Mark Tyler Villareal's POV
"Yan kasi ang hirap sayo anak ! Hindi ka marunong gumalang!" (Pagsigaw ng daddy ko)
"Ano ba kasi yun dad ?! Yan kasi ang mahirap din sa inyo lagi niyo akong pinipilit sa mga bagay na ayaw ko naman!" (Pagsagot ko sa daddy ko)
Paano naman kasi ?! Lagi nalang ipinipilit ang mga bagay na ayaw ko naman ?!
Nasan ang kalayaan ko dun ?!
"Trisha ! Pagsabihin mo nga yang anak natin na walang modo!" (Sabay lumabas si Dad ng kwarto ko)
Ibinagsak niya ng malakas ang pintuan ko,habang si Mom papalapit na sakin
Umupo siya sa side ng kama ko
"Anak naman please naman ano ba kasi ang hindi mo nagustuhan kay Anika ?!" (Pagtataas ng boses ni Mom sakin)
"Ma ! Pati ba naman ikaw ?! Mom alam mo na ayoko pa pumasok sa relasyon diba" (sagot ko)
"Oo anak alam ko pero hindi mo naman dapat ipahiya si Anika ng ganun" (sabi ni Mom)
Guest what ?! Ahahahah oo pinahiya ko nga yung Anika nayun
Tinapunan ko lang naman siya ng wine sa harap ng madaming tao =) ahahahha evil ba ?! Hindi naman diba
Ayoko sa kanya ang daldal niya ang daming tanong kung ano-ano pa ang pinagsasabi
"Hindi mo ako masisisi" (sagot ko)
"Ano ba anak? Ano pa bang hindi mo nagustuhan kay Anika maganda,edukada,mayaman at sexy pa ano pa ba anak ang hindi mo nakita sa kanya ? Perfect na nga kayo sa isat-isa" (pagmamatigas ni Mom)
"Gusto mo ba isa isahin ko pa ? Sige ! Ayoko sa madaldal ayoko sa madaming tanong sige mom sabihin natin na oo maganda siya,mayaman ,edukada at sexy pa pero Ma ! Ayoko ayoko sa kanya wag niyo na kong pilitin" (sabi ko)
Nang biglang pumasok si Dad ulit sa kwarto ko
"Alam mo anak naiintindihan kita na ayaw mo sa kanya pero naman sa dalawangput-isa bang babae na pinakilala at pinadate namin sayo wala ka pang nagustuhan ?! " (tanong ni Dad sa mahinang boses)
Nagka roon ng sandaling katahimikan noon
"W-wala" (sagot ko ng mahinahon)
"Hindi yun ang point Honey ang point dito is yung kawalang respeto sa babae" (sabi ni Mom)
Napansin ko na nagkatinginan sila Mom at Dad
"Sa tingin ko dapat kang turuan ng leksyon sa pagiging cold at walang galang sa mga babae" (sabi ni Dad)
Nagkatinginan kami ni Dad
"Psh , sige sanay na naman ako dyan eh sige lang I ga-grounded mo na namaN ba ako?" (Sagot ko na naka smirk)
"Hindi anak sa totoo lang ngayon ko lang napag isipan to , matuto ka nang tumayo sa sarili mong paa" (sabi ni Dad)
Sa puntong yun hindi ko mawari kung anong ako ibig sabihin dun ni Dad
"H-honey !" (Sabi ni Mom)
"Tama lang yan para matuto siyang makisama at maging responsable" (pagmamataas ng boses ni Dad)
Hanggang sa tuluyan nang umalis si Dad at sinundan siya nito ni Mom
Ang tanging ginawa ko lang ay ang humilata =)
/Makalipas ang 3 oras/
Nagising nalang ako sa pagkatok ng isa sa mga katulong ko

BINABASA MO ANG
Mr . Cold Guy MEETS Ms . Daldalera
Teen FictionIts a story of isang hearthrob na may karakter na COLD !!! Paano kaya kung makatagpo niya ang isang babaeng saksakan ng KADALDALAN ?! at ang malala pa ay magkakasama sila sa iisang paupahan !!! May madevelop kaya na PAGTITINGINAN o PAGLALABANAN lang...