CHAPTER 2

1 0 0
                                    

Cassey

"Welcome, welcome! Today is the first day of another extraordinary days here in RC. I would like to formally greet all the newbies and old students a warm welcome. And since unang araw na naman ngayon, there will be an acquaintance party for the newbies along with the old students. There will be no dress codes. The theme is #OOTN. That will be all. Good day students!"

Dalawa sa pinaka ayaw ko sa school na ito ay lahat na yata ng mga taong nagaaral dito ay mga spoiled brats. Sosyal na name sa mga oa, arte, tamad at pagpapaganda lang ang alam sa buhay na mga tao. Pati teachers and staffs ata nahawaan na.

Pangalawa, hindi dahil mapera sila ay pwede na sila gumawa ng bonggang party na mamayang gabi na gaganapin at ngayon lang iannounce. At siguradong kahit OOTN ang theme ay bonggang bongga ang mga susuotin ng mga taong ito. Parang fashion show ang mangyayari nito mamaya, itaga mo pa sa pwet ni batman.

Haist.

Ampota talaga, hindi ba nila alam na maraming hindi nakakapag aral ngayon dahil sa kulang sa pera tapos sila unang araw pa lang eh party party na agad ang ginagawa?

Palibhasa mayayaman.

"JC! Wag tumungatunganga jan. Clean that dirts over there oh" sabi sa akin ng janitress.

Oo, pati janitor dito nag iingles. Mali mali naman. Amp.

Nga pala, isa akong working student dito. Ayaw sana ni papa dahil gusto niya focus lang ako sa pag-aaral, kaya lang sayang ang scholarship dito, 50% lng ang binabayaran at saka hindi naman ganu kahirap pinapagawa. Pinapalinis lang yung mga lugar na malinis na. Ganun ka bacteria free ang school namin.

Ang reason lang kung bakit walang kumukuha ng scholarship dahil yun nga, "RICH KIDS" be like that. Yah know?

Ay leshe, napapa inglesh na rin ako. Tsk2x.

"OMG! There he is!"

"Soo gwapo. As in nakaka lurky"

"Get ready girls, he's coming"

Napabuntong hininga lang ako sabay hinto sa ginagawa ko. Here we go again.

"Kean, please be mine"

"Hindi! Ako Kean! Choose me"

"Kean, pick me! I'm good in bed"

"Anong good? Ang sabihin mo, BAD. You can't even give a guy a good orgasm"

"Yuck. Really? Sooo cheap naman"

Oh gad, ganun na ba kahalay at kalilinta ang mga tao dito?! Langya, and hello? 2nd year college pa lang ang kapatid ko, bata pa yan wag niyong rumihan ang marumi na nitong pag-iisip. (--,)v

"Huy ate kong pangit, sabi ni mama samahan mo daw ako mamaya sa mall. May bibilhin ako"

Napatingin naman ako sa bunso kong pangit. Oo, pangit siya. Ampota, ampon lang yan at sira ang mga mata ng mga babae dito. Hmmp!

"Ano ako? Yaya?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay at nag head to foot. Aba!

"Sa itsura mo ngayon? Hmm, pwede na, at na kay kanino ba ang ATM?" at saka naglakad palayo while kasunod ang mga linta. Naku, hindi man ako naka resbak ng sagot. Tokwa. Oo nga pala, ako pala ang taga tago ng ATM.

Yes, may atm kami noh, doon nilalagay ni papa yung pera para hindi na siya nagpapadala kasi dagdag bayad.

Napatingin ako sa suot kong janitor uniform at walis. Tsk, 5:00-6:00am at 5:00-6:00 pm ang duty ko. Pero grabe, mukha na daw akong yaya?! Itong beauty ko?! Maganda naman ako ah? Hmmp! Langya.

Pag check ko sa orasan ko, 6:05 na. Kailangan ko nang magpalit ng uniform. And yes, dahil sosyal ang university na ito.... Masasabi kong maganda rin ang uniform.

For the guys, black slacks, white polo shirt with black ties and grayish coat na may tatak ng university namin. By the way, Armani lang naman ang gumawa. Oo, nagpagawa talaga ang school namin dun ng uniform kaya ayun! Nga nga ako, mabuti na lang kasali sa scholarship ang free uniform, eh di nagdiwang si aketch! :D

For the girls, dark gray mini skirt with polo na white and coat rin pero yung coat, black. Grabe yung mga estudyante dito parang models. Yung school shoes nila? Well, 5-6 inches lang naman na heels. And for the boys, hindi ko alam pero mukhang mamahalin rin.

At dahil isa akong dakilang pulubi, nagtrabaho ako araw at gabi, dugo at pawis kong pinag ipunan ang black heels with 5 inches na takong na ito. Oo, ganun ako ka OA hahaha. Bumili kasi ako ng bago kasi sira na yung luma ako at saka last year na kasi. Full force na!

Pumunta na ako sa locker room at nag shower. Covered na rin sa tuition ang amenitites kaya mamahalin ang shampoo at sabon dun. Meron ring deodorant at hair dryer sa powder room na kadikit lang sa shower room. Dun namin nilalagay ang extra damit namin. Parang walk in closet? Meron lahat ng girls dito sa school namin. (sosyal nga diba?)

Pero yung akin? Grabe ang linis, as in walang laman. Eh sa hindi ako nagdadala ng mga damit eh? At saka, hindi rin naman nila ginagamit yun, pang display lang ata yun para sabihin na mayaman sila. Psh.

Matapos kong maligo (ulit) at mag dryer (opo, marunong akong gumamit nito) ay nagbihis na ako ng uniform at heels. Medjo marunong na rin akong maglakad nito, sa apat na taon ko ba namang pag-aaral dito?

Naglagay na rin ako ng konting make up at pabango.

Isa sa natutunan ko dito sa Ritz ay dapat marunong kang mag ayos ng sarili mo. Kaya kahit labag yun sa kalooban ko, bumili ako ng make up.

At oo, katulad rin ako ng ibang cliché na dorks sa isang libro. Noong freshmen at sophomore ako, palagi akong inaapi pero nung junior high, nag transfer ang ampon kong kapatid kaya ayun, maraming bitch- este babae na ang nakikipag plastikan sa akin. Sa totoo lang, mahal ko naman talaga ang kapatid kong yun. Asaran lang talaga namin yung mga names na insulto. Ang pikon talo eh hahaha.

Pero meron pa rin namang nag bu-bully sa akin pero hindi ko na lang pinapansin. Cheap kasi yung mga ganung tao. Yun bang they mind other people's lives kasi wala silang ibang alam kundi magparami ng pera sa bank accounts nila? Walang alam sa buhay.

*KRIIIIIIIIINNNNNNGGGGG!!!*

Ayun! Start na ng first subject sa department namin. Oh, by the way.. I'm taking up Hotel and Restaurant Management. Sarap kasi kumain eh ehehehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon