UNO

234 5 1
                                    

"Achi, sa inyo na pala 'tong 'sang kyaw. Hati na lang kayo diyan. Pasensya na, gipit din ako ngayon eh." Sabi ko sa kanila sabay abot ng pera.

"Luka, i-noma na lang natin yan bukas. Celebrate natin first babaihan look mo bwahahaha." Si ate Mimi.

"Kaso sayang, binura agad ni bakla make up niya. Fafable na naman. Hahaha." Pang-aalaska naman ni Gigi.

Kakatapos lang kasi kanina ng Ms. Dalandian. Kung di lang ako napilit ng dalawang to, hindi naman talaga ako sasali.

'I-explore' ko din daw kahit pa minsan minsan pagkabakla ko. At by 'explore' they mean yung hitsura ko. Dapat daw maging babaihan ako.

Eh, hindi ko naman bet mag ganun. Minsan, siguro, pag inabot ng topak.

Anyway, bonus na lang na may pa travel yung pageant. Bukas pa nga lang makukuha. Buti na lang di ko nakuha yung title kundi dyowa talaga ako nito ni Mayor in an instant. At siyempre may iba pang kasabay na washing machine. Kaloka diba?

"Rain, ano na? Sakay na. Wag ka nang lumingon lingon diyan. Nakaalis na yun si Prince Charming. Tarayan mo ba naman." pangungulit ni Gigi. Talagang hinila pa ako para lang pumasok sa taxicle.

Hindi na lang ako umimik. Inalala ko na lang kung si Choy ba talaga Yung kanina.

Hayyy, tanga.

Sige na nga. Si Choy yun. Di ko naman mababago ang katotohanan na nagkita nga kami. Sarili ko lang gagaguhin ko.

Pero, ba't di niya man lang ako namukhaan? Binawasan lang naman kilay ko saka nagwig. No make up make up nga lang din sa akin pero bakit di niya ako namukhaan man lang?

"Baks, ano pala oras gig niyo tomorrow?" Biglang pagbasag na tanong ni ate Mimi na nakasakay sa likod ng driver

"8:00 PM naman kami lagi tuwing MWFSat."

"Oki. Dun na lang tayo. Balita ko maraming poging dumadayo sa bar niyo." Tugon ni ate Mimi.

"Asus. Kung ganun, ba't walang inuuwi tong si Rin?! Hahaha."

"Rain nga kasi."

"Rain kung rain. Arte. Hahaha."

"Kaso, di naman ako ang lead namin dun. Pianist talaga nila ako. Minsan na nga lang magsecond voice."

"Ano ka ba?! Basta iinom tayo nila ate Mimi! We'll have some fun!!!"

---

Ilang minuto din nakapasok na kami sa baranggay namin kaya nagpaalamanan na kami sa isa't isa.

Naunang bumaba si ate Mimi saka sumunod si Gigi.

Ako at si koyang driver na lang. Ilaw na lang ng tricy saka liwanag ng buwan ang kasama namin since may corrupt pa rin hanggang ngayon at ayaw man lang pailawan baranggay namin. Daig pa namin brownout sa Barrio Maulap ng Starla.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SECOND VOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon