MARK TYLER's POV
Sa pagkagising ko ulit , nakakaamoy na ako ng masarap na pagkain
"Hmm ? Ang bango nun ah huh ? Niluto na niya yung shanghai noodles ko?" (Sabi ko)
Bumangon na ako nun para pumunta sa kusina
Nakita ko si Venice na nagluluto na nga
Ang ganda niya pa din kahit seryoso yung mukha niya
Pano pa kaya pag naka ngiti na toh ?
Hala !!! Erase erase ! Ano ba tong pumapasok sa isipan ko ?! -_-
"Oh ? Gising ka na pala , eto sabayan mo na ako kumain" (pag aanyaya niya)
Sabay naghanda na siya ng dalawang mangkok
Umupo lang ako nang tahimik at hinintay matapos ang noodles na kakainin namin
Unti unti na din naman niyang isinasalin yung noodles sa mangkok na inihanda niya
Una niyang binigay sakin yun nilagyan niya ng laman
Tinikman ko naman
"Psh -_- pagkain ba toh ?" (Sabi ko)
"Hah ? Hay tinatanong pa ba yan ?! Malamang pagkain hay nako ! Katangahang taglay wag mong ipairal" (sagot niya)
Aba ! At itong babaeng toh ?! Pinipilosopo ako ?!
Putek ayoko talaga sa mga katulad niya -_-
"Aish ! Tikman mo nang malaman mo kung pagkain toh o di kaya tubig !" (Pagsigaw ko)
At dahil nainis ako , nagpunta nalang ako sa kwarto ko para kunin ang mga gamit
Pampaligo ko ...
End of Mark Tyler's POV
========================================================================
VENICE ' s POV
Yung tingin naman niya sakin grabe !!!
Kyaahh !! Nakaka seduct
Pero joke lang yun -_-
At sa pag-alis niya , agad ko namang tinikman yung luto ko
"Hmm" (sabi ko)
"Tss ! Hindi nga to pagkain tsk tsk , tubig nga" (dugtong ko pa)
Paano naman kasi ang lasa nung niluto ko eh parang tubig nga -_-
May punto dun si Mark sa pag susungit niya
Pero grabe naman imbis na iappreciate niya yung luto ko talaga namang masyadong siyang naging honest
"Hay nako ! Sayang ka naman noodles , bahala na basta ako kakainin kita" (sabi ko)
Nagsimula na akong kumain nun at pinilit na ubusin ang laman
Kasi naman masamang magtapon ng pagkain diba ?!
You know I'm a good girl
Pumunta ako ng CR maliligo na din sana ako kaso andun pa si Mark sa loob
Kaya hinintay ko pa ...
"Tengeneng yan 5:30 am na di pa din natatapos tong mokong na toh sa kakaligo" (pagdadabog ko)
Sabay kumatok na ako sa pintuan ng CR
*TOK TOK TOK*
"Mark ! Mark ? Ang tagal mong maligo , ano ? Di mo ko papaliguin ?! Duhh ! 5:30 in the morning na tol !"( sigaw ko)
"Tsk ! Tapos na ko" (sagot naman niya)
"Hay ! Dalian mo , kala mo naman ikaw lang ang maliligo tss ! Pag tayo nalate humanda ka sakin nain~" (naputol kong sabi)
Paano ba naman kasi lumabas siya sa CR nang kita ang abs niya ...
Wow ! Edi siya na
Takte macho ...
"Oh ? Anong tinitingin tingin mo dyan ? Maligo ka na" (pagsusungit na naman niya)
Sabay umalis na siya
"Huh ! Perfect na sana yung ugali lang ang 0% talaga !" (Pagmamaktol ko)
Naligo na din ako nun
As in paspasan ayoko kaya malate sa first day of school noh !
Bad start kasi pag sinimulan mo agad ng late ka ...
End of Venice's POV
==========================================≠==========================

BINABASA MO ANG
Mr . Cold Guy MEETS Ms . Daldalera
Teen FictionIts a story of isang hearthrob na may karakter na COLD !!! Paano kaya kung makatagpo niya ang isang babaeng saksakan ng KADALDALAN ?! at ang malala pa ay magkakasama sila sa iisang paupahan !!! May madevelop kaya na PAGTITINGINAN o PAGLALABANAN lang...