unVOICED

494 15 0
                                    

Maraming nagsasabi na ang pagbabago ang tanging hindi nagbabago. Napaka-cliche man pakinggan ngunit hindi natin maipagkakaila na kahit papaano, may katotohanan ang kasabihang ito. Ang pagkain napapanis, ang damit hindi na nagkakasya, ang ngipin natin nalalagas, ang puti nagiging itim at ang mabuti muntikan nang mapunta sa masama. Sadya lamang nakapagtataka kung bakit nagbabago ang isang bagay. Dahil ba nakatakda na talaga itong magbago o sadyang epekto ito ng mga maling desisyon sa buhay?

Ginawa ko ang pinakamalaking kasalanan na maaring magawa ng isang kaibigan. Nahihinuha niyo na ba kung saan 'to papunta? Kung may isang bagay man tayong hindi natin kailanman makokontrol, para sa akin, iyon ang ating emosyon.

Ngunit kahit ilang beses man akong magsisi, ilang beses man akong manghinayang, hindi nito maaalis ang mga salitang binitawan niya. Matatatanggap ko na rin naman kung sasabihin kong hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin pero pati pa ba naman iyon, hindi pala totoo?

Sa paglabas kong papuntang entablado, hindi magkamayaw ang mga kakilala ko at handler sa pagsigaw para maipakita ang suporta nila sa akin. Ngiti rito, ngiti roon. Lakad na pangsosyal, lakad na kinukubli ang totoong ako.

"Number 8! Ang ganda mo po!!!"

"Panalo na iyan! Kabugin mo silang lahat!"

"Go! Ate Lorraine! Kaya mo yan!"

Ilan lamang iyan sa mga sigaw nang mga nasa audience. Habang rumarampa ako suot ang pula kong gown na hindi nalalayo sa sinuot ni Catriona, bigla kong naalala ang bilin sa akin ni Santiago. "Hindi title, hindi number 2, first runner up ka dapat. Alalahanin mo ang sikreto mo."

Kainis naman kasi si ate Rica, kung hindi ba naman kasi siya nagkasakit, eh di sana, siya ang nandito imbes na ako. Ngayon tuloy kailangan ko pang magsuot ng gown saka nitong wig saka makapal na make-up.

"And we now go to the most awaited event, the question-and-answer portion!"

To think na kailangan kong ngumiti kahit na sumasakit na ang paa ko sa dulot ng heels na gamit ko, hindi ko alam kung worth it ba ang pinaggagawa ko pagkatapos ng lahat ng ito.

"May we call on, candidate number 8, please pick your question," masiglang banggit ng di katangkarang host.

Shocks! Kaya mo ito Lorin. Maganda ka. Mas maganda ka sa kanila.

I did my best to hide the small shivers of my hands, but to no avail, they betrayed me.

"Oh, relax Ms. no. 8," sabi ni Penguin, the host, saakin saka tumingin sa audience.

Shocks, may galit ata sa akin ang isang 'to. Kailangan pa talagang i-announce?

"Here's your question: If you were to change a single event that has happened in your life, what would it be and why?"

Shocks. Yung ibang question, parang pang grade 1 lang, pero yung akin--- talagang ginagalit ako nitong babaeng 'to.

Huminga na lang muna ako nang malalim, pinilit na paliitin ang boses, at inisip kung anong pwedeng maging sagot na pang first runner up.

"If, um, If I, If I were to change, um," Shet. Lorin! Get hold of yourself!

Change. Kung hindi nga ba naman nananadya ang panahon. May nais nga ba akong baguhin? Dahil sa tanong na iyon, hindi ko maiwasang balikan ang taong iyon at ang mga nangyari noong nasa high school pa lang ako.

---

Swerte na rin sigurong maituturing na naging magkaibigan kaming dalawa noong high school. Nagagawa ko ang mga bagay na hindi nagagawa ng normal niyang tagahanga: nakakausap ko siya palagi, nakakasama pauwi, at walang inhibitions na suportahan siya sa bawat pa-liga ng baranggay at laro sa eskwelahan.

SECOND VOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon