AGAIN binago ko ito, iba na ang mga mababasa niyo pero gano'n pa din ang flow ng story, okiii love y'all.
2: ACCIDENTALLY, APOLOGIZE.
NAGISING ako sa kwarto ko dahil sa malalakas na patak ng ulan. 'Anong oras na ba?'. Baka ma-late nanaman ako, shizz. Ginawa ko na ang mga ritwal sa banyo bago ako bumababa para kumain.
"Goodmorning, nane". Bungad ko pagkarating ko sa kusina. "Magandang umaga rin, hija. O s'ya, kumain ka na r'yan. Hinanda ko ang mga paborito mong pagkain". Kumain na ako at nagpasalamat kay nane sa hinanda niyang pagkain. "Ang mommy mo pala—" Nang marinig ko na binanggit ni nane 'yung step-mom ko, agad kong inubos ang mga pagkain sa plato ko para tumayo.
"Papasok na po ako, nane". Sabi ko habang nilulunok pa ang mga pagkain sa loob ng bibig ko.
"Saglit lang, hija–"
"Isang bagyo ang paparating sa Pilipinas, sa bandang luzon. Signal no.4 at hindi inaanyayahan na lumabas ang mga residente sa mga nasabing siyudad at mga brgy–". Hindi ko na tinuloy ang pakikinig at agad akong umakyat papunta sa aking kwarto.
Nagpalit ako ng hoodie at nag-facemask para lumabas. Gusto ko kasing maranasan ulit ang ginagawa namin ng aking ina noon.
"Oh saan ka pupunta, hija?" Tanong ni nane pagkababa ko sa hagdanan. "Ah, lalabas lang ho para kumain sa convinience store".
"Pero sobrang lakas ng ulan, hija. Baka magka-sakit ka n'yan at mapagalitan pa ako ng mommy mo". Pigil sa akin ni nane. "Wag po kayong mag-alala sa'kin, nane. Kaya ko po sarili ko". Paninigurado ko kay nane. "Oh s'ya, basta bumalik ka agad ha. Mag-bus ka nalang d'yan".
"Ito talaga si Nane, sa tapat lang naman po 'yon ng school e, magbu-bus pa po ako?" Natatawang tanong ko kay nane, nagkulitan muna kami bago ko napagpasyahan na lumabas.
Maya-maya lang ay nakapunta na ako sa tapat ng school, sa mismong waiting shed nito. At tatawid nalang ako para makapunta sa store na pagkakainan ko, tatawid na sana ako ngunit nag-red naman ang ilaw sa may stoplights kaya huminto muna ako. "Ang tagal naman". Reklamo ko sa kawalan.
"Matagal talaga 'yan, sira 'yan e".
"Ikaw?!"
"Anong ginagawa mo dito?" Anong ginagawa nitong kumag na 'to dito? Tss.
"Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta rito?" Nakangising tanong niya sa akin.
Oo. Siya 'yung hila ng hila sa'kin. Hindi ko nalang siya pinansin at tumawid na dahil wala namang sasakyan.
Nararamdaman ko ang presensya niya sa likod ko, kaya hinarap ko ito,
A-ano?!
A-nong nangyayari?!
Bakit?!
Bakit siya ang first kiss ko?!?!
Nakadilat lang ang mga mata ko habang nakatingin sa mga mata niya at magkalapat ang mga labi namin. Naramdaman ko ang unti-unting patak ng ulan sa mukha ko, pero hindi pa rin ako makagalaw. Walang makagalaw sa'min dahil sa gulat nang biglang...
"Aray!" Sigaw niya.
"Bakit mo ko sinampal?!" Sigaw ulit niya. Basang-basa na kami pero hindi pa rin kami umaalis sa pwesto namin.
Nakatulala lang ako. Nakatingin sakanya, hindi ako makagalaw peste. "Hoy! Sabi ko bakit mo ko sinampal?!"
"Ha?"
"Oh ba't parang—"
"BAKIT MO KO HINALIKAN?!" Ngayon lang ako naka-react sa nangyari, bakit kasi siya pa ang first kiss ko. "Walang hiya ka! Manyak! R*pe! R*p–" hindi ako nakasigaw pa nang takpan niya bibig ko. "Hmmm! Hmmm!!!"
"Ano ba!? Anong r*pe na sinasabi mo?! Nahihibang ka na ba? Ni hindi nga kita type!"
Aray ha! Nakakainsulto naman 'yon.
Tinulak ko siya, tinignan ng masama bago tumalikod papunta sa convenience store. Nararamdaman ko ang presensya niya sa likod ko nang makatapak ako sa loob ng store, pero dedma nalang dahil gutom na talaga ang sawa sa t'yan ko.
Pagkatapos kong bumili ng mga pagkain, umupo ako sa bakanteng table malapit sa bintana, dito sa pwesto na lagi naming inuupuan ni mom noon.
Mapait akong ngumiti habang nakatanaw sa labas. "Oh, bakit parang ang lungkot mo?" Sabi ng taong nasa harapan ko. Tinignan ko lang ito at nagsimula ng kumain.
"About sa nangyari sa inyo ni Louis—"
"It's ok". Pagputol ko sa dapat na sasabihin niya. Ginulo niya ang buhok niya na parang nafu-frustrate sa nangyayari, "Look. I'm really, really sorry. I mean it. I'm sorry, na-misunderstood ka lang namin. Napanood namin 'yung nasa drive, and nakita namin 'yung nangyari".
Pinagpapatuloy ko lang ang kinakain kong noodles habang nakikinig sa sinasabi niya, "I'ts ok". Nakita ko naman na kumunot ang noo niya, marahil naguguluhan siya sa inaasta ko.
"Alam ko na ako 'yung sisisihin niyo kaya kinuha ko na agad 'yung footage na nakuhaan sa cctv sa hallway". Mahinahon na sabi ko.
"That's unbelievable." Huli niyang sinabi bago magkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, ngunit maya-maya rin ay binasag niya ito.
"Raven." Nakangiting sabi niya habang ang kamay ay nasa harapan ko– gustong makipag-shake hands. Tumango lang ako at tinanggap ang kamay niya., wala akong balak na sabihin ang pangalan ko dahil sa tingin ko, alam naman na niya. Tumayo na siya at nagsimulang maglakad.
Naramdaman kong tumigil siya sa gilid ko kaya naman napalingon ako dito.
"By the way, ang lambot ng labi mo." Nakangising sabi niya bago umalis ng store.
Agad ko namang naramdaman na uminit 'yung pisngi ko. Shizz talaga!
End of Chapter 2.
YOU ARE READING
That Girl is Existing
Teen FictionThe writer wrote a story about her dream girl, but never expect that the girl on his story, appears in to the reality. That Girl is Existing. Update every weekends. Date started: -December 11, 2019