanya.

"Wala inaalala lang kita dahil alam naman nang lahat na si Elisha ang gusto n'ya at hindi ikaw." mas lalo ko s'yang inirapan."Mahanginan sana 'yang mata mo at hindi na sana bumalik sa dati." tumatawa n'yang sabi.

"Makyo!"sigaw ko sa kanya.

"Your word, Ms.Suarez." saway naman ni Vice President. Malay ko ba d'yan daig pa ang President namin na si Tyler Flavier. Hindi s'ya nangingialam sa pananaway pero maaasahan naman sa mga activities na dumarating.

"Hayaan mo."malamig naman na sabi ni Tyler saka tumayo at agad na lumabas. Napakamot naman ako bigla sa'king ulo.

"Bleehh!" matalim ko naman 'tong tiningnan.

Makaraan ng ilang minuto pumasok rin si Sir at Tyler kasama ang babaeng gusto nito. Pero walang emosyon na makikita sa kanyang mukha hindi na rin ako magtataka hindi naman yata biniyayaan 'yan ng emosyon.

"Vein."napatingin naman ako sa kanya.

"Ano?"takang tanong ko kay Elisha.

"Saan nga pala tayo gagawa ng project?" tanong niya sa'kin kaya naman napapitik ako sa hangin.

"Oo nga pala nakalimutan ko. Sa bahay n'yo kaya?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ba pwede sa inyo?"tanong n'ya.

"Bawal do'n saka nakikitira lang ako."bulong ko pa.

"Ms. Suarez at Ms.Ferrer , i-share n'yo naman 'yan."singit naman ni sir sa unahan.

"Sir, bawal! Girls talk. Pakababae ka muna."sakrastikong sabi ko.

"Talaga?" tumaas naman ang kilay niya.

Sana all mag kilay...

Humakbang naman siya papalapit sa'min."Pinag uusapan lang nila ang project nila."salita mula sa unahan kaya napatigil si Baklang mababang magbigay ng grades.

"Okey! I have announcement at makinig kayo."nasa boses na naman niya ang pagkainis."Bukas kuhaan na ng Card at pasensya sa mga bagsak ngayong 1st grading."aniya.

"Bawi na lang kami sa 2nd Grading." sambit naman ni Aries mula sa unahan.

"2nd grading? Baka naman bagsak din kayo."sabi niya pa.

"Kaya 'yan,Sir."sabat ko.

"Ms Suarez, manahimik ka."napanguso naman ako at tumahimik na lang.

Matapos i-announce ni bakla ang dapat na gawin umalis na rin s'ya. Balak ko tuloy bumalik na dahil wala na rin namang klase. Sa isamg sulok nakita ko ang nakapikit na si Tyler habang may nakapalsak na earphone sa tenga niya. Ang perfect n'yang tingnan bagay sa kanya ang mga outfit n'ya pero mas bagay s'ya sa'kin.

"Vien, matunaw."natatawa naman akong napaangat ng tingin.

"Oy, Elisha."ngumiti siya at tumabi sa'kin saka tiningnan si Tyler.

"Do you like him?"napaiwas naman ako ng tingin."Haha. Halata naman bakit pa ako magtatanong."dugsong pa n'ya.

"Hindi ko gusto 'yang yelo na 'yan." pagtanggi ko naman. " Isa ang ikaw ang gusto n'ya."tumawa naman s'ya sa'kin.

"Hay naku, Vien."tumayo na s'ya."Sa bahay tayo mamaya."kinindatan pa niya ako saka ito umalis. Napabaling naman ang tingin ko kay Tyler na noon ay nahuli kong nakatingin sa'kin kaya naman nakakaluko ko 'tong nginitian.

Sabi na nga ba't may pagtingin ang lalaking 'to sa'kin.

---

Tyler pov's

    Agad naman akong nag iwas ng tingin sa kanya. What a weird woman?
Ibinalik ko na lang aking atensyon sa pakikinig ng music at pumikit.

Pero napamulat naman ako ng naramdaman ko naman na may parang nakatingin sa'kin. At do'n nakita ko si Elisha na nakaupo at nakaharap sa'kin. Kaya naman napaayos ako ng tayo. "There something wrong?" nanatili lang s'yang nakatingin sa'kin. Kaya naman napailing na lang ako. Ano bang trip n'ya sa buhay?

"Gagawa nga pala tayo ng project mamaya sa bahay." tumingin ako sa kanya.

"I see." kumunot naman ang noo niya.
"What?"taas kilay na tanong ko. Bakit ba natiklop ako kapag siya na ang kaharap. Ipinatong niya ang kanyang chin sa armchair at tumingin sa'kin.

"You have a perfect handsome face and you're a nice guy but-"tinaasan ko siya ng kilay pero ngumiti lang ito.

"What? Sabihin mo lang na gusto mo ako." agad 'tong ngumiti at tumunghay.

" I don't like you."taas kilay na sabi n'ya.

Wth! Paasa rin si Crush.

"Why? Like you said I'm perfect." inilapit ko ang mukha ko sa kanya."And I'll do anything para magustuhan mo ako."itinulak niya agad ang mukha ko.

"No you can't, Mr. Flavier."tumayo na siya bigla.

" I can." nasa boses ko ang panghahamon.

"I'll wait you in library later. No filipino time."saka siya lumayas sa harapan ko. Napailing naman ako napakaarteng babae.

"Pre, nabasted ka na naman?" masama ko naman s'yang tiningnan.

" Tumahimik ka."saway ko naman dito.

"Ang swerte ng magiging jowa ni Elisha napakaganda na napakabait pa isama mo pa ang pagiging matalino n'ya."puri niya sa babaeng gusto ko. "Pero ang mas masaklap hindi ikaw ang taong nararapat sa kanya." dugsong pa niya.

"Fuck you!" asar na sabi ko sa kanya.

"Presedente ka pa naman dapat ikaw ang gumagawa ng mabuting halimbawa." asar akong tumayo at hinila ang necktie n'ya.

"I don't care. At wala kang pakealam sa akin." malamig na sabi ko sa kanya.

"Easy!" saka niya ako itinulak."Lumayo ka sa'kin."aniya.

"Hoy! Kayong dalawa tumigil kayo." saway naman ng sekretarya namin. Umupo na lang ako at nagdikwatro.

" Ang init na lang palagi ng ulo."napatingin ako sa nagsabi no'n at nakita ko si Suarez na nakatingin sa'kin. Kinawayan naman niya kaya inirapan ko 'to. " Sayang ka gwapo ka pa naman sana bakla lang." irita kong ibinalik ang tingin sa kanya.

" What did you say? " tanong ko rito saka ako tumayo.

" Hala! Miles , tara na iniintay na tayo sa computer room." saka siya tumayo at isinikbat ang bag n'ya. " Tara na." hinila na niya ang kanyang kaibigan. Napangiwi naman ako. Weird talaga ang babaeng 'yon.

" Baka may gusto sa'yo." nilingunan ko naman si Perez na nakaupo habang inaayos ang attendance.

" Really? " sakrastikong tanong ko naman sa kanya.

" But alam naman ng lahat na gusto mo si Elisha." aniya.

" Shut up!" singhal ko rito at bumalik sa aking upuan.

---

A/n: Sorry for wrong grammar if meron man.














I love you,VeinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon