CHAPTER 1

2 0 0
                                    

Chap 1

Have you ever wondered what would it be like to be popular even for just one day?

"Hey Casey!"

"Grabe ang ganda mo ngayon girl!"

"Love the hair!"

"OMG! Here she comes. Grabe ang ganda niya talaga"

"WETWEW!"

Yung tipong sasabihan ka nila ng magagandang salita, pinupuri at tinitingala?

Kahit isang araw lang?

ANG HIRAP KASI PAG ARAW ARAW.

------

*KRIIIIIIIIIIINNNNNGGG*

"JOANNA CASIDEY!!! Bangon na!! Ma le-late ka na naman!"

ANO? Gulat kayo no?! Ito ang totoong mundo ko. Ang totoong ako.

Wala akong maid na kakatok sa marbol kong pintuan at magsasabing, "good morning miss Cassey, your breakfast is served. Would you like it to be eaten down stairs or in bed?"

Ha!

Wala nang ganyang bida ngayon!

Hindi ako sikat at lalong hindi ako tinitingala ng mga tao. Pero maganda ako. Oo, maganda ako.

Gandang ako lang ang may alam.

"Ito na. Bababa na"

Pagbaba ko, nakahain na ang almusal sa mesa. Mabuti na lang hindi napasarap tulog kung hindi baka naunahan na naman ako ni..

"KEAN!!!!!!"

"Anong kaguluhan na naman ba yan?" Sigaw ni mama.

"Ma, si Kean oh kinuha ang plato ko" sumbong ko kay Mama. Si Kean ang pangit kong bunsong kapatid. Oo, pangit siya. Pangit. Ugly. Disfigured. Ewan ko nga kung bakit magkapatid kami.

Ah, siguro ampon. HAHAHA

"Bawal kumain pulubi dito. Dun ka" sibat ni Kean the monster.

"Huy excuse me my little brother na hindi ko naman talaga kapatid dahil hindi ka gwapo, ako ang na una dito kaya ikaw ang umalis. TSUPE!"

Nakuha ko naman agad ang plato sa kamay niya at dali daling umupo sa silya malayo sa kanya. Hmmp, akala niya ah!

Pgkatapos kong kumain ay naligo na ako't nagbihis. Kaasar nga eh, hindi pa ako naka recover sa summer. Hangover pa rin.

Last year ko na toh bilang college slave. Haist, ibig sabihin marami na namang thesis, paperworks, reports at lahat na ng kapakshitan na binibigay ng mga teachers sa mga seniors. Wala eh, para daw remembrance namin pagka graduate.

Ang tanong, kung makaka graduate kami. HAHAHA, de joke. Wag naman sana.

Pero sa tinagaltagal ng pag aral ko sa RITZ UNIVERSITY (oo, sosyal dahil bida ako kaya dapat lang), hindi ko naranasan maging *EHEM*

POPULAR.

Kasi hindi lahat ng bida sa isang wattpad story ay maganda, mayaman, maraming nakasunod na mga yummy at mala adonis na male species at lalong hindi lahat, sikat at may nagkikinangan na mga family name.

Ang mama ko ay isang tailor. Sosyal na word sa mananahi. Yung papa ko naman nasa abroad. Again, sosyal na word para sa taong nag tatrabaho ng kahit ano sa abroad. Oo, pinapaskuan ni papa lahat ng pwedeng trabaho dun para mapag-aral kami ng kapatid kong ampon sa isang magandang paaralan.

Highschool lang kasi natapos ni papa, at isang kahihiyan yun para sa pamilya ni mama kaya ayun, nagtanan sila at dun na kami nabuo, este AKO lang ang nabuo HAHAHA.

Nga pala, my name is..

*drum roll*

Joanna Casidey M. Valdez.

JC for short. And this is my so beautiful-slash-complicated story.

Just OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon