Chapter 1
Crush
Hinalikhalikan ko ang litrato ng aking crush nang mabigyan ng kopya ng kaniyang flyer para sa kaniyang pagtakbo sa nalalapit na halalan sa aming paaralan.
'Vote Enrique Alther Echevarri for President'
"Raine! Phone mo!" Napukaw ang atensyon ko nang sumigaw ang kaibigan kong si Zairus mula sa pintuan ng aming silid.
Inihagis niya ang cellphone ko at mabilis akong tumayo para saluhin iyon. Shit! Ang mga pictures ni Alther ay naroon!
"Nice catch!" Sigaw niya at tumawa ng malakas pagkatapos ay iwinagayway ang phone ko.
Liningon ko ang nasalo at napagtantong case lang pala iyong inihagis niya. Tangina niya! Malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa nerbyos. Yung phone ko! Buong akala ko ay muntik na iyong mahulog!
Nag-init ang buong katawan ko at nilapitan siya para sabunutan.
"Gago ka talaga!" At sinugod siya.
Tawa pa rin siya ng tawa. "Aray! Tama na!" Natatawa pa rin siya habang iniinda ang kurot at sabunot ko. Nakakainis talaga!
"Stop flirting in public."
Shit! Nagulat ako sa baritonong boses na narinig ko mula sa aming likod. Nangatog ang binti ko at hindi ko siya hinarap. Alam ko kung kaninong boses iyon! Kay Alther!
Dinungaw ko si Zairus na ngayon ay nakatingin sa kanya. Yumuko siya para tingnan ang mukha ko gayong malayong mas maliit ako kaysa sa kaniya. "Yung crush mo." Bulong niya.
Itinulak ko siya at kinuha ang phone. Nagmartsa ako palabas at nagkunwaring nagpunta sa cr. Tangina! Kami ba yung sinasabihan niyang naglalandian?
Mabuti nalang at nakatalikod ako! Kung hindi naturn-off na agad ang crush ko sa akin! Nakakainis!
Zairus:
Halika na. Mangangampanya na yung masungit mong crush.Nakakuha ako ng mensahe mula sa baklang ito.
Muntik ko nang ipagsigawan kanina ang tunay niyang kulay pero hindi ko kayang traydurin ang bestfriend ko simula pa pagkabata. Hindi ito halata sa kanya dahil sa kagwapuhang taglay. Sa akin lang siya nagiging totoo at daig pa ang baklang sumasali sa mga gay pageants kung siya ay umasta kapag kami lang dalawa ang magkasama! Patay ito sa mga magulang niya kung nabuking! Umabot pa sa puntong nagpanggap akong jowa niya para lang hindi magduda ang mga magulang niya noong Grade 8 kami.
Natatawa na lamang ako kapag may nababalitaan akong mga babaeng nanghihingi ng numero niya. Kung alam lang nila!
Napailing ako at naghugas ng kamay.
Huminga ako ng malalim at nagdesisyong bumalik sa aming silid. Hindi ko palalampasin ang kampanya ni Alther!
Bago ako pumasok sa silid ay narinig ko ang hiyawan ng aming mga kaklase, halos babae silang lahat at tuwang tuwa sa pagdating ng partido nila Alther.
"Ang gwapo talaga ng crush mo." Bulong ni Zairus na katabi ko.
"Stop it Zairus."
"Ano ka ba girl, sayo na iyan. May boypren na ako." Natatawa niyang sinabi.
Umiling ako at lumingon sa harapan. Napaawang ang bibig ko nang nagsalubong ang mga mata namin ni Alther. Kumunot ang noo niya at bumaling sa nagsasalitang councilor ng kaniyang partido.
"Tumingin ba siya sa akin?" Tanong ko kay Zairus.
"Assuming ka te? Hindi ka nga kilala niyan." Yeah right. Halos di nga niya pansinin ang mga chat ko sa kaniya sa messenger. Imposibleng kilala niya ako?

BINABASA MO ANG
Frosty Heart
Novela Juvenil[On-going] Yung ultimate crush mong sobrang cold ay stalker mo pala!