Chapter 5: (Sino Daw??)

1 0 0
                                    

EYNA's POV

"*Splash**Woosh*... Si REI?!!!" - Both.. Kita niyo? Nahawa na sa pagka-OA ni Bella si Maddy. O sige, Sila na! Bigyan ng Jacket! Ako? TOWEL! Nasalo ko lang naman  yung iniinom nilang Ice Tea! Haist..

"Hoy! Manahimik kayo! tingin-tingin din sa paligid pag may time?" pabulong kong sabi sa kanila. Eh paano? All eyes on us lang naman ang peg naming tatlo. Agad din naman silang nagbigay ng kanilang panyo.

"Sorry.." -Both.. Mabuti nalang at walang nakakilala sa kanya. Kanya-kanya namang balik sa kanilang mga chika chika. Puro ata gossips naririnig ko? Pero bahala sila. May problema din ako no.

"Eh kasi naman, parang siya talaga eh." Di parin mapakali ang aking utak. Parang gusto tuloy maglayas ng mga brain cells ko. Stressing talaga!  

"Eh, baka nakokonsyensya ka lang teh?" Bella

"Kailan kayo nagkita?" Maddy

"Siguro, Destiny yan!"-Bella

"Paano?"- Maddy

"Pwede isa-isa lang?" Stressed na talaga ako. Idagdag niyo pa tong dalang to.. At sa wakas, tumahimik din. Peace on earth! 

Nakwento ko narin pala sa kanila ang tungkol samin ni Rei.

A-(Eh, sa amin ba wala? Unfair naman non.)

Eh mami Channie, sa right time okay? Anyway, makapag-CR nga..

"Eh, sorry ulet,. Chika muna!"- Bella

"Baka time na!" -Maddy

"Bakit? Nagbell na ba?" -B

"Wala. Eh, wala ka bang relo diyan?"-M

"Wala. Kasi naman! Di pa nga nagring ee! Atat masyado oh!" -B 

"Tara, CR muna tayo. Aayusin ko lang ang aking sarili." At ayun, pumayag agad. Parang tirahan na kasi nila ang CR. Panay ang pasok-labas nila doon..

--------------------------------------------------------------------

Nang dumating na kami sa CR, naghilamos lng ako ng tubig tsaka inayos yung buhok ko. Okay naman talaga ako eh. Gusto ko lang gumala sa bahay nila Bella-- este sa CR pala. After 5 mins kung magayos, eh sila naman ay nagpaiwan doon para magretouch ng kanilang make-up churva churva nila. Lampakels na ako doon! Maganda naman eh! Since birth! Haha! Medyo na bored na ako sa loob ay naisipan kung hintayin na lang sila sa labas.

Wait a minute....? Is that HIM???? OMG! Ok, OA na kung OA! Judge me if you want! I-DONT-CARE! Gosh! Papalapit ata! Wag kang umarte, Eyna! Be C2! Cool and Calm! (Iba Version ko.! Pasensya na!) 

Yan tuloy, parang baliw akong kinakausap ang sarili!

"Hey you!" si Gwapo.. Hindi ako assuming o feeler, pero parang ako yata ang tinuro ng kanyang daliri eh.

"Ako?" Just a Confirmation, guys...

"May iba pa bang tao dito? Tsk.." -Siya.. Sungit ah! Naman kasi eh! Tagal nila Bella. Yan tuloy, mukha na talaga akong tanga. Parang zombie, kumbaga.. Pero wait? Dito rin siya sa school?

""Yeah you! Ikaw si Ms. Tanga diba?" Wow ha! Tanga talaga ang term? Ansaveh? Ang cool niya lang ha! 

"Hoy! Di ako si Tanga! Higit sa lahat, di ako tanga! Tsaka pangalan ko, Vanessa Jane Medina! Galing ako sa tiyan ng aking Ina! Hindi ako inalagaan ng mga magulang ko, para pagsabihan mo ng tanga! Gets mo?" Oh? ano ka sa speech ko ngayon? NGANGA! Gwapo sana, pero ang utak parang nawawala.

"Hi-hindi! I-Ikaw si Tanga!" -Siya.. Oh? Ba't ka nauutal?

"Sabihin mo sakin, ba't kayo sigaw ng sigaw ng pangalan ko sa canteen?" -Siya.. Ano? So confirmed. Siya nga si Rei..

"Wait.... ikaw si Rei?" Another confirmation was being replied by tatanga-tangang si Ms. Eyna.. Wow as in Wow!

"Did you just called me..... uhmmm.. Rain?" -Siya.. ay! di lang pala suplado, kung hindi bingi!

"Ang sabi namin kanina ay REI!! R-E-I!! Bingi lang chong?" Hahah! Just a big misunderstaning! Sayang lang yung effort ko kakaisip kay Rei na akala ko ay siya, pero di naman pala.. Ang gulo!

"Hoy! Di ako bingi. Sadyang mahina lang talaga ang boses mo! Diyan ka na nga! Dagdag stress ka lang eh." -Siya.. Whooo! Buti at di pa pala siya si Rei.... Naglakad na siya palayo at sumaplak ng earphones sa tenga. Bye bingi! HAHA.. At ngayon lang lumabas yung dalawa. Si Bella lang ata ang nag retouch. Sinamahan lang ni Maddy.. 

Teka? Ba't bigla yata akong nalungkot? Nababaliw na ba ako?

Childhood SweetheartsOnde histórias criam vida. Descubra agora