Start

21 2 1
                                    

"Gumising ka na, Wayne."

Nagising ang diwa ko sa malumanay na boses na yun.

Sino si Wayne? Kahit na pakiramdam ko'y hinang hina ako at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, sinikap kong imulat ang aking mga mata.

Malabo. Hindi malinaw pero naaninag ko ang isang babaeng nakangiti sa harap ko.

Gusto ko itanong kung sino sya pero di ko magawa. Ni hindi ko maibuka ang aking bibig para magsalita.

"Madaming naghihintay sayo kaya gumising ka na ha?" hirap man at malabo ang paningin ay naaaninag ko padin ang ngiti nya.

Dahil siguro sa sobrang panghihina ay unti unting napapikit ang mga mata ko.

"Wayne."

Hindi ko na kayang idilat muli ang aking mga mata dahil sa bigat ng mga talukap nito.

Pagkalipas ng ilang sandali..

"Kuya? Kuya Wayne? Pa! Si Kuya! Gumalaw yung kamay nya! Doc!"

Sunod sunod na ang dating ng mga tao. May naririnig pa akong nag-iiyakan. Ang ingay.. Madaming nagsasalita. Pero hindi ko na ulit narinig ang malumanay na boses na yun.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog. Sa pagmulat muli ng aking mga mata, isang lalaking hindi katandaan ang nakita kong nakaupo sa gilid ng kama ko.

Iniangat ko ang sarili mula sa pagkakahiga. Napansin nya siguro ang pag galaw ko kaya napatingin sya sakin. Bakas ang gulat sa kanyang mukha.

"W-Wayne. Anak."

Napakunot ang noo ko pero itinuloy ko parin ang pagsandal sana sa headboard ng kama ng makaramdam ako ng kirot sa bandang kaliwang dibdib.

Dali dali syang tumayo at inalalayan ako na para bang natataranta. "Wag ka muna masyado kumilos. Makakasama sayo yan."

"Sino po ba kayo?"

Natigilan sya sa tanong ko. Hindi ko kasi alam kung sino ba sya. At.. hindi ko rin alam kung sino ako.

~~~💔~~~

"Ok na ang lahat sa kanya dahil naging successful naman ang ginawang operasyon."

"Pero bakit wala syang maalala?"

Nakatingin sakin ang lalaking sinasabing sya raw ang ama ko habang itinatanong yun sa doctor.

Samantalang may isang babaeng nakatingin din sakin ng may pag-aalala sa kanyang mga mata. Sya daw si Leila. Kapatid kong babae.

"May temporay memory loss sya sa ngayon. But sooner or later, babalik din ang alaala nya."

"Thank God. Salamat po, Doc."

Pagkatapos sabihin ng doctor ang mga dapat gawin para mapadali ang pag galing ko ay umalis na ito.

"Ano po bang nangyari sakin?" tanong ko agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon