Prologue

194 2 0
                                    

"Thank you for choosing Philippine Airlines." nakangiti na pasasalamat ko sa mga pasahero na palabas ng eroplano.

Pagod na pagod ako dahil magkakasunod ang naging flight ko this week at halos wala na akong pahinga. But I reminded myself that I have a family to support.

Kailangan na kailangan ko talagang kumayod dahil ako lamang ang inaasahan ng pamilya ko in terms of financial needs. Mahal ang maintenance na gamot ni Mama sa kanyang diabetes at hypertension. Kay Papa naman ay para sa sakit nya sa puso. College na rin ang kapatid ko at may anak pa akong mag aaral na next year.

Ayos lang naman sa akin iyon at masaya ako dahil nakikita ko na masaya sila. At nararamdaman ko rin na tila naibabalik ko na sa mga magulang ko ang mga sakripisyo nila sa akin simula noong pinanganak ako.

Apat na taon na ako sa airline na ito kaya medyo mataas na rin ang sweldo ko ngunit marami talaga akong pinag iipunan ngayon.

May bahay akong pinapagawa sa lupa ni Papa sa Rizal. Nakakakalahati na kaso natigil pansamantala ang construction dahil nagkaproblema sa engineer. Magmamigrate na kasi ito sa US kasama ang pamilya nya. Ngunit wala naman daw akong dapat ipag-alala dahil mapagkakatiwalaan naman daw ang bagong maghahandle nito. Maswerte nga raw ako at napapayag nya ang engineer na hawakan ang bahay ko dahil in demand daw ito at magaling talaga.

Kasalukuyan akong nagdadrive pauwi sa condo ko sa Katipunan kung saan kami pansamantalang nakatira nang makitang tumatawag si Mama.

"Hello, Ma!" masiglang pagbati ko dahil miss na miss ko na sila. Tatlong araw ko rin silang hindi nakausap dahil sobrang hectic talaga ng schedule ko kaya pa-text text na lang kami.

[Nasaan ka na, Nak?] bakas ang pagkabalisa sa boses nito.

"Malapit na po ako, Ma. May problema po ba?" nag-aalalang tanong ko

[Nako, kanina pa iyak nang iyak si Josh. Hindi naman namin mapatahan ng Papa mo dahil ikaw ang hinahanap. Nadapa kasi kanina habang nakikipaghabulan kay Riley.] exaggerated na pagsasalita Mama. Marahil galit ito kay Riley dahil baka pinagtripan na naman ang pamangkin nya!

Humanda ka rin sakin mamaya, Nikolai Riley!

"Sige na, Ma. Papasok na po ako ng building." Pagpapaalam ko sa telepono.

Nang maayos ko ang sasakyan sa parking lot ay sumakay na ako ng elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang unit namin. Hawak hawak ko ang maleta at ibang paper bags na laman ang pasalubong ko para sa kanila kaya nagdoorbell nalang ako at hindi na nag-abalang kunin ang susi sa bag.

"Uy, Ate! Good day my bhoxzcs, my Lord, my queen, I missed you mwaps. Ang ganda mo talaga!" bati sa akin ni Riley pagbukas ko ng pinto. Abot tenga pa ang ngiti nito dahil sabik na sabik sa mga pasalubong dahil nang magtext sya kahapon ay sinabi ko na nabili ko na yung sapatos na gusto nya.

Pero asa naman sya ibibigay ko agad yung para sa kanya! Matapos nyang paiyakin ang anak ko?! No way! Manigas sya dyan!

"Hindi kita namiss." barumbadong sagot ko.

"Ma! Pa! Si ate oh, nagtataray na naman!" pagsusumbong pa nya kila Mama. Pero wala namang pakialam yung dalawa dahil busy sa pagpapatahan ng apo. Huh! Hindi na ikaw yung favorite ngayon 'no! Malungkot ka dyan everyday every night!

Agad akong lumapit at kila Mama at nagmano. Nagliwanag naman agad ang mukha ni Josh at umurong ang luha nang makita ako.

"Mo-mmy! Mommy!!" pagsigaw ng anak ko.

"Hi, Baby! Did you miss Mommy?" paglalambing ko dito

"Yes! Missed Mommy!" sabay halik nito sa mukha ko.

Hard To Reach (University Series inspired by 4reuminct #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon