Chapter 16

145 6 1
                                    

Sky's PoV

"Boi samahan mo ko nagugutom ako" sabi niya samin ni wealand sabay yugyug

Bumangon naman kami at sinamahan siya

"San ba boi? Hating gabe na eh wala nang bukas na resto dito" sabi ko

"Oo nga. Bar nalang ata bukas sa ganitong oras boi. Hindi mo ba mapagsasabihan yung mga alaga mo sa tyan?" Dagdag ni wealand

"Ayaw talaga boi eh"

Pumunta kami sa bar na malapit at umoorder nang pagkain

*vibrates

D: asan kayo?
Me: Sa bar walng resto na bukas nagugutom si argel

"Hinahanap na sya ni bebe nya" biro ni argel

"E sayo ndi ba?" Pabalik kong tanong

"Hinahanap din"

"Oo na kayo na may love life!" Sambit ni wealand

Na tawa nalang kami ni argel mukhang na offend sya. Umidlip muna ako naantok pa ako

"Boi, si ana paparating" sabi ni argel

"Huh?" Nagulohan ako sa sinabi nya

"Si ana papunta dito" mahinang sabi ni wealand

Nag bibiro nanaman sila bumalik agad ako sa pag idlip

"Hi sky"

Very familiar voice. Tumingin ako at si ana nga

"Anong ginagawa mo dito ana?" Tanong ko

"Pwede ba kitang makausap?"

Umalis sila argel at wealand sa table para makapag usap kami

"I want to say I'm really sorry for what I did to you"

"It's okay ana. Naka move on na ako I hope you did too" marahan kong sabi

"Mahal parin kita sky" hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit

"Sorry ana but I have move on. May mahal na akong iba" pilit kong kinukuha yung kamay ko

"Ayaw kong masaktan ka lang ulit" I can see in her eyes na parang iiyak na sya

"Walang may masasakit pa sa ginawa mo ana iniwan mo ko at harapharapan mo pa akong ginagago" medyo tumataas na yung boses ko at yung mga tao tinitignan na kmi

"That's the point sky harapharapan kita ginagago pero mas masakit na ginagago ka patalikod. Mahal kita at I'm still guilty for what I did kaya I want to make it up to you" nagugulohan ako sa sinasabi niya

"She has a relationship sky. Taken na sya"

It doesn't make any sense araw araw kami mag kasama paanong taken siya? Nagugulohan ako

"Ewan ko sayo ana"

Tumayo na ako at binilasan ko yung lakad ko pero sunod nang sunod sya sakin

"Ano bang gusto mo ana? Masaktan ulit ako?"

"No. I want you to know the truth" mariin niya sabi

Diana's PoV

"Let's go Diana, Puntahan natin sila" aya ni franki

Bumaba kami at nakita namin sila argel at wealand

"What did you buy?" Tanong ni franki

"Its sisig franki" sabi ni argel

Hinahanap ko si sky pero hindi nila kasama

"Asan si sky?" Tanong ko

"Uhmm... uhmmm..." nagdadalawang isip silang sagotin ang tanong ko

"Asan??"

Hindi naman nag salita yung dalawa pero may nakita akong lalaki at babae kaya lumabas ako sa may hotel. Malayo man sila pero kitang kita nang dalawa kong mata naghahalikan sila.

"Is that sky?" Tanong ni franki

Umakyat agad ako at pumasok sa kwarto

Sky's PoV

Bigla akong hinalikan ni ana pero tinigil ko ito agad. Nakita ko ang isang babae sa harap nang hotel at ito ay ai diana dali dali akong tumakbo para abutan siya. Sinundan ko sya hangang kwarto niya

Third person's PoV

Kumatok si sky sa pinto ni diana nang paulit ulit

"D! Kung anong na kita mo wla yun hindi yun ang inaakala mo" paliwanag ni sky

"Buksan mo ang pinto D!" Dagdag niya

Mas linakasan niya pa yung katok kahit alam niyang mag ma peperwisyo dito na katabi nila

"Umalis ka na sky" pagtaboy ni diana

Patuloy na dumadaloy yung luha ni diana at napapaisip siya na tama ba na pinatuloy niya si sky sa buhay niya

"D, please buksan mo yung pinto. Let me explain. Mahal kita at hinding hindi ko yun ma gagawa sayo" 

Ngunit ayaw pa din ni diana buksan ang pinto. Napaupo nalang si sky sa sahig at hindi alam anong gagawin

"Boi bukas niyo na pag usapan madaling araw na" payo ni argel

"Matulog na tayo boi" aya nila

"Dito lang ako"

Natulog na sila pero si sky nasa hallway parin na kaabang na pagbuksan siya ni diana

"D, Mahal kita Diana. Hinding hindi ko yun ma gagawa sayo. Siya ang humalik sakin agad ko naman pinutol" sabi ni sky

Kahit walang kasiguraduhan na maririnig ni diana yung mensahi ni sky patuloy parin sya nag sasalitan hangang sa tumigil na siya. Nakatulog na si sky sa sobrang paliwanag niya

Nagtaka si diana bakit siya na tahimik kaya naman binuksan niya yung pinto at tinignan si sky. Bigla naman ito na gising nang marinig ang pag bukas nang pinto

"D..." sasalita na sana si sky pero pinutol ni diana

"Tayo na dyan" sabi ni diana

Tumayo agad si sky st pumasok na ito sa kwarto

"D, promise hindi ko talaga siya hinalikan" paliwanag ni sky

Patuloy pa rin siya sa paliwanag kung paano nga ito nangyari. Napapaisip si diana kung sasabihin niya kay sky ang nararamdaman. Dahil sa nangyaring ito mas na laman ni diana na tumitindi na yung pag mamahal niya kay sky.

Yinakap siya ni diana nang mahigpit at nagulat si sky "Yes" Ito lang ang lumabas sa bibibig ni diana

"Huh?"

"Yes. Sinasagot na kita" mahinang sabi ni diana pero dinig na dinig ito ni sky

Nagulat ito kaya na pa sabi sya na "talaga???!!"

"Oo" yinakap ni sky nang mahigpit si diana at binuhat ito

Mapapansin na mahal nila ang isa't isa. Hindi ma iwasan ni sky na ngumiti dahil sa wakas sinagot na siya ni diana.

"Mahal na mahal kita diana" sincere sinabi ni sky

"Mahal din kita sky" nakangiting sabi ni diana

Lumapit yung mga mukha nila at nagkalapit ang mga labi.

They kissed and both smiled on each other.

Lies beyond that smile ( Skyiana )Where stories live. Discover now