Kabanata III

36 8 3
                                    

Vein pov's

    Tahimik lang akong naglalakad habang paika-ika. Ako na nga ang umawat ako pa ang napilay nakakainis naman kasi. Hindi ko alam na gano'n magselos ang manliligaw ni Elisha. Nilingunan ko naman si Nyebe tahimik lang 'to at blangkong nakatingin sa daan. Masyado na ring gabi mapapagalitan na naman ako nito.
" I'm sorry." napaanga naman ako at napatigil. " Dahil nadamay ka pa." napakamot naman ako.

" A-ayos lang. He-he." Awkward lang akong tumawa.

"Tsk! Kasalanan mo naman kasi. Pasali sali ka pa hindi mo naman pala kaya." pansisi pa sa'kin. Ayos na sana sinisi pa ako.

" At kasalanan ko pa palang umawat sa inyo." ngiwing sabi ko at naglakad na. Hindi naman ako nakarinig ng anumang komento mula sa kaniya. Kaya bumuntong hininga na lang ako.

" Saan ba ang bahay mo?" tumigil ako at nilingunan na lang siya.

" Umuwi ka na ako na ang bahala kung nasaan ang bahay ko." walang gana niya lang akong tiningnan.

"Bakit?" tanong ko.

" Hindi ko kilangan ng maghahatid sa'kin." ngumiti na lang ako. " Saka kilangan mo ring gamutin ang pasa sa ibaba ng labi mo." inirapan na lang niya ako.

" Nangako ako kay Elisha na ihahatid kita." napantig na lang ang tenga ko.

" Hindi mo naman kilangan gawin 'to kung napipilitan ka lang. Isa pa hindi ko inaasahan na ihahatid mo ako. Saka malapit na rin ang bahay ko umuwe ka na." sabi ko na lang sa kanya.

"Bakit ba ang tigas ng—" hindi ko na siya pinatapos.

"Kaya ko na nga." saka ako tumalon talon kahit na ang sakit ng paa ko. "See magaling na 'yong paa ko." agad kong kinuha ang libro ko sa kanya at tumalikod na pero bago ako humakbang nagsalita muna ako. " Next time h'wag mo nang ipilit ang sarili mo sa taong kaylan man hindi ka magugustuhan."saka ako naglakad.

     Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa bahay namin at pagbukas ko ng pintuan bumungad agad ang galit na mukha ni Mama. " Ano saan ka na naman galing?" tanong niya sa'kin na may halong galit kaya naman bigla na lang lumakas ang pintig ng aking puso.

"G-gumawa po kami ng project." sagot ko na lang.

" Next time tumawag ka naman nang hindi nagagalit ang mama mo." salita mula sa likuran galing sa step father ko.

"Oh siya sige magbihis ka na." utos niya sa'kin. Tumango na lang ako at pumunta sa may hagdanan habang paika-ika. "Napaano 'yang paa mo?" napabuntong hininga ulit ako at lumingon.

"Natipalok lang po ako kanina." pagsisinungalin ko kahit naman hindi 'yon ang dahilan. Nilapitan ako ni Mama saka ako pinaupo sa upuan at tiningnan ang paa ko. Nurse kasi si Mama sa isang pampublikong ospital dito sa lugar namin at doctor naman ang aking Ama. Tinanggal niya 'yong sapatos at medyas ko. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi na lang ako sumama kay Papa.

" Namamaga na agad 'to,ah." saka siya tumingin sa'kin. " Ano Ara? Napaano 'to?" tanong niya sa'kin.

"Ayos lang po ako." saka ko ibinaba ang paa ko at tumayo na lang. " Wala pa po ba si Thea?" tanong ko dito.

"Maya maya pa daw." tumango na lang ako naglakad na paakyat sa taas. Pagpasok ko sa kwarto ko agad kong ibinagsak ang katawan ko sa higaan.

***

Tyler pov's

" Sinong tinitingnan mo d'yan?" napalingun naman ako at napatingin sa isang batang babae. " Manliligaw ka ba ni Ate?" napakunot noo naman ako.

