"Liana, sumama ka na kasi, tatlong taon ka na naming niyayaya kaya pagbigyan mo na kami, please" kanina pa ako pinipilit nitong si Quennie eh. Sobrang kulit!
"Nakokonsensya nga ako, girl," I said calmly
"Ano ba yan, ang KJ mo naman! Minsan lang 'to eh. Diba, Lui?"
At naghanap pa ng kakampi si gaga!
"Hindi nga pwede, okay? Pinadala ako dito sa Manila para mag aral, hindi para magparty-party." frustrated na sabi ko dahil nagugulo ako sa pagrereview para sa quiz mamaya.
"You are no fun! Ngayon lang naman eh. Promise titigilan ka na namin na kulitin after this," Luigi said while raising his eyebrows up and down.
"Kasi ikaw na mismo ang magkukusang sumama sa amin!!" Quennie exclaimed.
Ughhh nakakairita talaga itong mga 'to! Ayaw tuloy pumasok nung mga nirereview ko sa brain ko.
"Fine," pagsuko ko kasi alam ko na kung hindi ako papayag, pare-pareho kaming babagsak sa quiz mamaya.
"Yes!" they said in monotone and they jumped na parang nanalo sa lotto. Ang happy naman nila, sana all hay pero oks lang, mga lods, colgate naman ako. Ngeks waley.
Dumating na ang professor namin na sobrang terror kaya tumahimik na lahat. Diretso quiz na kami at hindi man lang sya bumati. Natapos ang quiz at wala talagang maririnig kundi ang kinakabahang paghinga naming lahat. Sobrang hirap ano ba 'yon? Galing yatang outerspace ang mga tanong huhu.
"Okay, isa lang ang pumasa sa inyo and that one, got the perfect score," our Professor announced.
"Woahhhhh" my blockmates were so amazed kasi super hirap talaga ng quiz. Konti nalang sasabog na braincells ko eh. But I'm curious kung sino yung petmalu na nakaperfect. Pa-kaba si Ma'am eh.
"Lord, sana ako please" I whispered on my mind.
"The one who got the perfect score is..."
Ma'am anuna? Kaya ba this week??
"Sis, kinakabahan ako" bulong sa akin ni Quennie
"Di lang ikaw, girl"
"Fernando, Congratulations."
I sighed. Kinabahan ako don, shet na malagket. Getting high scores on exams and doing great on recitations are my happiness. I feel so down everytime na hindi ako satisfied sa mga sagot ko. I'm aiming for Latin Honors. Feeling ko ay iiyak ako kung hindi ako magiging laude. But, so far so good naman. I'm now a third year college student and I'm still a dean's lister. I'm running for magna cum laude, actually. Pero gusto ko pa rin makahabol for summa, kaya pa naman daw sabi ng mga profs basta galingan ko lang daw sa OJT.
"POTA, SCAM KA ALLIANA ELAINE FERNANDO!" sigaw ni Quens with matching sabunot pagkalabas ni Prof ng classroom.
"Ebarg naman, Liana! Lodi ka talaga. And dahil naperfect mo ang quiz na naibagsak naming lahat, sagot ko na drinks mo later" Lui winked at me.
"Really? Thank you, Lui! I love you na huhu," sabi ko sabay yakap sa kanya sa sobrang tuwa dahil sa balita nya. Ang babaw man pero sobrang saya ko dahil nag iipon talaga ako para may pangpasalubong ako kila Mama pag uwi ko next week.
"Hoy, Liana! Bitiwan mo na nga yang si Lui. Namumula na oh. Alam mo kasi, crus--" hindi na natuloy ni Quens ang sasabihin dahil mabilis tinakpan ni Grant yung bibig nya at may binulong ito sa kanya na ikinapula ng mukha nya.
"Ano na yung sinasabi mo?" tanong ko.
"Wala! Isang lihim na hindi pwedeng ilantad para sa ikauunlad ng bayan."

BINABASA MO ANG
Hard To Reach (University Series inspired by 4reuminct #1)
RomanceLiana, an aspiring Flight Attendant from UST has a big crush on this snobbish Engineering student from Ateneo that she met in a Club. But even if he's undeniably hard to reach, just like the buildings that he is planning to build, Liana still climbe...