'Iziara's Point Of View'
Asther Kleo Madrigal.
Basa ko sa nangungunang pangalan sa bulletin board dito sa hallway. Sya nanaman ang nakakakuha ng pinakamataas na score sa exam. Naku kung nakumpleto ko lang ang requirements ng teacher namin baka pangalan ko ang nangunguna at nababasa ng lahat dyan. Tsk!
"Ziaaaaaa!" rinig kong sigaw ng hangal kong kaibigan.
"Oh? Kamusta kleo,masayang masaya kaba?" sarkastikong tanong ko rito na nagpataas ng kilay nya.
"Ano nanamang problema?" natatawang tanong nito sakin.
"Ewan ko sayo." anas ko at tumalikod rito. Naglakad na ako upang magtungo sa room namin at naramdaman kong nasunod sya sakin.
"Tsh! Kasalanan ko bang hindi sya kasama sa top10, hindi nya naman kasi tinatapos yung requirements--" agad napatigil si kleo nung nakitang nakatingin ako sakanya ng masama.
"At anong binubulong-bulong mo dyan ha?" tanong ko at pinanliliitan sya ng mata, HAHA!
"H-ha? Eh w-wala! Mauna na nga ako sayo, ambagal mo maglakad!" nauutal na sagot nito at mabilis na naglakad.
Ako nama'y pigil tawang pinapanuod ang kaibigan kong naglakad. Hahaha! Bubulong na nga lang kasi yung rinig pa, babawi din ako ngayong sem na ito at sisiguraduhin kong pangalan ko na ang makikita kong nangunguna dun. Evil smile*
Naglakad na ako ulit at nakarating sa room. Pero hindi pa ako nakakapasok ay bumungad na sakin ang nakabusangot na mukha ni kleo. Ano namang nangyari dito?
"Problema mo?" inosenteng tanong ko at linagpasan sya. Agad naman syang sumunod sakin at yumakap na parang bata.
"K-kleo?" naiilang na tawag ko rito. Minsan lang maging ganito si kleo sa tagal na naming magkaibigan ay ganun pa rin ang nararamdaman kong kaba sa tuwing yinayakap nya ako.
"Sorry na zia, alam ko namang nangopya lang ako sayo. Promise di ko na gagalingan kumopya sa susunod." aniya habang nakanguso.
"Hahahahaha!" malakas na tawa ko. Kaya pala nakabungasot ang bestfriend kong ito ay dahil akala nya nagtatampo ako. Oh diba nagtatampo ako sya din gagaya. Hays friendship goals.
"Bakit ka tumatawa?" naiinis na tanong ng mahal kong kaibigan at bumitaw sa pagkakayakap sakin.
"Ang cute mo kasi, halika na nga umupo na tayo dadating na si ma'am." sabi ko at umupo na sa pinakadulo sa likod. Dun ako naupo lagi dahil wala namang arrangement samin at syempre nakabuntot sakin ang bestfriend ko.
"Kamusta na pala yung pakiramdam mo zia?" biglang tanong ni kleo habang linalabas yung notes nya. Advance learning huh?
"Hmm okay naman nako. Nakausap na rin nila mommy yung parents ni jade. Ang sabi ni mommy nabigyan ng suspension si jade, hinayaan ko nalang she deserves it anyway." I said and fake a laughed.
"Bat ka tatawa kung peke naman?" taas kilay na tanong sakin ni kleo kaya napatawa na talaga ako ng walang halong plastik.
"Ang takaw mo naman kasi eh, pati sa kaaway mo tumatanggap ka ng pagkain." sabi nya pa at umiiling-iling na parang hindi sya makapaniwala sa ginawa ko.
"Gutom na kasi ako nun! Hindi ko napansin kung sinong nagbigay sakin nun!" pagdedeny ko. Pero totoong hindi ko talaga napansin.
-Flashback-
"Okay class! You only have 1hour to finish that test and after that pwede na kayong lumabas! Magccr lang ako saglit!" lintaya ni Ma'am Castro at tinungo ang daan palabas.
YOU ARE READING
When Love Is Complicated
RomanceA story of a girl whose having a complicated lovelife. Iziara Nicole Valdez