"No." agad na sagot. " She's my friend." tumango tango na lang siya. " P'wede ba akong humingi ng isang favor?" itinagilid niya ang kanyang ulo at tumango na lang. Napansin ko lang na hindi sila magkamukhang dalawa ni Suarez nakita ko kasi ang mukha niya dahil sa liwanag na nagmumula sa isang street light malapit sa malaki nilang bahay.

" Ano ba 'yon kuyang pogi?" tanong niya sa'kin.

"H'wag mo na lang sabihin sa kanya na nakita mo ako." pinaningkitan naman niya ako ng mga mata.

"Bakit naman?" bumuntong hininga na lang ako.

" Wala lang baka lang kasi magalit siya sa'kin." pagpapalusot ko pa sa kanya.

"Sige but in one condition." nilapitan niya naman ako. Kaya napaatras ako ng bahagya.

"What?"

" H'wag mo na lang pababayaan ang ate ara ko." nacurious naman ako sa sinabi n'ya.

"Why?"

"Wala lang basta gawin mo 'yan." tumango na lang ako. "Sige na papasok na ako umuwi ka na rin baka mamaya mapagtripan ka pa ng mga tambay d'yan." tumango na lang ako.

    Naglalakad na lang ako dito sa hallway habang iniisip pa rin ang mga nangyari kanina.

“ I'm sorry ,Tyler but talagang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo. ”

“Hindi ako si Eshia magkamukha lang kami s'ya naman ang totoong mahal mo.”

Next time h'wag mo nang ipilit ang sarili mo sa taong kaylan man hindi ka magugustuhan.”

  Isa pa ang babaeng 'yon. Ano bang kailangan n'ya? Kung umasta akala mo naman alam na niya ang lahat ng nangyayari. Na kilala niya ako nakakainis. Nang makarating ako sa bahay binuksan ko na lang ang ilaw ano pa nga bang aasahan ko? Palagi naman silang walang time sa'kin. Nag anak pa sila tsk.

Kring...

Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa lamesa at nang tingnan ko nakita ko na lang ang pangalan ni Mom. Tiningnan ko lang 'yon hanggang sa mamatay. Pumikit ako pero bigla na lang lumitaw ang imahen ni Suarez kaya agad akong napamulat.

Flashback,


   Tumayo na lang ako at pumunta sa garden nila na noon ay ginagawa pa naming palaruan. Kaming apat ni Eshia, Elisha, Kervy at Ako. Ako na ang iiwas sa gulo na 'yon wala akong magagawa kung iba ang gusto niya at hindi ako. " Bakit ka umalis?" napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit iniwan mo si Dave?" pabalik na tanong ko sa kaniya.

" May problema ba?" takang tanong niya.

"Alam mo kung ano ang problema." baliwalang sabi ko sa kanya.

" I'm sorry ,Tyler but talagang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo." lumunok ako at saka siya nilapitan.

" Bakit si Dave pa? Andito naman ako 'yong mahal na mahal ka. Siya kilan lang naman kayo nagkakilala." nabasag na ang boses ko.

" T-tyler." hinawakan ko siya sa braso.
"T-tyler, nasasaktan ako." aniya pero huli na ng mabitawan ko siya at agad na may lumading na kamao sa mukha ko.

"GAGO KA!" hindi ako nagpatalo at sinuntok din siya.

" Tama na." may humawak sa braso ko pero itinulak ko lang ang taong 'yon at sinutok ulit si Dave.

" I SAID ENOUGH!" sigaw naman ni Elisha dahilan para matauhan ako.
" Hindi ako si Eshia magkamukha lang kami s'ya naman ang totoong mahal mo." napaatras na lang ako.

" A-aray." napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.

" Vein." agad s'yang nilapitan ni Elisha. Samantalang ako nakatayo lang dito at nakatingin sa kanila.

End of flashback,

____








I love you,VeinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon