Chapter 7: (Meet my FRIENDS!! again..)

1 0 0
                                    

EYNA's POV

Grabe siya makasabing Tanga! Eh ubod naman pala ng bingi! Hahaha! Epic yung kanina ha! Para atang may mali eh.. Iba yung mukha niya.. Hayy...

"Oh? Ano pala nangyari sa'yo kanina? Si Gwapo no?" -Bella

"Naku! Anak ka ng paulit-ulit Bella! Pero nakakatawa talaga yung kanina.. Tinanong niya ako yung tungkol sa canteen kanina.."

"Oh? Bakit daw?"

"Yung pagsigaw-sigaw Niyo kanina, akala niya kasi Rain! Yun pala Rei.. HAha.. Mali yung hinala kong siya si Rei.. Akala ko confirmed na.. Wala palang kwenta yung pagiisip-isip ko sa kay Rei.."

Kasalukuyan kaming nasa Garden.. Wala kaming klase.. Vacant namin ngayon.. Pareho kaming course tatlo..

"Ahh.. yun naman pala eh.. Pero, bakit parang sobrang inis na inis ka parin sa kanya?" Ay! Pinaalala mo pa! Naku!

"Eh sa tawagin ba naman akong tanga! Tsaka saksakan ng bingi naman pala! Gwapo nga.. Mayaman din.. Mukhang matalino din, pero Bingi!" Hahaha! Kung nakita lang siguro nila yung pagmumukha ng Rain na yun, EPIC!

"Hahaha! Sige, magreview nalang tayo.. Mukhang magbibigay ata ng quiz si Sir! Naku! Mahirap na.. Baka pagalitan tayo nun.. Sobrang strikto ba naman.. " Hahaha.. Oo nga. May point si Bella.. Cge!

A/N-( Magpapakilala na ang dalawang friends ni Eyna..

Syempre, pinaka-OA yung mauuna.. :) )

BELLA's POV

Review dito, Review doon.. Nakakastress talaga ang pag-aaral.. Pero, ok lng.. Haha.. Ako pala si Bella.. Carmella Bell Gonzalez.. Pareho kami ng course nila Eyna at Maddy.. Friends na kaming tatlo since Grade 3. Mabait naman ako sa mabait.. Manlalait sa manlalait.. Ganun yung sistema ko.. Yan lang talaga yung maidescribe kong katangian ko.. Sabi nga nila, mas unang makikilala/ makikita ng ibang tao yung totoong ikaw, kesa sa sarili mo.. Agree ba?

So ayun, komportable na talaga kami sa isa't isa.. Partners in crime-- este in business yung parents namin.. Kaya kami nagkasundo-sundo lahat.. Gusto sana namin na lumipat sa ibang school, pero parents namin ang nagbabayad kaya no choice.. I really hate this school.. Yun lang masasabi ko.. Hindi ibig sabihin na panget yung teachers, yung CR, yung Canteen, yung Garden at iba pa.. Pero yung problema ay yubg mga studyanteng maarte at puro bullies.. Gusto nga sana namin sa simple at tahimik na paaralan lng..

Pero anyway, yung friend kong si Maddy ay medyo Jolly at Friendly yan noon.. Pero, simula noong may nangyaring masama sa kanya, naging tahimik at mysteryosa na siya.. Ewan na lang kung babalik pa sa dati yan..

Hayy...... Pero guys, Kilala niyo ba si Justin? Justin Mendoza? Kung hindi, kilalanin niyo! Siya yung crush ko talaga! Akala kasi nila si kuya Jake, pero si Justin talaga yung crush ko.. Blue yung nickname niya, kaya blue yung favorite color ko kahit pink naman talaga.. Haha.. Sana nga, makilala ko siya ng lubos this year.. College na kami ngayon.. Medyo matagal na yata yung 2 years kong hinintay.. Yung alam ko lang kasi, may dalawa siyang kaibigan. Di ko alam yung names.. Di naman kasi ako stalker.. Haha..

MADDY's POV

Tama na yung chismis kay Bella.. Masyadong madaldal.. Yan tuloy, ang tagal kong naghintay.. Madeline Zamora nga pala.. Call me Maddy.. Punta na tayo sa likes and dislikes.. Mahilig sa libro. Maganda naman ako at sexy gaya ng sabi nila.. Chubby nga lang yung mukha.. Ang bilog bilog kasi eh.. Hindi ako malapitin at mahilig sa boys.. Yun nga lang, madami akong suitors.. I always like to be single.. Mas confident ako doon.. NBSB ako.. Pero, wala na yung first kiss ko.. Sad to say, may pinagdadaanan ako.. Mamaya na.. Mahilig din ako.. or let's say KAMING TATLO pumunta sa park..

