Prologue

13 3 0
                                    

Madilim ang paligid. Tanging LED lights lang at disco ball ang nagbibigay liwanag sa buong lugar.

Tila mga kiti kiting naglipana sa gitna nang dance floor ang dagat nang mga taong nag sisipag sayaw. Kumakanta't sumisigaw.

"Hooooooohh!"

"Yeaaaaah!"

"Shake that booty.. Shake, shake that booty!"

"Whoohooohh!"

"Exbiiii!"

Ilan lang yan sa sari-saring hiyawan at mga sigawang naririnig ni Mitch sa loob ng Club.

Hindi siya pamilyar sa lugar. Hindi rin siya masyadong naglalagi o mas madaling sabihin na hindi siya talagang pumupunta sa mga ganitong kawa-wild na lugar.

Para sa kaniya, ang mga ganitong lugar ay para lamang sa mga taong walang magawa at mga walang pinagkaka abalahan sa buhay.

      

      

        

"Pare, ba't ayaw mong mang chiks? Ang daming chikabebe, oh?" Pasigaw na sabi nang kaibigan kay Kurt habang panay ang pag indayog nito sa tugtog. Umiling siya.

"Ge, kayo nalang," Balik sigaw niya sa kaibigan habang na nanatili paring nakaupo.

"Bakit? Wag mong sabihin na–"

"Wag mo nang ituloy, hindi 'yan." Putol niya sa nais pang sabihin nang matalik na kaibigan.

"Oh, eh 'di mag enjoy ka? Tara, YOLO!" Muling sigaw nito.

"YOLO mo mukha mo, sige na!" Pagtataboy niya dito.

"Bahala ka, ikaw din mapaglilipasan ka!" Sigaw pa nito sabay kindat. Natawa naman siya.

"Gago! Lumakad ka na nga!" Tumawa lang din ito bago tuluyang humalo sa mga taong nagsisipag sayaw.

Nakaubos na siya nang ilang baso nang scotch pero mukhang linaw pa'rin siya. Muli siyang humingi nang alak at mabilis na ininom iyon.

Nang maibaba ang baso, tsaka lamang siya humarap sa maraming tao at nagpatuloy na pagmasdan ang mga ito.
Natawa na lamang siya nang makita ang kaibigan na tuwang tuwang pinagkakaguluhan nang mga babae.

"Hey,"

Napalingon siya sa babaeng marahil ay kauupo pa lamang dahil wala naman ito doon kanina.

"Wanna have some company?"

Malandi ang tono nang pananalita nito. Halatang naghahanap nang makakasama.

Why me? Marami namang nagkalat na iba..

Gusto niyang sabihin sa babae.

"Ah, hindi salamat.." Simpleng sagot niya.

"Why, may kasama ka ba?"

Nanatili ang mapang akit nitong tinig.

Mag tatagalog ka rin naman pala, nagpapaka hirap ka pa!

Muling singit nang masungit na isip niya.

Pinaka titigan niya ang babae. Mukha itong nasa mid twenties. Makapal ang kolorete sa mukha at pulang pula ang nguso. Namimilantik rin ang mga mata at halos may black eye na sa kapal nang eye shadows.

Love Calling...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon