"Quens, ano ba yan?! 'Walwal hanggang mamatay' pa zigii" I mocked her voice earlier. Grabe ganito pala 'to malasing. Mukhang patay ampota. Hindi ko naman matawag sila Lui kasi kinakausap nila yung iba pa nilang kaibigan. Shet, iwan ko na kaya 'to dito? Hayaan ko na lang maapakan at masipa ng mga nagsasayaw 'no? Pero naalala ko, mabait nga pala 'ko so, hindi ko yon gagawin.
Inaalalayan ko sya sa paglalakad papuntang couch when someone bumped at us. At dahil mabigat si Quens at naka-heels pa kami pareho, sabay kaming nagdive sa sahig. Kingina naman, ang sakit! Hindi ko alam kung makakatayo pa ako.
Nagtry akong bumangon ngunit hindi ako makatayo kaya nang may dumaan sa harapan ko, hinawakan ko ang kamay nya para makatayo pero nahilo ako bigla at nawalan ng lakas kaya sa ibang part bumagsak yung kamay ko! Ano 'to? Kinapa kapa ko pa ito at pinakiramdaman and parang ang tigas. Iminulat ko ang mata ko at tinignan kung saan nakarating ang kamay ko...
"AHHHHHHHHH! MANYAK! MANYAK! MANYAK!" I shouted.
Tinakpan nya ang bibig ko. He leaned near me. "Miss, wag ka naman maingay. At kung may manyak man sa ating dalawa, I think it's you" he whispered
"And why me, huh?" ang kapal nito! hindi naman sya si Kai para pagnasaan ko! Kai?? Unti unti kong itinaas ang ulo ko para makita kung sino ba 'tong manyak na 'to at agad nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino nga.
"Omg! I'm sorry. I'm sorry talaga" I said while looking at the ground, hindi ako makatingin sa kanya. Lupa, lamunin mo na ako huhu.
He chuckled. "So ano? Kamusta?"
"Malaki." I said
"Ha?" tanong nya.
"Ha??" tanong ko ulit dahil hindi ko nagets.
"Anong malaki?" he said like he's accusing me for a crime.
Agad ko naman sinampal ang noo ko nang mapagtanto kung anong nasabi ko. Manyak ka, Alliana! Manyak ka! Nakakadiri ka!
"Ahh. Malaki ata yung.. ah.. si Quens!" the heck muntik ko nang makalimutan yung kaibigan ko omg. "Oo! si Quens! Malaki yung bukol nya. Kawawa naman 'tong kaibigan ko na 'to hays. Pwedeng patulong?" nagpuppy eyes pa ako. Sana macute-an sya ehehe.
"Sure. Asan ba yung table nyo?" Agad syang lumuhod at binuhat si Quens. Gusto ko nalang rin maging si Quens kingina napakaswerte naman nitong frenny ko na 'to. Sanaol na lang.
Tatayo na sana ako para ituro sa kanya yung table nang bumalik ako sa sahig dahil sa sakit ng paa ko. Gusto ko rin magpabuhat pero naalala mas kailangan sya ni Quens.
"Uhmm sa likod lang nung table nyo." I said.
"Ihahatid ko lang si Quens doon then, babalikan kita, okay?" he said then, I nod.
Pinagmasdan ko ang likod nya habang papalayo. Sanaol talaga si Quens. It has been 10 minutes pero hindi pa rin sya bumabalik. I got sad by that thought. Babalikan daw ako, huh! I tried my best to get myself up pero hindi ko talaga kaya. Naiiyak na ako dito pero wala man lang may care hmp ang papanget nyong lahat!
"Hey, you alright?" The medyo yummy guy na nakita ko kanina said. Ano nga ulit name nito? Zian??
"Uhmm can you help me to get up?" I said shyly.
"Oh sure. What happened ba? Wanna go to my car? Let's treat your sprain." he said calmly.
"No thanks. Hatid mo na lang ako sa table namin."
He held my waist and helped me walk. Nakasalubong namin si Kai na nagmamadali and he looked at me like he's sorry. I just nod and gave him a light smile. 'Hindi mo ako binalikan' I whispered on my mind.
BINABASA MO ANG
Hard To Reach (University Series inspired by 4reuminct #1)
RomanceLiana, an aspiring Flight Attendant from UST has a big crush on this snobbish Engineering student from Ateneo that she met in a Club. But even if he's undeniably hard to reach, just like the buildings that he is planning to build, Liana still climbe...