CHAPTER 5

6.9K 161 0
                                    

Alexiz's POV

Kasama ko ngayon ang dalawa kong anak at si Francis. Nandito kami sa department store, ako lang sana pero sumama ang tatlo para bonding na rin daw naming mag-anak. May kasambahay naman pero hands on ako sa ganitong bagay.

Si Francis at Franz ang nagtutulak sa push cart.

"Mommy,I want some soda." Sabi ni Franz at naglagay ng soda sa push cart.

"Pinaalam pa talaga." Bulong ni Francis kaya siniko ko.

Inakbayan niya lang ako sa hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Eherm ... dad, huwag masyadong sweet. Nilalanggam na ako." Sabad ni Xandra.

Napatawa kaming dalawa ni Francis.

"Dad," tawag ni Franz sa ama niya.

"Yes, young man?"

"Ate Marian's boyfriend called me earlier. He's inviting us."

"Inviting for what, brother?" Xandra asked.

"Magpo-propose na daw siya kay Ate Marian."

Xandra squealed, "really?! Oh my god!"

"Actually, Anthony also called me," napailing si Francis. "We need to be careful ..."

"Why?" I asked.

"Hindi ko pa nakikita ang kasintahan ni Marian but Anthony said that Marian's boyfriend is a cop, a captain."

"So what, dad?" Kumunot ang noo ng magkapatid.

"Oo nga dad. Anong konek?"

"Hindi ka naman na gumagawa ng illegal, ah." Sabi ko.

"Basta, baby ..."

He pushed the cart towards the vegetable section. Ang mga anak  namin ang pumili ng mga gulay at pinanood na lang namin sila.

"Malalaki na talaga ang mga anak natin, baby." Sabi ni Francis.

Ngumiti naman ako. "Mas masaya sana kung nandito ang panganay nating anak."

"Stop it, baby. Baka mamaya iiyak ka na naman." Inakbayan niya ako.

"Bakit ba kasi siya kinuha sa atin?"

Hindi umimik si Francis at bumuntong-hininga lang.

"Mom, okay na po ba 'to?" Tanong ni Xandra.

Tumingin naman ako sa mga gulay. "Oo, tara na. Marami pa tayong bibilhin."

"Mom, bili tayo ng prutas."

"Sige."

Pumunta kami sa fruit section at hinayaan ang tatlo na pumili kung ano ang gusto nila.

Dumako ang tingin ko sa dalawang prutas.

Ang mga prutas na 'yon ang gustong-gusto kong kinakain noong naglilihi ako sa panganay ko.

I sighed.

"Ang addict mo talaga sa mansanas para kang babae ..." Napatingin ako sa dalawang mag-asawa na bumibili rin ng prutas.

Napatingin ako sa daliri ng babae. May singsing. Napangiti ako. Nakaakbay dito ang asawa niya.

Sweet.

"Sweetheart, hindi naman nasasayang 'yan, eh."

Napatingin ako sa lalaki. May mahaba itong bangs na siyang tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang kulay ng mata nito.

THE MAFIA HEIR (Book II )  IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon