1. Traysikel

7 1 0
                                    

Rizal, April 2013

Si Janine ay nagwawalis sa bakuran nila habang ang ina naman niya ay pinapaliguan si Puti, ang alaga nilang askal. Kumakanta kanta pa si Janine nang biglang magpumiglas si Puti habang binabanlawan ng kanyang nanay.

“Nin, pakitulungan nga ako dito, ang likot likot ni Puti.” Saad ni Jocel o mas kilala ng lahat bilang Aling Jocy. Siya ay nasa mid thirties na pero mukha pa ring bata at taglay pa rin ang pandalagang kutis at ganda. Mag-isa nalang niyang binubuhay ang kanyang unica hija dahil iniwan na siya ng kanyang asawa noong ipinagbubuntis pa lang niya si Janine at pinapadalhan na lang siya nito ng pera para sa kanila. Wala silang komunikasyon sa ama ni Janine at tanging ang padala lang nitong pera ang nag-uugnay sa kanila.

Lumapit naman si Janine sa mama niya at hahawakan na sana si Puti nang bigla itong tumakbo at nagpagpag ng balahibo. Naiwan ni Janine na bukas ang gate nilang gawa sa kawayan kaya nakalabas ang aso.

Saktong may dumaang dalawang babae na naguusap habang nagtatawanan kaya tinahulan ito ni Puti. Mukha namang natakot ang dalawang bata kaya tumakbo sila. Bilang aso, inakala ni puti na nakikipaglaro ang bata, dahilan kaya hinabol sila nito pero tumigil din kalaunan at bumalik kay Aling Jocy.

Pinipigilan ni Janine ang kaniyang pagtawa dahil mukhang iiyak na 'yong isang babae. Pinapatahan lang ito nung isa ngunit mukhang siya pa ang unang iiyak kaya hindi na napigilan ni Janine ang kaniyang maliliit na halakhak.

Mukhang narinig naman siya ng dalawang bata kaya nakatanggap siya rito ng masasamang tingin habang hinahanap ng mga bata ang kanilang sasabihin.

“Ang bad ng dog niyo! Isusumbong kita kay Mommy!” Sabi nung kulot at medyo chubby na babae. May pagkamorena din ito at maganda. Siya yung nagpapatahan kanina sa isang babae.

“Tara na nga Gracy.” Inirapan niya muna si Janine bago hinila yung kasama niya.

Napatingin si Janine sa kasama nung 'mataba'. Tahimik lang ito na naglalakad at paminsan minsan ay tumatango ng ilang beses o 'di kaya'y ngingiti lang habang kausap nung mataba. Maputi naman itong bata hindi katulad nung isa at mukhang hindi siya masyadong lumalabas ng bahay. Mas matangkad siya ng kaunti sa 'mataba' at maganda rin.

Napahanga na lang si Janine sa kanila habang tinatanaw silang dalawa papalayo at napaisip na sana maging magkaibigan sila.

...

“Mama, gusto ko po sila maging kaibigan.” Wika ni Janine habang pinupunasan ng tuwalya si Puti.

“Sus! Paano mo yun magiging kaibigan kung mahiyain ka? Mas mabuti pang dito ka na lang sa bahay kaysa maglaro diyan sa initan. Ang negra mo na kaya. Saka mayayaman yun, tingin mo ba makikipaglaro sila sa'yo?” Tugon ni Aling Jocy. Hindi niya gustong siraan yung dalawang bata ngunit ayaw niya lang na masaktan ang kanyang anak dahil hindi naman sila ganoon kayaman. Tiyak na aasarin at pagtatawanan lang nila si Janine-bagay na ayaw mangyari ni Aling Jocy.

“Hindi po ako negra! Sabi ni Tita, morena daw po ako!” Pagtanggi ni Janine. Totoo naman na hindi siya gaanong maitim, mukha lang siyang dugyot na pulubi sa kalye dahil sa pakikipaglaro ng 'pogs' at 'jolen' sa mga uhuging bata na kapitbahay din nila.

Makalipas ang ilang segundo, ang masayahing mukha ni Janine ay napalitan ng isang malungkot na ekspresyon. “Mama, eh bakit mukha po silang mababait? Hindi naman po siguro lahat ng mayaman, mataray at masama. Malay nyo po mabait pala sila.” Matamlay na tugon niya.

Napangiti naman si Aling Jocy dahil sa katalinuhan ng anak. Grade two pa lang si Janine ngunit masyado nang malawak ang kanyang pangunawa, hindi na nakakapagtaka na lagi siyang umaakyat sa emtablado ng paaralan ni Janine upang isuot ang mga medalya sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Supporting Character (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon