"Buhay ka pa pala?" Gulat-gulatang tanong ng ate Nenita niya.
"Oo naman ate, Diyos at anak ko lang ko na nag tutulak sa 'kin mabuhay."
Bahagya siyang yumoko dahil sa mga luhang nag babadyang ng tumulo. Kinuha niya ang panyo mula sa bulsa't pinahid sa kanyang mga mata."Pinapabalik ka na ni Papa sa bahay, hindi din mapalagay si mama sa 'yo. Mahirap mag buntis ng mag-isa lang. Kailangan mo ng tutulong at mag aasikaso sa 'yo." Pag ngungubinsi't pag papaliwanag nito sa 'kin.
"Kaya ko naman ate, okay naman 'yung takbo nung coffee shop. Atsaka kasama ko naman si Chelsea dito sa condo." Ani niya dito.
"Kahit na, Doktor si Chealsea at palaging nasa ospital 'yun." Hindi kumbinsidong sagot nito.
"Okay lang talaga ako ate, sabihin mo kay Papa na huwag na silang mag alala ni Mama." Tumayo siya at naglakad papuntang ng kusina. Kumuha siya ng baso at nilapag sa kitchen counter.
Naramdaman niyang sumunod ito sa 'kanya at nakatayo lang sa may pinto ng kusina.
"Gusto mo ng tubig o juice?" Pag aalok niya sa nakatatandang kapatid. Nilingon niya ito at taimtin itong nakatingin sa kaniya.
"Nasaan na 'yung hayop na tatay niyang pamangkin ko?" Kalmadong tanong ni Nenita.
"Ate pananalita mo naman oh." Pagsuway niya dito.
"Anong mali sa pananalita ko? Eh kung gago naman talaga 'yung tatay niyan." Lumapit ito at sumandal sa ref.
"He's in Stockholm, Sweden I think." Nakaramdam siya ng kirot sa dibdip, dahil sa pagiwan nito sa kanya ng walang pasabi.
"Nag papasarap dun tapos ikaw dito nag iisa, alam ba niyang nakabuntis siya? Coreen don't tell me hindi niya alam na buntis ka." Umasim ang mukha nito at lalong kumunot ang noo.
"Ate pwede ba 'wag na lang natin siya pag usapan? Sumasakit lang lalo ulo ko." Pag iwas niya sa pagbato ng tanong nito sa kan'ya. Inilapag niya ang tubig sa table, at tinulak papalapit dito ang baso.
"Paano pag nanganak ka na? Pag kakaguluhan ka ng media alam mo 'yan. Pag pinag kaguluhan ka, malalaman niya 'yun." Kinuha nito ang tubig at lumagok.
"Balak kong lumabas ng bansa at sa Japan na lang manganak. Mamamalagi muna ako dun ng isa o dalawang taon." Pag amin niya sa ate. Plano niya tagalang pumunta sa Japan nuon pa man, pero pinipigilan siya ng dating kasintahan.
"Matagal mo nang plano 'yun ah, hindi lang matuloy-tuloy dahil sa lalaking 'yun." Nilapag nito ang baso at tinaasan siya nito ng makapal nitong kilay.
"Matutuloy na talaga 'to ate, nag usap na kami ni Chelsea tungkol dito. Mag re-resign siya this week and by next week aalis na kami. Balak niya din kasing magtrabaho dun." Tumaas siya ng tingin, at agad din nag iwas dahil lamig ng titig ng kapatid.
"Sirang-sira na buhay mo dahil sa kanya ano? Daming mong sakripisyong ginawa pero anong sinukli sa 'yo? Wala diba? Nag kinda loko-loko pa buhay mo." Umirap ito sa hangin at sumandal ng upo.
"Ate please lang." Giit niya.
"Matalino ka, tapos ng kolehiyo. May pinag aralan. Isang kilalang direktor dito sa Pilipinas at sa buong mundo. Maganda, may respeto at ang daming nanligaw. Ewan ko kung bakit ka bumagsak sa isang manlolokong lalaki." Pumikit siya sa dahil sa pag babadyang pag taas ng boses ng kapatid. Kinalma nito ang sarili dahil sa galit.
Tuluyang ng bumagsak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala, mga hikbing hindi niya mapigilan. Inabot at hiwakan nito ang kanyang mga kamay.
Tinaas nito ang kanyang mukha mula pag kakayuko."Lalaban ka ha? Tatayo ka muli. Everything happens for a reason. Kapit ka sa 'min, kapit ka sa Diyos. Tutulungan ka naming palakihin ang bata." Humigpit ang hawak niya sa mga palad nito.
Huminga siya ng malalim at pinunasan ang kanyang mga luha. Tumango.
Tumayo ito at lumapit. Yumakap ng mahigpit sa kanya. Tumugon siya sa yakap at ipinikit ang mata.
Oo sobrang sakit pag amin niya, pero hindi niya hahayaang kainin nito. Mahirap mabuhay, pero i-kanga.
This pain. This shall too pass.