Time out

876 22 3
                                    

This story was requested by a new friend. Hihi hi tukayo! Haha ito naaa. Sana nabigyan ko ng katarungan ang request mo. Wala ako maisip sa title. Sorry, sabaw. Haha hopia like thisss. :D dahil sayo, may bago na akong tawag kay Inay (Bang) oha oha. Ngayon ko lang nasabi pangalan niya, well codename. Hahahaha more kwentuhan to come! Alam mo na yan :)))

.

.

.

.

.

.

.

.

(A/N: guyss, so ang setting natin is pa'unigames na sila dito. And dito sa story natin, kasama ang archers sa unigames. Pagbigyan niyo na kami. FF lang naman po ito e :D)

Ara's POV

(Oct.20, 2014; pre-unigames)

New message:

From: Bae ❤️

Hi love, are you free today?

To: Bae ❤️

Sorry love. Whole day practice kasi kami today. Kailangan na namin magready for unigames e.

From: Bae ❤️

Right. I forgot. Sige.

Haaay. Napa'buntong hininga na lang ako sa reply niya. Alam ko nagtatampo toh. Halata e. Dapat nga naiintindihan niya ako e kasi pareho kaming athlete and to think na kasali din sila sa unigames like us. Tapos siya pa yung assistant coach nila. Pero sabi niya hindi daw siya sasama sa IloIlo kasi may other commitments na siya nun. Yung v-league to be exact. Sayang. Chance sana namin na makapag bonding. Babawi sana ako sa kanya kasi these past few weeks nabusy ako dahil nga sa practices namin for the upcoming unigames.

Kim: Ara, nakatunganga ka nanaman diyan. Si Bang nanaman yan ano?

Kilala talaga ako nito. Napabuntong hininga na lang ulit ako bilang sagot kay Kim.

Kim: okay lang yan. Isipin mo na lang pagkatapos nitong unigames, lalo kayong mawawalan ng time dahil magsisimula na din season natin.

-____- minsan hindi ko na alam kung ano gagawin kay Kim e. Am I supposed to feel better?

Ako: so anong pinaglalaban?

Kim: ang akin lang, marerealize at maiintindihan ka rin niya. Siyempre come UAAP season, mab'busy din yan for sure dahil siya na nga ang assistant coach ng ADU diba? Tsaka parang di mo naman kilala girlfriend mo. Nagpapalambing lang yan sayo noh. Ikaw na lang umintindi sa kanya.

Ara: *sigh* yun na nga e. Ako na lang lagi ang umiintindi.

Kim: e wala ka naman magagawa e. Mahal mo yung tao.

Tsaka niya ako tinapik sa likod at tumayo na siya para magstretching na din kasama ng iba. Nilagay ko na din sa bag ko yung phone ko at nakisali na din sa kanila. After ng ilang minuto ng pagstretching namin, sakto naman na dumating na si coach at nagsimula na nga ang training namin. Serve dito, palo dito, set doon, dig, block. Haay, nakakaisang oras mahigit na rin kami. Nakakatapos na kami ng dalawang games, dun pa sa unang game namin naka five sets pa kami. 2-0 na din ang scores namin. Pangatlong game na namin ito, at pagod na talaga ako. Buti na lang binigyan kami ulit ni coach ng ilang minutes para sa water break. Kaiyak. Haha dejk. Kakayanin toh para mabawi ang korona sa unigames.

Pagkatapos ng apat na oras sa practice, sa wakas! Natapos din kami. Grabe talaga yung pagod ko today. Iba e. Since madami pa sila doon sa shower room, naupo muna ako dito sa benches sa gym. Nakita ko naman na pumasok na ang archers. Oo nga pala, kasama sila sa unigames this year. First ever appearance nila toh. Panigurado, uulan nanaman ng fangirls sa IloIlo. Nakita naman nila ako na nakaupo dito kaya binati nila ako, at ganun din ako sa kanila. Medyo close kasi kami sa kanila e. Lalo na kina Jeron, Gab at Avo na boyfriends nila Mika, Carol, at Cienne. Ikaw ba naman e makita mo araw araw pagmumukha nila sa dorm niyo sa kabibisita ng mga jowa nila. Haha

UAAP one shot requestsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora