^ Chapter One ^
***
"Okay, guys! We have a 30 minutes meeting mamayang one, maaga tayong magsasara. Ipaalam niyo sa lahat and be ready!" Sigaw ni Ate Sally, ang head manager namin dito sa resto."Yes, Ate!" Tugon ng ilan sa amin.
Siya ang nakatataas at pinaka may edad o nakatatanda sa buong crew. Siya 'rin ang isa sa mga pinaka pinagkakatiwalaan nang Boss namin bukod sa akin. She is 48 years old pero mukha lang nasa thirties.
Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Manang, Nanay, Tita o mag po manlang sa kanya. Dapat "Ate" lang or else, pahihirapan ka niya sa trabaho. Delay na nga ang sweldo mo, OT pa sa trabaho, late kang pakakainin at wala ka pang day off.
Remember, 48 lang siya bawal gamitin ang salitang "na".
Kapag nga nalalaman ng iba ang tunay na edad niya nagugulat talaga sila. Tapos kapag nabanggit ang salitang "na".
Nako, mag wo-walk out iyon si Ate Sally at never ka nang papansinin or else suyuin mo o mas madaling sabihan na suhulan mo.Lasagña lang naman ang katapat niya eh, tapos bibilihan mo nang Ube macapuno ice cream, pak! Close na ulit kayo.
"Haidie,"
"Yes, Ate?" Alertong sagot ko.
Nilapitan ko naman agad siya at sinalubong niya naman ako.
"Asikasuhin mo sa labas ang mga bago nating kasamahan at itrain mo na 'rin," Bulong niya sa akin. Tumango tango ako. "..make sure na nagagawa nila nang mabuti ang trabaho nila. Kilala mo naman ako, ha? Ayoko nang tatamad tamad at puro ka-pabebehan lang ang alam!" Mas napabilis ang tango ko.
"Yes, Ate!" Tugon ko bago tuluyang lumabas nang kusina.
Istrikto si Ate Sally. Masyado siyang perfectionist pagdating sa trabaho. Ayaw niya sa babagal bagal at tatanga tanga. Yung tipong nagkakagulo na nakatulala ka pa sa kawalan.
Matagal na siyang nagtatrabaho dito, halos 29 years na 'rin. 19 years old siya nang mag apply siya at tanggapin nila sa trabaho.
Kabubukas pa lamang ng Restaurant na ito noon. Hindi pa sikat at kakaunti pa lamang ang nakakakilala nang mag umpisa daw siya.Nang makilala niya ang mga Bosses namin napamahal na 'rin daw siya sa mga ito. Kapatid na nga ang turing sa kaniya nila Kuya Robert at Ate Wella dahil hindi naman masyadong nagkakalayo layo ang mga edad nila.
Mabait kasi at matulungin ang mga amo namin. Hindi sila masyadong mahigpit sa mga tauhan kaya si Ate Sally ang inaasahan nilang umayos sa resto dahil madalas silang nasa ibang bansa para asikasuhin ang main at iba pang branch nang "Sabor Del Cielo" Restaurant.
Mag dadalawang taon pa lamang ako dito. 18 years old ako noon nang magsimula ako.
Simple lang ang buhay namin. Hindi kami mayaman na tulad ng iba. Nagkakarinderia lang si Mama at Taxi driver naman noon si Papa. Dalawa lang kaming magkapatid. Ako at si Ate Princess. Pangarap ni Papa na magka Junior pero hindi sila pinalad.
BINABASA MO ANG
Love Calling...
JugendliteraturOne girl. A (not so) lonely working student. One boy. A persistent and importunate Architect. A lot of (not so) sweet conversation through text messages. An undeniable love. Wattpad © 2019 TEEN FICTION/YOUNG ADULT @_Shikashi