I also like green apples tsaka grapes.. Pandesal na sobrang crispy at ice tea na may grapes sa loob.. Wierd no? I dont like margoso and talong. I really hate to be in a relationship.. I am not bitter or something, pero di ko talaga feel eh.. pero, sa right time ko ata pagbibigyan yun.. Kung sa tao naman, I really hate Maria.. Cousin siya ni Eyna.. Dahil sa kanya, nawala yung first kiss ko.. Kwento na sa inyo kung bakit nawala first kiss ko?

*flashback*

"Eyna! Bella! Punta na tayong park! Bilis!" Sobra akong excited na mag-libot sa park. Minsan nga, sinusundo ko pa silang dalawa sa kanilang bahay.

"Naku! Ang hyper mo talaga Maddy! Sige na nga!"- Eyna

Habang papunta kami sa park ay may nakita kaming nagtitinda ng ice cream. Syempre, ang mga mata namin ay kumikinang! Paborito namin yan eh.. 13 years old na kami, sobrang isip bata parin..

"Kuya, isang ube,tsokolate at keso.." kay Eyna yung keso, kay Bella yung tsokolate tsaka akin yung UBE!!

"Sandali lang! Naiihi ako.. Maddy, dito ka lang ha? Bella, samahan mo naman ako.. Please?"

"Bakit naman ako yung matitira dito? Naku! Ako naman ang pagbabantayin niyo ng teritoryo natin dito? Pero, sige na nga! Bilisan niyo lang ha?"

Hayy.. Maging gwardya na naman ako.. Nakita ko si Marmar na may kasamang lalake.. Haynako.. Ang bata pa niya, may nobyo na? Grabe ha..

Ba't ang sama ng tingin niya sakin? Di naman kami nag-away.. Siguro mali lang ako.. Pero, bakit papalapit na sila dito? Parang kakainin niya ako ng buhay..

"Hoy maddy! Ba't mag-isa ka lang? Iniwan ka ba nila Eyna?" Whoo! Di naman pala siya galit.. sadyang malupit lang siya kung makatingin..

"Ahh.. Nag-cr lang sila.. Babalik naman sila dito.. Sino yung kasama mo? NobyO mo?"

"Ha? Hindi noh! Ikaw nga gusto nun eh! Kaya kita pinuntahan, para makipagusap sayo.. Sabi niya, papuntahin kita doon.. Crush ko kasi yon.. Gusto niyang makausap ka.. Kasi pagkinausap mo na siya, magiging kami na!"

Ano daw? Ang gulo! Kakausapin ko daw tsaka magiging sila? User naman nito ah!!

"Ha? Kakausapin ko? Tsaka magiging kayo? Ano ba yan! Ang gulo ata.."

"Sige na! Bilis! Kausapin mo na please?"

At ayun! Hinila niya ako papunta sa likod ng hall saka lumapit sakin yung lalake.. At sa kinabibigla ko, hinalikan ako ng lalaki.. Tapos, Biglang may nag-flash ng camera.. yung kaibigan ni Marmar pala.. Lintek to! Bigla naman akong lumayo sa lalake at sabi ni marmar.. "Nice one, Jer! Gigi, Pakibigay sakin yung camera.. Pakita natin to kay Bella at Eyna! Tingnan natin kung bestfriends Forever pa yung turingan niyo.. Haha!"

Walang nagawa si Gigi kundi sumunod.. Sino ba yang si Jer? Tsaka bakit niya ipapakita kay Bella at Eyna? Anong nalang kaya ang magiging reaksiyon nila? Tsaka anong koneksiyon meron sila?

"Wala ka ng magagawa, Maddy.. Next naman ay si Bella at Eyna.. Hanggang sa mag-aaway kayong lahat!" Ouch! Sinisiraan lang pala niya kami.. pero, bakit?

"Ano ba ginawa namin sayo Marmar? Bakit mo kami sinisiraan?" Paiyak na sabi ko.

"Time will come, malalaman mo rin!" At ayun! Iniwan nila akong umiiyak.. Lumingon si Gigi sakin at parang naaawa..

Nang dumating sila Eyna, tinanong agad nila ako.. Ayun, sinabi ko lahat para naman maunahan ko si marmar.. Tsaka buti nalang at naniwala sila..

*end of flashback*

Hanggang ngayon ay tumagal sakin yung mga tanong na gusto kong sagutan.. Kaya naging bago ang ugali ko.. Atleast ngayon, alam niyo na kung bakit naiinis ako ng husto kay Marmar..

Childhood SweetheartsWhere stories live. Discover now