Gotchhhaaaa!

440 13 11
                                    

Denver’s POV

Nagdadrive ako ngayon pauwi at di ko alam kung ano ang mararamdaman ko, ang saya saya ko dahil napatawad na ako ni Ken.Hindi ko na nga nakanta yung Everything Has Changed dahil nahihiya ako sobra.Pero parang may kulang sa nararamdaman ko ,kanina kasi gustong gusto ko nang sabihin ang nakita ko sa parking lot na ginawa ng hinayupak niyang boyfriend pero di ko na nagawa kasi nirerespeto ko ang relasyon nilang dalawa.
Ayokong mag mukhang kontrabida sa kanila.

Nakarating na ako sa bahay as always di na ako nagulat ang boring kasi puro kasambahay lang ang kasama ko kaya napagisipan ko munang manood ng movie pero pinalitan ko muna ang suit at jeans ko..Isang oras lang ang itinagal ko sa kakanood kasi sobrang antok nako kaya pumasok ako sa kwarto at naghubad ng damit (Kalma kayo hindi ako mag jajakol matutulog lang ako HAHAHAHA)Napagod kasi ako sa garden kanina tapos di pa ako masyadong nakatulog sa pag pre prepare

Humiga ako sa kama at inisip ang mga panyayari.

Napangiti ako ng naalala ko ang mga tawanan namin ni Ken ang cute cute ng mukha niya halos perpekto,

Tapos biglang pumasok din sa isip ko ang paghalik ko sa kanya

“Ano ba Denver parang nababakla ka na dun ahhh bwesit ka arrrgggghhhhh!” sigaw ko sa loob ng kwarto

Nawawala na ako sa sarili at napag isipan kong tawagan si Ken pero di niya na ito sinasagot tulog na siguro ang mokong na yun.

Di ko na napigilan ang antok ko at natulog akong si Ken pa rin ang naiisip

.......................

.....................................................

..............................................................................

Ken’s POV

Nagising ako bandang 6: am (Himala napaaga ako yata ngayon HAHAHA) at wala na si Kevin sa tabi ko nagtaka ako kaya dali dali kong kinuha ang phone ko para tawagan siya.
Pag open ko ng phone nakita ko ang missed call na galing kay Denver kagabi ko na namalayan.Napangiti ako dahil parang umiiba na ugali niya.
Nag start na akong tawagan si Kevin dahil di ko alam kung saan siya pumunta pero di niya sinasagot tawag ko.

Bumaba ako para tanungin si mama pero pagbaba ko wala na sila mama sa labas baka namalengke sabay hatid sa school sina Scarlet at Blue.

Dali dali akong naligo at egg sandwich nalang muna ang kinain ko sa almusal kasi nagmamadali akong pumunta ng school,titingnan ko kung nandun si Kevin.

Nakarating na ako sa school at nagpark muna ng motor.Tumakbo ako papunta sa room ni Kevin pero wla siya dun.Nagtanong narin ako sa mga kaklase niya pero hindi rin nila nakita si Kevin sobrang nakakapagtaka lang dahil walang bakas na iniwan si Kevin sa school.

“Maaaahaaaaaaaaaaaaalll!! Nasaan ka na ba?”tanong ko sa sarili dahil sobrang nag alala na ako sa kanya

Tumakbo ako at lumabas ng school bahala na kung aabsent ulit ako pupuntahan ko parin si Kevin

Paglabas ko ng gate muntik pa akong masagasaan ng kotse kaya sumigaw ako

“Hoy ikaw na driver bakit parang ang tanga tanga mo di ka ba tumitingin sa daan?”-sa sobrang kaba hindi ko na napigilan ang bunganga ko

Binuksan ng driver ang bintana ng kotse niyang mukhang pamilyar sakin, at laking gulat ko na si Denver pala yun

“Hoyyy kalma ang aga aga ang ingay ingay mo,bakit ka kasi tumatakbo? Yan tuloy muntik na kita masagasaan.”

Nahiya ako puteekkss di ko inakala yun ahh,

“Sorry sorry nagmamadali lang kasi ako hinahanap ko si Kevin”rason ko sa kanya

Everything Has Changed (A Rare Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon