KRINGGG.. KRINGGGG... KRINGG..
Nakakabulabog na pag gising sakin. Ano ba to? Antok na antok ako tapos bubulabugin lang? Halos buong gabi rin akong di nakatulog ng maayos dahil sa mga gawain at sa trabaho ko marami akong clients this week e, paghihinutok ko saking sarili. Mabilis kong kinuha ang telepono sa may desk at sisigawan kong sino man ang nang iisturbo ng marinig ko agad ang boses nya sa kabilang linya.
3:00pm
"Tuloy ba tayo?" Mahinahon na sabi nya. Agad kong naalala ang napagusapan namin.
"Pasensya na. Oo naman tuloy tayo medyo napahaba lang tulog ko, saglit lang susunduin kita magaayos lang ako. Hintayin mo ko ha? Wear your best dress boo, Its your request day by the way. I'll be there okay? Just wait sorry talaga."
Binababa ko na ang tawag at agad nag ayos ng aking kama. Medyo nagkasiyahan nami ng mga ka yrabaho ko kagabi at subrang sakit ng ulo ko ngayon siguro dulot na rin ng subrang lasing ko kagabi. Inabot na pala ako ng katanghalian sa pag tulog at mag hahapon na ngunit ngayon palang ako gigising. Agad akong nag naligo at nagayos napaka especial ng araw na ito para sa akin at para sa kanya. Bago pa akong tumuloy sa kanila, naalala kong dumaan sa isang flower shop bumili ako ng favorite flower nya which is rose. Pag kabili na pagkabili ko ay tumuloy nako sa kanila. Nakita ko agad sya sa labas ng subdivision ng tinitirhan nya.
"Oh? Bat kapa dito sa may kanto nagintay naiinitan ka" Ngumiti lang sya sakin, Pinagbuksan ko nalang sya ng pinto at agad naman syang sumakay. Papunta kami sa place na gusto nya, Request nya to at alam kong dito sya sasaya.
4:30pm
Habang nagmamaneho ako di ko mapigilan alalahanin lahat ng magagandang alala with her,
"Boo? Did you remember the first time you said I love you to me?" Pagsisimula ko. Ngumiti lang sya, Napaka ganda talaga ng ngiti nya, subrang tamis walang katulad. Ilang oras ang nakalipas at diko na namalayang nakatulog narin pala sya sa byahe.
6:45pm
"Boo? Malapit na tayo, Nagmulat lang sya at unti unting bumangon sa sinasandalan.
7:05pm
Nilingon ko sya sa kanyang kinauupuan habang nagmamaneho nakatingin din sya sakin.
"Thank you boo, thank you"
Ramdam na ramdam ko ang pagtahimik ng kapaligiran. Tanging boses nalang nya ang naririnig ko. Sumilip ako sa bintana ng aking kotse at magdidilim na din tamang tama. Ito ang oras na iniintay naming dalawa.
7:15pm
Madilim na. Kitang kita namin ang ilaw ng buong syudad. Nasa mataas kaming lugar ngayon dito sa tagaytay. Naalala ko kung kano sya kasaya nung una ko syang dinala rito. Halos mangiyak ngiyak pa sya sa tuwa.
Lumabas kami sa sasakyan. Tamang tama ang pwesto namin para napaka gandang tanawin. Kinuha ko ang panapin salikod ng kotse pati narin ang iilang snacks napakasaya ko matag tagal narin ng huling mangyare to muli ko syang tiningnan, nakatayo lang sya at nakangiting tinatanaw ang tanawin, nagmumuni muni at dinanamnam ang simoy ng hangin.
Tapos na. Maayos na ang lahat kaya naman tinawag ko sya upang duon umupo.
"MAHAL NA MAHAL KITA BOO"
bigla akong napatingin sa kanya ng magsimula na syang mag salita. She smile again, then hold my hand. Everytime na kasama ko sya, all the negatives saking katawan ay bigla bigla nalang naglalaho. Lumapit pa ako sa pagkakaupo nya at isinaldal ang kanyang ulo saking balikat. All I want is this, saya lang. Saya
7:45pm
Tahimik ang kapaligiran, nakatanay parin sya mga ilaw ng buong syudad, tahimik at nakangiti. I remember the day nung una ko syang nakilala. The first day we talk and those memories we shared both laughters and tears. I wish we could stay like this way forever.
8:00pm
Muoa sa pagkakasandal nya aynakaidlip na pala ang aking angel, dahan dahan akong tumungo at hinalikan sa sa noo dahilan upang maalimpungatan sya. Napaunat sya at tumayo, kung kanina ay nakangiti sya at masaya ngayon ay tila napaka lalim ng iniisip habang tinatanaw ang buobg syudad sa baba. Lumapit ako at hinawakan ang kanyang kamay. I feel her presence I really did
8:10pm
"You look so pretty boo, I love you" Then I kiss her chin. She locked our hands together at nagsimulang mag salita.
"Mahal na mahal kita luis, masaya na ako at sana maging masaya kana din. Hanggang sa muli I'll see you again mylove with God's right time"
Sa pagtapos nya ng katagang yuon ay pagsabay ng pamamalisbis ng aking luha. Niyakap ko sya ng mahigpit. She's here I feel her presence
"Mahal na mahal din kita
Boo, hangang sa muli salamat."Tinanggal nya ang pagkahawak ng kamay nya sakin at sa huling pagkakataon muli syang nagbitaw ng salita.
8:20 pm
"I LOVE YOU, GOOD NIGHT"
Pumikit ako at inalala ang buong alaalang nananatili at sariwa parin saking isipan. Its been a year ng iwan nya ako. She suffered for almost 2 years dahil sa sakit sa puso. Dito ko sya huling dinala dito rin sya nagpaalam sakin. Napaka sakit bagamat alam kong dadating djn ang oras na yun. Gabi gabi ko rin syang nakikita at nakakausap alam kong halucination ko lang, alam kong hindi totoo at alam kong isip ko nalang ang lumilikha ng sakit. Gusto ko ng makatakas sa sakit gusto ko ng karapin ang katutuhanan, Hanggang sa dumating ang araw nato. Ang araw na tanggap ko na. WALA NA TALAGA SYA
BINABASA MO ANG
I love you, Goodnight (Oneshot)
Storie breviIba ang pag mamahal ni luis sa kanyang nobya. Higit sa lahat ng bagay importante sa kanya ang kasiyahan nito. Ang kagandahan nito, Ang bawat ngiting walang kasing tamis. Saan nga ba patungo ang pagibig nya?